Dear Diary,
Pasukan na ngayon at super excited ko dahil ang daming transferee daw sa school!Ang aga ko nagising diary, mga 4:30 AM pa lang ay gising na ako para mag ready sa school. Isang oras din kasi ang ligo ko kaya tama lang ang gising ko.
Simula pala ngayon, mag eexcercise na ako diary sabi ni mama para daw pumayat daw ako dahil pataba na ako ng pataba.
Dati nakaka 2 cup of rice ako diary ngayon Isang cup na lang kahit masarap ang ulam.
Pagka pasok ko sa school hinanap ko agad si Leane dahil magkaklase kami ngayon. Iba pala pag high school diary parang kinakabahan ako, mas dumami kasi yung mga kaklase ako at parang nag bago yung mukha nila. Yung iba natuto na mag ayos ng sarili at nag pa rebond pa ng buhok tila napag iwanan ako diary.
Nagkekwentuhan kami ni Leane ng may biglang pumasok na lalaki, halos lahat napatigil sa kanilang ginagawa at lumingon sa lalaking pumasok.
Gwapo diary mukhang may lahing koreano parang sya yung nakikita ko sa tv pero wala akong hilig sa koreano. Singkit ang mata,Matangos ang Ilong, May mapupulang labi, Maganda ang pagkakahawi sa buhok at Matangkad pero sa tingin ko walang wala yan kay CL.
Bakit ko ba sya naiisip diary? Isang linggo ko lang sya nakilala tapos crush ko na agad sya? Hay nako nakakainis.
Nagpakilala syang Gregory Allys Kim half korean daw pero lumaki sa pilipinas, friendly diary kaya ang daming babaeng nagpapacute sa kanya diary kahit si Leane nakangiti sa lalaki.
Kasunod nya lang dumating yung teacher namin diary at saktong wala pang nakatabi sa right side ko kaya doon sya umupo.
Pagkaupo nya binati nya ako diary " Annyeong Haseyo!" Tapos yumuko sya sa akin at umupo.
Nataranta ako diary hindi ko alam kung anong ibig sabihin non at wala naman akong hilig sa koreano kaya sinabi ko sa kanya yung narinig ko sa tv na "saranghae" at ginaya ko yung pag yuko nya kahit di ko alam ibig sabihin non.
Diary natatawa sya at hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali.
Napaiwas ako sa kanya ng tingin at yumuko dahil nahihiya ako.
Feeling Koreana,
Maki♥
YOU ARE READING
Dear Diary
Teen FictionThis Diary belongs to no other than Maddison Killiene Sarmiento. Please read and vote my first ever publish story! Love lots♥