Chapter 5

5 0 0
                                    

ZAYLEE'S

NANG makabalik ako ay saka ako namroblema sa ibabayad ko. Hindi ko alam kung liliwanag ang aking mukha o manlulumo sa nakita kong isang daan at beinte na nakaipit sa bag ko. Pero mukhang wala na akong magagawa at kailangan ko nang ibayad iyon.

"A-ahh... manong pwede ho bang ano... ito lang ho munang isang daan... balikan n---"

"Ah ma'am okay na po, may nag bayad na kanina bago ka sumakay, salamat at mauna na po ako," biglang putol nya sa aking sasabihin at nagpumaunang umalis. Naiwan ang nakalahad kong kamay na nakahawak sa pera habang nagtatakha.

Sa pagod ko ay hindi kuna inalintana ang nangyare at dumiretso na sa kusina upang uminom ng tubig.

Minsan lang din akong kumain sa gabi dahil sa tulog ang mukhang mas iportante at paborito kong gawin dahil narin siguro sa sobrang pagod at pati paghahanda ng aking makakain ay hindi kuna makayanan.

Nang makarating ako sa aking silid ay agad kong naihiga ang kalahati sa aking katawan habang nakalapat ang aking mga talampakan sa sahig at nakalatag ang magkabila kong kamay at braso sa aking higaan saka pumikit. Doon ay nagkaroon ng tyansang maglayag ang aking isip sa pangyayaring iyon kanina.

Nagtatakha ako kung bakit sa nagdaang dalawang taon ay ngayon lang nagpakita ang sinasabing kasama ko sa apartment na pinaghahandaan ko ng agahan araw-araw. Sa klase ng kaniyang pananamit ay hindi mo iisiping dito sya maninirahan sa ganitong klaseng apartment dahil kung tutuusin ay mukhang may kaya sya. Ang kaniyang motor ay isa sa mga pinaka mahal na motor na alam ko.

Bigla ay nag simula akong maghinala sa kaniya dahil kung tutoosin ay ang mga katulad nya ay imposibleng mahirap din na katulad ko. Kung hindi naman ay may isang kongklusyon na nabuo sa aking isipan ngunit sa tinagal tagal na ang nakalipas ay mukhang malayo iyong manyari.

Sa paglayag ng aking isipan ay biglang sumagi sa akin ang sobreng ibinigay nya kangina ngunit nang igala ko ang aking paningin ay wala ako nakita, tuloy ay kailangan ko pang bumangon para lang maabot ang aking bag. Nang makuha ko na iyon at binugsan ay wala din akong nakita. Bigla kong inalala ang nagyare kanina simula nang kinuha ko ang sobre hanggang sa pag-uwi. Bigla akong napangiwi nang maalala kong nailapag ko iyon sa aking tabi at hindi na nakuha nang akoy makababa.

"Tanga, tss" nasambit ko na lang sa aking sarili.

Dahil sa wala akong magawa at naiwan ko iyon ay hindi ko na nagawang pansinin at isa pa ay hindi ko din batid kung para saan iyon.

Nang makaligo ako ay lumabas ako sa bintana at naupo sa may bubong ng ikaunang palapad ng bahay, doon ay may nakalatag na dalawang kumot na makapal upang hindi malamig ang aking uupuan. Inubos ko ang aking oras sa pagpapatuyo ng aking buhok habang pinagmamasdan ang kalangitan, wala naman kasing makukuha sa mga bahay bahay.

Matapos ay pumasok na ako upang matulog, ngunit sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako sa kalasing ng metal na bagay. Bigla akong dinagundong ng kaba kaya't nagdahan dahan ako sa pagbaba. Nang makarating ako sa kalagitnaang nagdudugsong sa ikalawang palapag ay dumukwang ako upang masilayan ang kusina.

"I'm not in there," sa kalagitnaan ng aking pagmamasid ay mayroong nagsalita mula sa aking likod, batid kong lalaki iyon base sa kaniyang boses.

Bigla akong napakislot at bumaling bigla paharap, sa sobrang lakas ng pagpihit ko kasabay ng gulat ay nahulog ako patihaya sa hagdan. Sinubukan kong kumapit sa gilid ngunit hindi umubra, tuloy ay dumausdos na ako ng tuluyan pababa.

"A-arayy," sambit ko sa aking sarili kasunod ang paghigop ng hangin habang nakangiwi at magkadikit ang taas at ibaba kong ngipin. Naihawak ko sa aking pang-upo ang isa kong kamay at ang isa ay nasa ulo. Wala sa sarili kong tinignan kung saan ako dumausdos, at nahagip naman ng aking mata ang bulto ng isang lalaking nakangise. Biglang bumalatay ang hiya sa aking sistema at walang ano ano'y tumayo ako at inayos ang aking sarili. "M-magandang gabi..." mahinang sambit ko habang naglilikot ang aking mata. Ang aking kamay ay biglang napirme sa aking likod, nilalaro ang daliri ng bawat isa, hindi batid kung ano ang sunod na gagawin. "ah... ano... maupo ka muna..ehemm." sunod kong sabi sabay iminustra ang hindi naman kahabaang sopa.

I'm in the... I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon