Chapter Three
Greatest Love
Nagpahinga ako, nagpakatatag at pinilit na maging masaya para lang hindi na mag-alala sa akin ang mga magulang ko kahit na alam kong imposible iyon lalo na ngayong malaki ang bayarin namin sa hospital.
Dalawang araw na lang ay ililibing na si Wade kaya gano'n na lang ang pagsunod ko sa mga utos ng magulang ko para gumaling kaagad.
The day before he'll put to rest, hindi ko na naiwasang humingi ng tulong dahil sa pagkakataong 'yon ay hirap na akong magpakatatag.
"Naku, hindi ka pwedeng umalis ng hospital Anastasia."
"Pero ang sabi ay pwede na naman na akong lumabas, 'di ba? Magaling na naman ako, Ate Nurse Juna."
"Hindi ka pa pwedeng lumakad. Makakasama kapag bibiglain mo ang katawan mo."
"Kaya nga ako nanghihiram ng wheelchair, please? Gusto ko lang puntahan si Wade dahil bukas ay hindi ko na siya makikita. Please... Hindi pa ako pormal na nakakapag-paalam sa kanya. Kahit sandali lang. Sandaling-sandali lang talaga. No one needs to know." naluluha ko nang pagmamakaawa.
Hindi ko man sigurado kung kakayanin kong makita si Wade na wala nang buhay pero desidido na ako. I just wanted to say thank you to him for saving my life.
"Please?" hinawakan ko na ang kamay ni Nurse Juna. "I just wanted to say good bye, nagmamakaawa po ako..."
Huminga siya ng malalim at agad na pumunta sa pintuan. Siniguradong sarado iyon.
"Dalawang oras lang ang kaya kong ibigay sa 'yo ngayon, Tasia. Kung hindi ko lang talaga naging kaibigan ang kuya mo noon ay hindi kita papayagan."
Napangiti na rin ako sa kabila ng mga luha sa aking mata. I remember that, too. Kaya nga siya ang hiningan ko ng pabor dahil alam kong maiintindihan niya ako.
"Saglit lang, kahit sa huling pagkakataon na lang, Ate."
"Okay, pero paano ka pupunta ro'n? Hindi naman kita pwedeng samahan. May duty ako."
"My friends will fetch me later. Nasabihan ko na sila."
"Sigurado kang kaya mo?"
Tumango ako at pilit na pinatatag ang sarili.
"Kakayanin ko."
Wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango. Maya-maya ay dala na niya ang wheelchair at inalalayan akong maupo doon.
Napangiwi ako sa kirot ng mga paa ko, pero hindi ko na iyon ininda. Ang mahalaga ngayon ay mapuntahan ko si Wade.
"Sigurado kang kaya mo?" nag-aalalang tanong niya ulit ng makaupo na ako sa wheelchair.
Tumango ako kaagad.
"I really wanted to do this."
"Oh sige, basta kapag tinawagan kita ibig sabihin bumalik ka na, ha? Naghihintay pa tayo ng result sa huling test mo."
"Thank you, Ate Juna. Thank you talaga."
Isang tango na lang ang isinagot niya sa akin. Tinawagan ko ang mga kaibigan kong gaya ni Ate Juna ay marami ring pag-aalinlangan sa gusto kong mangyari, pero wala na ring nagawa kung hindi ang tulungan ako.
"Sigurado kang kaya mo na, Tash?" si Summit na nasa driver's seat at nag-aalalang sumulyap sa akin gamit ang rear view mirror.
"I can do it."
"Sure ka talaga?" si Glacer naman na nasa tabi ko. "Sa malayo lang tayo, ha?" dagdag niya ng umalis na kami sa hospital.
"No, I want to see Wade kahit ilang segundo lang."
BINABASA MO ANG
Desirable Maids 1: Anastasia Roza Zavŭrshil [Valados Alcatraz Series #1]
General FictionWARNING : MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #Desirable Maids 1