▫ May 11 ▫

5 1 0
                                    

Dear Diary,

          Pinuntahan ako ni mama sa kwarto tapos pinagalitan nya ako, pangit daw ang pinakita kong ugali kila ninang.

Mag sorry daw ako diary kung hindi hindi daw ako ni mama papuntang SM, kaya nag sorry ako diary kahit labag sa loob ko.

Sabi ni tita ok lang daw yon at away bata lang naman daw yon. Nakita ko si CL ngumisi diary nakakainis ang mukha nya.

Simula kahapon lagi nya na lang ako inaasar. "Taba paki abot ng tubig", " Taba umalis ka dyan"

Puro sya taba diary! May pangalan naman ako!

Pupunta kaming SM ngayon ibibili daw ako ni mama ng Monopoly yung matagal ko ng hinihiling sa kanya, usong uso kasi yung larong yun sa eskwelahan namin eh.

Pagka punta namin sa SM, iniwan kami ni CL nila mama sa lamesa dahil bibili silang makakain.

Sobrang awkward walang nag sasalita sa amin. Palinga linga lang ako sa paligid tinitignan ang mga tao na naglalakad.

"Anong tinitignan mo dyan?" sabi ni CL sa akin.

Nabigla ako dahil first time nya akong kinausap ng matino.

"Ah wala tinitignan ko lang yung mga tao" sagot ko naman sa kanya.

" Pwede ba akong magtanong" sabi nya sa akin. " Bakit ang taba mo?"

Tinignan ko lang sya ng masama at umirap.

Lagi nya na lang ako inaasar diary! Pag ako pumayat who you sya sa akin!

Napikon,
        Maki♥

Dear DiaryWhere stories live. Discover now