Brix's POV
6:46pm na and still nandito padin ako sa hospital para bantayan sya, umuwi ang mga kaibigan nya pati ang mami nya iniwanan lang nila ako ng pagkain, gutom nako pero gusto kong segu segundo nasa tabi ko lang sya. i dont want to leave her, gusto ko pag gising nya ako ang una nyang makikita.
Her angelic face gives me a chill. Habang nakatitig ako sakanya hindi nakaligtas sakin ang pag galaw ng daliri nya kaya napangiti ako. Gising na sya.
--------
Marky's POV
Dahan dahan kong minulat ang mata ko, nahilo ako, nanghihina ako. Feel ko hindi ko kayang gumalaw. Naimulat ko ng maayos ang mata ko ng harangan ng brix na nakangiti ang view ko.
"N-nasan ako?" mahina kong sabi, nung nakita ko si brix para akong nagkaroon ng lakas
"Hospital" saad nya kaya napatayo ako sa pagkakahiga , ayoko sa hospital. i hate hospitals. Lahat ng nangyari kung bakit ako nandito ay nag flashback sakin.
"what!??" mahina ngunit gulat kong sabi "saan si mommy?!" tanong ko uli
"Umuwi sila kasama ng mga kaibigan mo" Ngumiti ulit si brix at hindi ako nakagalaw ng yakapin nyako "Thank god you're safe" sabi nito. Totoo bayan? Tumayo si brix at pumunta sa lamesa. taena hindi ako pwede mag tagal dito, feel ko hindi ako makahinga.
"Where's my thing? where's my bag? my wallet? my phone?" sunod sunod kong tanong, kelangan kong umalis dito mag tataxi ako. Nginuso ni brix ang bag ko, Tila inaamag na ito pero hindi ko pinansin.
Dali dali kong tinanggal ang mga nakadikit sa likod ng palad ko at tumayo. Nahilo ako pero nilalabanan ko.
"Bugsy? what are you doing?" he asked pero hindi ko sya pinansin. Inalalayan nyako para makuha ang bag ko"Brix i need to go. Ayoko sa hospital, pasabi nalang kay mommy umalis ako maiintindihan nyako" saad ko dito.
"what?? Iiwan mo ko dito? teka marky, sasama ako sayo, pero uubusin ko lang tong pagkain ko gutom na ko" Sabi nya habang tinatanggal ang suot kong hospital gown at kinuha ang damit na nasa bag tingin ko dala yon ni mommy
Ang harsh ko naman kung iiwan ko sya matapos nya kong bantayan, Pero matagal pasya matatapos kumain. "Let's go. Sa labas na tayo kumain, baka abutan tayo ng nurse" ani ko, nagugutom nadin ako, napatingin ako kay brix ng hindi ito kumilos
"Naiwan ko sa bahay ang wallet ko" sabi nito na tila nahihiya.
Huminga ako ng malalim, "Fine. Papakainin kita" Agad naman kuminang ang mga muka nito sa narinig
"Talaga magpapakain ka?" sabi nito kaya tumango lang ako "saan tayo mag kakainan?" tanong ulit nya at mas lumawak ang ngiti. Kahit kailan talaga napaka bastos nya
"napakabastos mo talaga!!" kahit nanghihina, mahina kong sinipa ang tuhod nya na kinatawa lang nya. loko talaga.
