Chapter 1

14 0 0
                                    

ZYLEE'S

NAKAHIGA ako sa aking higaan, ninanamnam ang nalalabi kong oras dahil hindi magtatagal ay kakaway nanaman si haring araw.

Alas kuwatro palang ng umaga ay dilat na ang aking mata, ako man ay hindi batid kung bakit nagigising nalang akong bigla. Wala din naman akong gagawin sa oras na ito ay naubos iyon sa pagtingala sa kisame habang nakatihaya sa aking hinihigaan at hinayaang maglayag ang aking malikot na isip.

Wala namang bagong nangyari kahapon at noong nakaraan ay iyon ang paulit-ulit na umiikot sa aking isip, mga simpleng pangyayari lang naman ang mga iyon ay hindi ko alam kung bakit parang may mas malalim pa na ibig sabihin. Ayaw ko man isipin ay mukhang iyon ang sakit ng aking utak, dahil sa 'sakit' ng utak ko ay kaya kong mag-isip lang nang mag-isip sa buong maghapon. Iyon lang siguro ang nag iisa kong pampalipas oras.

Makalipas ang isang oras ay tumunog ang aking alarm clock, wala man iyong pakinabang dahil sa nagkukusa na ang aking katawan na magising sa umaga ay nag set parin ako, hindi ko kasi masasabe at baka pumalya pa gising ko.

Tumawad pa ako ng ilang minuto at pag tapos ay bumangon na para ayusin ang pinag tulugan ko. Matapos noon ay dumiretso ako sa munting lamesa ko sa tabi ng katre at uminom ng tubig na nasa pitsel, tutal naman ay ako lang ang umiinom dito ay hindi na ako gumamit ng baso, matapos noon ay  pumasok na ako sa banyo at inayos ang sarili ko.

Matapos kong gawin ang lahat ng dapat kong gawin ay lumabas na ako sa aking silid at dumiretso sa kusina para mag-luto.

Alas siyete na nang natapos na ako sa pag luluto, tinakpan ko lang ang mga iyon doon sa lamesa at saka dumiretso na alis sa bahay, dahil nga sa hindi ako kumakaen sa umaga at ang rason at hindi ko alam, ay pinaglulutuan ko nalang ng umagahan yuong kasama ko sa aking tinutuluyan.

Bago ako makadating sa trinatrabahuhan ko ay nag lalakad pa ako ng higit kumulang dalawang kanto, naisip ko kasi na sayang din ang perang ibabayad ko sa sasakyan kong tricycle imbis ay itatabe ko nalang ito at isasama sa mga ipon ko. Isa pa ay nag sisilbi din naman itong ehersisyo gayong wala akong oras para doon, benepisyo narin iyon para mabawasan ang timbang ko. Sa pinapasukan ko kasing iskwelahan ay mukhang hindi nababagay ang katabaan ko, tuloy ay pulos negatibo na ang pumapasok sa utak ko at nabawasan din nito ang katiting kong tiwala sa sarili.

Nang maabot ko ang dulo ng ika 'lawang kanto ay nag hintay pa ako ng masasakyan kong jeep. Mahigit kumulang limang minuto ay nakarating na ako sa aking paroroonan.

"Magandang umaga", unang bungad ko sa aking mga kasamahan, at dahil mukhang ako nanaman ang huling pumasok ay hindi ko batid kung anong ekspresyon ang ibinibigay nila saakin, marahil ay galit?! (-_-)\/

Isa rin sa mga problema sa akin ay ang pagiging mang-mang sa pagbasa ng nararamdaman ng mga tao sa paligid ko. Ang totoo ay ang sarili kong kongklusyon ang inaasahan ko para lang mahulaan iyon, syempre malay ko ba naman sa kanila. Ngunit ang hindi maganda sa akin ay ang pagbibigay ko ng kongklusyon na laging negatibo, ayoko kasing paasahin ang sarili ko, kaya't sinasanay ko nalang ito sa mga bagay na sa tingin ko ay hindi angkop para saakin.

"Hindi ko alam kung anong maganda sa umaga mo bakla ka, gayong ikaw nanaman ang huli. Wala bang bago?", biglang respunde ni Marky, isa syang bakla. Hindi ko batid kung biro iyon o sarkasmo.

