CHAPTER 1

127K 2.5K 471
                                    

Chapter One

My Luck And My Everything

I was a cheerful girl. Masayahin, mahinhin, mabait at mapagmahal. Iyon palagi ang naririnig ko sa mga nakakakilala sa akin bukod pa sa maganda. Ako iyong tipo ng babaeng palaging organized, maraming plano sa buhay at may matatag na paninindigan. Naniniwala kasi akong kapag mahirap ka, dignidad na lang ang pang laban mo at iyon ako.

I wasn't bon rich. Isang kayod isang tuka ang pamilya ko. Pangalawa sa pitong magkakapatid. Ang ina ay mananahi habang ang ama naman ay mangingisda lang. Ang panganay kong kapatid na si Kuya Tanner ay may sarili nang pamilya at sa Manila na nakatira kaya wala na rin kaming naging balita rito. Ni hindi na nga ito nagparamdam matapos lumuwas nang Manila at mag-asawa. Mabuti na lang at mayroon nang social media at sa awa ng Diyos ay buhay pa naman ito kahit na nakalimutan na talaga yata kami.

Sa aming magkakapatid ay siya pa lang ang nakaka-graduate. Ako ay iginagapang pa rin ng aking mga magulang. Kasalukuyan akong nasa ikalawang taon sa kolehiyo, scholar at masigasig mag-aral. Mabuti na nga lang at kaibigan ni Papa ang isa sa mga namumuno sa unibersidad na pinapasukan ko dahil naging amo niya iyon noong driver pa lang siya kaya natulungan akong makapasok doon.

That was where I met my boyfriend, Wade Aleros. The campus heart rob, mayaman, basketball star player at lapitin ng mga babae pero dahil kaakibat ko ang swerte, ako ang pinili niya. Kahit pa nga against all odds ang relasyon naming dalawa ay parehas namin iyong ipinaglaban.

"Mahal na mahal kita, Tasia..." wala sa sariling sambit niya habang nasa library kami.

Kasalukuyan akong nagre-review at siya naman ay nasa tabi ko at naghihintay lang ng oras ng practice game nila sa gymnasium.

Nakangisi kong itinigil ang pagsusulat para harapin siya. I am so in love with him. Hindi lang dahil siya ang unang boyfriend ko kung hindi talagang mahal na mahal ko talaga siya. Iyong pagmamahal na kahit siguro sabihin niya sa aking triangle ang mundo ay maniniwala ako.

I held his hand and smiled at him.

"Talaga ba, Wade? Mahal na mahal?"

Natatawa niyang inangat ang kamay ko at hinalikan ng buong-puso.

"Bakit? Hindi ka naniniwala? We've been dating for almost three years now. Hindi pa ba sapat 'yon? Kung may trabaho na nga ako ngayon at kaya na kitang buhayin pakakasalan na kita, eh!"

Napahagikhik ako't nasapak siya sa dibdib!

"Pakakasalan kaagad? Ayaw ko nga! You'll just get me pregnant!"

"True, pero do'n rin naman pupunta 'yon, 'di ba? Pakakasal tayo, tapos magha-honeymoon tapos bibigyan mo ako ng maraming anak!"

Tuluyan nang nawala ang atensiyon ko sa pag-aaral dahil sa paglalambing niya. Nasa dulo kami ng library at walang tao sa gawi namin kaya nagagawa naming maglandian nang hindi nasisita.

"Ayaw ko! Magta-trabaho ako kapag nakatapos na ako at gusto kong magturo, Wade. Ayaw kong maging house wife lang. Para ano pa't nag-aral ako, 'di ba?"

Sumimangot ang gwapo niyang mukha dahil sa sinabi ko.

"Pero kaya kitang buhayin. I'll be handling our company for sure. Ako ang nag-iisang lalaki't panganay kaya sa akin iyon ipapamana ni Papa kaya hindi mo na kailangan pang mag-trabaho."

"But I want to..."

Napabuntong-hininga siya at wala nang nagawa kung hindi ang yakapin na lang ako.

"Fine, pasalamat ka mahal kita, ha?"

"Mahal lang?"

"Mahal na mahal!"

"Good!"

"Walang iwanan, alright?"

Desirable Maids 1: Anastasia Roza Zavŭrshil [Valados Alcatraz Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon