▫ May 7 ▫

20 1 0
                                    

  Dear Diary,
           
             May ikekwento ako sayo diary hmp! Dumating yung ninang ko kahapon may kasamang batang lalaki na maitsura, ang sungit nya tignan diary hindi man lang ngumiti.

Tinanong ko kung anong pangalan nya diary tapos inirapan lang ako?! Gusto ko lang naman makipag friends eh

Dumating naman yung bff ko sa bahay tapos ng nakita nya yung anak ni ninang sabi nya crush nya na daw, ang gwapo daw kasi at maputi.

Tinanong ako ni bff kung anong pangalan nung lalaki, sabi ko hindi ko alam at wala naman akong paki. Sabi ni bff araw araw daw sya pupunta sa bahay parang tignan yung lalaki.

Oo nga pala diary hindi ko nasabi sayo, magbest friend si mama at si ninang kaya magbabakasyon si ninang sa bahay kasama ang anak nya ng dalawang linggo.

Sabi ni mama sa akin makipag kaibigan daw ako sa anak ni ninang dahil onti lang daw ang kaibigan non dahil laging libro ang hawak.

Ang sabi ko naman napaka sungit at ayokong pakisamahan. Pinagalitan ako ni mama kasi gandahan ko daw ang pakikitungo ko dahil bisita daw namin yon.

Tumango na lang ako kay mama kahit ayoko pero malay mo nahihiya lang sya sa akin.

Napilit,
    Maki

Dear DiaryWhere stories live. Discover now