Kakauwi ko palang sa bahay pero sigaw nan i mommy ang sumalubong sa akin
"Ashlea how many times did I told you that you have to take the first place in the Science mind contest? You only won second place?! Really?! You keep on telling me that you want to make me proud but all you do is shit" bulyaw sa akin ng aking ina
Ayoko na palakihin ang gulo kaya nananahimik lamang ako
"Ang panget-panget mo na nga napaka bobo mo pa for pete's sake!" sigaw ni mommy
"Umakyat ka na sa kwarto mo, I don't want to see your face!" Sigaw uli niya sa akin na nagging dahilan upang patakbo na akong umakyat sa aking kwarto.
Lagi nalang ganito, lagi nalang siyang galit. Wala na akong ginawang tama para sa kanya.
Napagpasyahan kong manood na lang sa Netflix hanggang lunurin na rin ako ng antok.
Ilang buwan na rin simula nang magsimula ang pasukan at ngayon ay busy ang lahat sa klase dahil sa sandamakmak na mga projects at performance tasks. Hindi ko na rin alam kung ano ba talaga ang dapat una kong tapusin.
Napagpasyahan kong pumunta muna sa coffee project na nasa loob lang ng aming eskwelahan upang makapag relax ng isip.
At sa minalas malas ko nga naman, andoon rin pala si Cole. Si Cole ang isa sa mga magagaling na bully sa eskwelahang ito.
"Hoy pangit! " tawag niya sa akin
Hindi ko na sana siya papansinin at akmang lalabas na ako ng coffee shop nang hilahin niya 'ko
"Kinakausap pa kita, wag kang bastos" at ngumisi ang nang loko
"Bitiwan mo 'ko" utos ko
"And why would I do that?" halakhak niya
"Bitawan mo 'ko, kung hindi-"
"Kung hindi ano?!" sigaw ni Cole at kasabay nun ang pagbuhos niya sa akin ng kanyang ice coffee
Napasinghap ako sa ginawa ni Cole
Unti-unti kong nararamdaman ang mainit na likido sa aking mga pisngi
"AHAHAHAHAHA" halakhak ni Cole at ng mga kasama niya
Nanlaki ang mata ko nang Makita ko ang kamao na dumapo sa mukha ni Cole
Napatingin ako kung sino ang nagmamay-ari sa kamaong iyon at ikinagulat ko lalo nang makita ko na kay Lincoln ang mga kamaong sunod-sunod na dumadapo sa mukha ni Cole.
"L...L-Lincoln.." Pag-uutal ko
Nagulantang ako nang humarap siya sa'kin na may galit na galit na ekspresyon sa mukha.
Agad niya akong hinila palabas ng coffee shop at hindi ko na rin alam kung saan nga ba kami patungo.
Nakakatawang isipin na sa tuwing nagtatagpo kami ni Lincoln ay parati niya na lang akong hinihila sa braso.
Natauhan ako nang marinig ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid namin. Oo nga naman, bakit nga ba ako kasama ng isang lalaki na biniyayaan ng aking kakisigan at wari'y inulanan ng talento ng Diyos.
Sino nga ba ako? I'm just the plain and ordinary Ashlea San Pedro.
Agad akong umalis sa pagkakahawak ni Lincoln na ikinalingon niya sa'kin
"What's the problem?" he asked
"Why did you do that"
"Did what?" he asked again
"Yung kanina... Alam mo Lincoln, kung naaawa ka sa'kin don't be. Kaya ko ang sarili ko, pati heto naman ang gusto mo diba yung nakikita akong nahihirapan" sambit ko
Hindi siya sumagot.
Tanging nakatitig lamang siya sa akin.
Kaya agad na humakbang na ko papalayo sa kanya, at papalayo sa mga tingin ng tao.
BINABASA MO ANG
Acceptance Series: Plain & Ordinary
عاطفيةLove is a very difficult word to describe. Iba-iba nga naman ang ibig sabihin ng pag-ibig sa iba't ibang uri ng tao. Kaya't andito ang seryeng ito upang magpakita kung paano nga ba ang "Pag-ibig" ay nabubuhay sa iba't ibang anyo at sitwasyon. Sa...