Naglalakad ako sa hallway ng school namin nang biglang bumungad sa harap ko ang best friend ko na si Krisha.
"Ashlea D. San Pedro!" Sigaw ng best friend ko
"Krisha E. Tan!" Sigaw ko rin sabay yakap sa best friend ko
"Ashlea na-miss kita! Sabi ko naman sumama ka na sa 'kin sa Indonesia noong summer. Alam mo ba ang dami kong binili sa Bali na pasalubong sayo" Masayang saad sa akin ni Krisha
"Thank you, Krisha! Ang sweet mo talaga. Ayos lang naman kahit walang pasalubong e" Sabi ko
"Ano ka ba syempre bibilhan kita bestfriend kaya kita!" Sabay yakap niya ulit sa akin
Si Krisha ay best friend ko simula noong first year high school ako. Parati niya akong ipinagtatanggol sa mga nambu-bully sa akin. Si Krisha at ako ay talagang magkaiba ngunit kahit ganoong ay mahal na mahal ko 'tong bestfriend ko.
She has those beautiful brown eyes, curly brown hair, thin pink lips, porcelain skin and small waist line. Habang ako I have this pouty red lips mala-Kylie Jenner ang datingan char! I have light skin, long black hair and waist line lang walang "small"
But one thing is similar between krisha and I, we both have sweet tooth. Kaya kahit maaga palang ay nilalamon na naming itong mga chocolates na dala ni Krisha at ang cake na dala ko rin.
Habang kami ay kumakain sa cafeteria ng school ay pumasok si Lincoln at kanyang mga kaibigan na sina Jason, Elijah at Ryiel. Ang four demonyitos ng Southbrick International School.
Grade 1 hanggang ngayong Gr.12 ay magka schoolmate pa rin kami nitong si Lincoln.
" Uy pre si Ashlea oh!" sabay siko ni Jason kay Lincoln at turo sa akin
"Tsk, ugh her face makes me puke" sambit ni Lincoln na nakakunot ang noo
Napatigil kami ni Krisha sa pagkain
Umirap naman ako kay Lincoln at Jason
"OOHHHH!!!" sabay na kantiyaw nina Elijah at Ryiel sa ginawa ko.
"Grabe ka naman Ashlea wala naman akong ginagawang masama" natatawang saad ni Jason
"oh talaga ba Jason?"
Natawa nanaman sina Elijah at Ryiel habang si Jason ay napakamot sa batok.
Napatingin naman ako kay Lincoln na blangko ang ekspresyon sa mukha.
"Tayo na, hayaan mo na yan" Biglang dugtong ni Lincoln
At umalis na nga ang magkakaibigan at umupo sa lamesa na malayo-layo sa puwesto naming ni Krisha.
"Bullies talaga ang mga yan, porket Lincoln is the son of Don Hidalgo Hilfiger ay kung makapag hari-harian dito ay akala mo'y may-ari ng buong universe" gigil na saad ng aking best friend
"Mga spoiled brat kasi ang mga iyan, may oras din sila sa akin. Akala ba nila hindi ko alam na ako yung parati nilang pinagkakatuwaan?! HA BES?!" Gigil na ayos ko sa aking salamin at hampas ng can ng soda.
"Hayaan mo sis, one day magsisisi sila lalo na si Lincoln. Ipapakita natin ang kamandag ng ating galit" Wari'y nanunumpang saad niya.
7:00 am na at kailangan na naming pumasok sa aming klase kung kaya't agad na rin kaming tumayo ni Krisha at pumunta sa aming kanya-kanyang klase.
Magkaibang section kami ni Krisha. Habang ako ay nasa 12 STEM-20 , Siya naman ay nasa 12 HUMSS-3.
Pumasok na agad ako ng classroom. Pagpasok ko ay nabigla ako nang hagisan ako ng suklay ni Angel
BINABASA MO ANG
Acceptance Series: Plain & Ordinary
RomanceLove is a very difficult word to describe. Iba-iba nga naman ang ibig sabihin ng pag-ibig sa iba't ibang uri ng tao. Kaya't andito ang seryeng ito upang magpakita kung paano nga ba ang "Pag-ibig" ay nabubuhay sa iba't ibang anyo at sitwasyon. Sa...