Patuloy lang ako sa paglalakad, ang iba naman ay ipinagpatuloy na ang ginagawa matapos tapunan ako ng saglit na tingin

"Wala eh", bahagyang tawa ko habang binubuksan ang pinto papuntang locker upang makapag bihis.

Tatlong hilera ang locker na nandoon, sa bawat hilera ay may sampung locker ang nabibilang, hindi naman iyon lahat nagagamit kaya malaya kang makakapili kung pang ilan ang gusto mo,  dumiretso ako sa ikatlong hilera at binuksan ang ika pitong locker, tutal ay walang tao ay hindi na ako nag atubiling pumunta sa banyo.

Isa iyon sa rason ko kung bakit nag papahuli ako ng pasok. Nahihiya kasi akong makihalubilo sa kanila, hindi kasi ako magaling sa pakikipag usap. Kung iniisip mong cold ako at expressionless ay nagkakamali ka, pakiramdam ko kasi ay nagmumuka akong T.H sa tuwing ginagya ko ang gawi nila sa pakikipag-usap. Masasabi kong tahimik lang talaga ako.

Hinubad kuna ang suot kong damit at pinalitan ng angkop na damit para sa mga nagtratrabaho at pinatungan ng apron. Matapos kong magbihis ay inayos ko ang buhok kong bahagyang nagulo dahil sa pagpapalit ko.

Nang makalabas ako sa silid ay akma na akong didiretso sa isang sulok sa gilid ng isang pinto papasok sa kusina para makita kung saan ako nakatoka ay biglang nagsalita si Aileen.

"Taga serve ka ngayon kung nakakalimutan mo", kaswal niyang salita hapang nag titipa, mukha kasing kahera sya ngayon. Napapahiya naman akong tumungo.

"Ah sige salamat", simpleng sabi ko nalang.

Sinumulan ko nang gawin ng tahimik ang trabaho ko, syempre nagsasalita rin naman ako, kailangan yun kung magseserve kana at isa pa baka mapanis na laway ko kung di pa ako mag sasalita. [>.<]

Minsan din naman kung matapos kong serve-han ang mga customers ay pumapasok ako saglit sa kabila pang silid tapat ng silid ng mga lockers na pinasukan ko kangina, tutal naman ay hindi lang ako ang nakatoka ngayon sa pagseserve. Kailangan ko rin naman ng pahinga.

Doon ay pumasok sunod saakin si Karen. Siya lang naman kase ang nakakatiis sa katahimikan ko. Kung ako ay tahimik, sya naman ay sobra sa daldal. Minsan nga ay naiinggit ako sa kanya kung paano sya makipag usap sa tao, kahit sino kasi ay talagang maaliw sa kadaldalan nya pero minsan din ay maiinis ka dahil kahit yung katiting na bagay ay sinsabi nya pa, kaya hindi na ako magtatakha kung halos lahat ng taong makasalubong nya ay kilala nya.

Dagli syang lumapit saakin suot ang SOBRANG siglang mukha at tumabi. Sa ganyang estilo at reaksyon nya ay mukhang alam ko na ang sasabihin nya.

Pero gulat ako nang biglang magbago ang ekspresyon nga mukha nya nang makalapit saakin, kadalasan kase ay kapag ganoon sya ka sabik ay magkukwento sya ng mga gwapong lalaki na nakita o nakilala nya. Sa itsura nya ay mukhang irita sya.

"oh, yung BOYPREN MO naghihintay sayo sa labas", nakasimangot nyang tugon at mukhang isinisisi saakin kung bakit ako ang hinahanap ng gusto nyang lalaki imbis na sya.

Nahiya naman ako sa sinabi nya. Bahagya lang akong tumawa, "hindi ko naman sya boyfriend karen, hindi ko nga alam kung saan mo iyan napulot", sinabi ko iyon habang tumatayo at naghahanda nang umalis para puntahan yung sinsabi nya, hindi man ako sigurado kung sino ang sinasabi nya. Kada kasi my bibisita sa akin ay iyon ang sinsabi nya, ngunit mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nya, sa awra nya kasi ay alam kong isang tao lang ang dahilan noon.

At hindi ko iyon nagustuhan.

I'm in the... I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon