*TRRINGG....TRRRINGG....
NATIGIL ako sa pag munimuni nang tumunog ang aking alarm, sinabayan din yoon ng tilaok ng manok na nanggaling sa katabing bahay. kailan pa sila nagkaron ng manok?
Napangiwe naman ang aking mukha nang dahil sa ingay. Tuloy ay hindi na ako tumawad pa ng oras dahil sa mukhang hindi na tatahimik ang manok sa katitilaok.
Gaya ng kinagawian ay ginawa ko na ang lahat ng gagawin sa umaga at dumiretso sa kusina, ngunit natigil ako sa pagbaba ng madatnan ko ang lalaking naka dikwatro kung umupo, nakapormal na panggayak, kadalasang suot ng isang mangangalakal at nakalatag ang isang kamay sa sandalan at ang isa ay nakapatong sa kanyang hita habang may hawak na sigarilyo. Ganoon ang kanyang posisyon habang ang paningin ay nakatutok sa maliit na telebisyon.
Napayuko naman ako dahil sa hiya. Sa postura nya kaseng iyon ay parang ako pa ang bagong salta.
"Magre-request sana ako ng putahe kung pwede... nauumay nako sa luto," ani nya sabay tingin saakin ng nakakaloko. Sa sinabi nya ay nabigyan ako ng ideyeng sya ang sinasabi ng may-ari na aking pinagluluto dalawang taon ang nakakalipas. Ngunit hindi dapat pakasiguro, mainam kung aking kukunsultahin ang may-ari kaysa kanya. Sa ngayon ay kailangan ko syang pakisamahan ng ayos para iwas kahihiyan. Ayt.
"Ah...ehem... pasensya na iyon lang din naman ang laman ng pridyeder," napapalunok kong tugon.
Nang hindi na sya sumabat ay dali-dali akong pumunta sa kusina dahil sa hiya. Ngayon lang ako nag karoon ng 'bisita' at hindi pa inaasahan. Sa dalawang taon ko na dito ay nagluluto lang ako para 'kuno' sa kasama ko sabi ng may-ari, na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino. Iyon kasi ang aming napagkasunduan, mababawasan ang bayad ko sa apartment kapalit ng pag luluto ko sa umaga araw-araw . Ang may-ari narin na ang bumibili ng mga iluluto ko.
Pero kahit na hindi ako ang bumibili ng pagkain para iluto ay hindi ko maitatangging nainsulto at nadismaya ako sa kanyang sinabi.
Napailing ako ng mabilis na para bang magagawa kong maalis sa isip ko ang negatibong unti-unting lumalamon sa utak ko.
Habang nagluluto ay nakaramdam ako ng yabag ng mga paa, alam kong yoong lalaki iyon kanina. Naibaling ko ang aking paningin sa gilid, animo'y sa ginawa ko ay makikita ko sya. Naramdaman ko ang paningin nya saakin, at naiilang ako doon ngunit hindi na ako nagpadaig at kumilos nalang ako ng normal.
Habang tumatagal ay naging matipid ang aking mga galaw dahil sa kanyang tingin na hanggang ngayon ay hindi natatanggal sa akin. Atat na atat na akong matapos dahil hindi ko na kaya ang titig nya kaya laking pasasalamat ko dahil natapos na ako.
"Amm, iyan lamang ang nailuto ko dahil iyan lang din ang laman ng pridyeder...ehem... pasensya na ngunit kailangan ko nang umalis," ani ko matapos akong maghain. Nakakatawang nagawa at nakapagsalita ako nang hindi man lamang tumitingin sa kanyang mata.
Tumalikod ako at kinuha ang bag ko na nasa tabi ng lababo, doon ko nalang iyon nailagay kanina dahil sa hindi ako magkanda ugaga gawa ng presensya nya. Inayos ko muna iyon at akma nang isusukbit sa aking likod nang makaramdam ako ng malapitang presensya.
"Don't you want to eat? ...mmm... I was expecting you to eat with me because of the two empty plates you put in front of the two chairs," mahina nyang sambit. Dahil sa sinabi nya ay naiwan sa ere ang aking pagghinga at bahagyang nanlaki ang aking mata. Noon din ay binalot ng hiya ang sistema ko.
Dahan dahan akong pumihit pakaliwa dahil alam kong nasa gawing kanan ko sya, doon ay lumapat ang aking paningin sa dalamang plato na nasa mesa. Unti unting ngumiwi ang aking mukha at nagkasalubong ang aking kilay kasabay ng bahagya kong pagpapalobo sa aking dalawang pisngi.
BINABASA MO ANG
I'm in the... I don't know
Fiction généraleWarning: This story is just a full work of my imagination.