Dear Diary,
Sa amin na sumasama si Allys kapag recess diary. Para silang aso't pusa ni Leane, lagi kasing nagbabangayan.
Ishi-ship ko sana sila pero yun na nga umamin na si Allys na bakla sya eh. Ang lambot kasi gumalaw kaya malalaman mo talagang bakla sya. Noong una in denial sya pero nung tumagal ayun! Lumabas rin ang totoong kulay!
Binilhan nga pala ako ng bagong cellphone ni mama diary!! Dahil naaawa daw sya sa akin at basag basag na yung cellphone ko. Mamahalin diary! yung usong cellphone! iPhone 5s yata ang tawag dun, basta may kagat ng mansanas sa likod.
Nagkakausap nga pala kami ni CL diary, nagiging close na kami! Minsan nga inaabot kami ng madaling araw para mag chat sa isa't isa.
Kung hindi lang ako chinicheck ni mama sa gabi ay baka mas matagal pa ang usapan namin.
Nag pa papaya soap na rin pala ako diary para pumuti daw ako tapos minsan nagpapahid din ako ng calamansi sa katawan.
Sabi ng mga kaklase gumaganda daw ako pero sabi ko na lang "ako pa rin 'to guys" kaya iniismiran na lang nila ako.
Malapit na pala ang Buwan Ng Wika at ako ang napili gumanap sa roleplay namin na si sisa! Magbabaliw baliwan ako diary!!
Sabi ko sa mga kaklase ko si Maria Clara na lang ako o kaya puno na lang pero trip talaga ako nila huhu.
Naiinis,
Maki♥
YOU ARE READING
Dear Diary
Teen FictionThis Diary belongs to no other than Maddison Killiene Sarmiento. Please read and vote my first ever publish story! Love lots♥