Buti nalang at hindi nya naiwan ang sasakyan nya akala ko naiwan nya din eh. Dumiretso kami sa isang convinient store, dahil mag wiwithdraw pa ako. Malapit na ako sa entrance ng sumigaw si brix mula sa kotse
"BUGSY BABE, BILAN MO KO NG CONDOM TATLONG BOX" nilingon ko sya at pinandilatan ng mata, nakita kong marami pang tao sa paligid. Napayuko nalang ako at pumasok sa convinient store. HUMANDA KA SAKIN MAMAYA BRIX CHAVEZ. GRR
Nakarating ako sa kotse at agad ko syang inirapan, Tuwang tuwa naman ang malibog na nilalang. Bahala ka sa buhay mo hindi kita papansinin.hmp! Habang nag dadrive Biglang nag play ang kantang Baby dont go by justin vazquez na sinabayan pa ni brix
Baby dont go, Baby please stay,
I would never push you away,
Baby remain in my arms,
i will always keep you safe from harm.Sabay nya sa kanta kaya napatitig ako sakanya, ang ganda ng boses nya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Erase marky! Galit ka sa hambog nayan! umirap nalang ako sa hangin bago ibalik ang tingin sa bintana. psh
Nakarating kami sa isang restaurant, Simple lang sya at hindi ganon karami ang tao pero mukang masasarap ang mga pagkain.
Habang nakaupo hindi ko na kaya ang awkward ng atmosphere kaya nagtanong nako kay brix "Pwede bakong iexcuse sa basketball girls? Ngayong hindi pako totally recovered" Tanong ko ng hindi tumitingin sakanya, malapit na kasi ang festival. Isang ngiti ang sagot nya sakin kaya napairap ako kahit kailan talaga walang kwentang kausap.
"Marky," naging seryoso ang tawag nya kaya napatingin ako sa kanya. "Tapos na ang festival, nanalo ang team mo" ngiti uli nya at tumingin sa bintana
"ha? tapos na? pano nangyari yon? e kakatapos lang ng halloween?" ano bang sinasabi nito ni brix. hablig talaga
"you've been comatose for almost 1 month" Hindi ko alam kung anong irereact ko, comatose? pano? e parang kahapon lang nangyari ang lahat, sariwa pa sa utak ko. Mahina akong natawa
"galing mo mag joke mr. malibog" pahampas hampas pako sa lamesa habang tumatawa. Napansin kong seryosong nakatingin sakin si brix. So hindi sya nagbibiro?
"Coma? Bak---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dumating ang order namin.
Nafeel ko ulit ang awkward sa paligid habang kumakain, lamon dito lamon don ang ginawa ko, tila isang buwan ngako hindi nakakain at wala nakong pake sa paligid ko. Ganon din si brix lamon dito at lamon don din ang ginawa kaya tahimik kaming kumain.
Naubos ang lahat ng inorder namin biglang kumirot ang ibaba ng dibdib ko kaya napahawak ako dito, tingin ko ito ang sugat na natamo ko.
"Najejebs kaba? u can use toilet baka umutot kapa. Ang takaw kasi" Sabi ni brix na halatang seryoso padin, seryoso kanyan? tss bipolar saltik, sinamaan ko sya ng tingin pero mas sinamaan nyako ng tingin. problema netong unggoy nato.
"Dont you dare to do that again! Dont act like a hero. You're not a hero because you're a bugsy" Sabi nito, naalala ko ang ginawa kong katangahan noong araw nayon. "understood?" Ma awtoridad nyang tanong kaya napa irap nalang ako
"i would take that as a yes!" sabi nya at kinain na ang ice cream nya "pasalamat ka kakakain ko lang hindi pako nag totooth brush kung hindi kanina pa kita hinalikan. Kanina kapa taray ng taray dyan and i want to kiss you para pumikit kanalang at hindi kana makairap pa" Sabi nito habang nakatingin sa ice cream nya, nakaramdam ako ng init ng muka kaya nagpaalam ako na mag ccr. Ang daming butterfly sa tyan ko o baka tae lang.
Kahit kelan talaga Brix Chavez napaka pervert mo! tsk.
PLEASE DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT ^_^ HAPPY READING!
~♡~
BINABASA MO ANG
Ang Malibog Kong Fake Boyfriend (PUBLISHED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED!!! #1 IN EXOTIC #3 IN TAGALOG LOVESTORY #2 IN TWICE #6 IN TROPA #9 IN TEENFICTION --- Isang matapang na probinsyana ang mapapadpad sa normal na mundo, sya si Marky Dylan. Gusto nya lang magbago upang maging maayos at tahimik an...