CHAPTER 2

85.2K 2.1K 155
                                    

Chapter Two

My Fault


Para akong lumulutang habang pilit na iminumulat ang mga mata ko. I feel like the world stopped for a bit. The air smells blood, gas and burned rubber. Dama ko ang bigat ng ulo ko at ang ilang matulis na bagay sa aking braso at binti na siguro'y galing sa basag na bintana o sa ilang parte ng kotseng ngayon ay nakabaliktad.

Naghalo ang dugo at luha sa mukha ko. Patuloy na namamanhid at nananakit ang buong katawan, pero mas lalo kong naramdaman iyon ng pilit kong ipihit ang ulo patungo sa gawi ni Wade.

"W-Wade..." hirap kong sambit sa namamaos na boses na kahit ako ay hindi ko marinig.

Inulit ko pa iyon ng ilang beses, paulit-ulit habang palakas ng palakas sa mga sumunod pero wala akong narinig na sagot sa kanya.

Nananatiling nakapikit ang kanyang mga mata at ang dibdib ay nakapirmi't hindi humihinga. A rush of emotions surges through my body when he still did not respond when I touched his bloody face.

"Wade, wake up." I called again, but he was lifeless.

Nang bumaba ang mga mata ko sa kanyang katawan ay doon ko lang nakita ang mas maraming dugo dahil sa pagkalas ng mga bakal ng kanyang sasakyan at pag-ipit ng mga iyon sa kanyang katawan. Doon na mas umagos ang mga luha ko.

He lost so much blood and his wounds looked so bad. I began screaming for help even if I'm not quite sure if I'm actually doing it.

Sinubukan kong kilalanin ang daan pero hindi ko magawa dahil hindi ko maigalaw maski ang mga kamay para hawiin ang mga dugo at luhang nakaharang sa aking mga mata. I can see another car nearby, ang sasakyang bumangga sa amin na yuping-yupi dahil sa lakas ng impact. I tried to be calm and think, pero hindi ko na lubusang nagawa dahil nawalan na ako ulit ng malay.

Nagising ako na tila pasan pa rin ang buong daigdig. Everything felt so heavy and I can't still move, pagod na pagod pa rin ang katawan maski ang buong kaluluwa.

Inilakad ko ang aking mga mata sa paligid. I'm in a hospital pero hindi ko alam kung gaano na ako katagal doon. Nang mapansin ng isang nurse na nakadilat ako ay maya-maya'y nagsidatingan na ang mga doctor.

Kahit na marami silang itinatanong sa akin ay walang boses na lumalabas sa bibig ko. Kahit na marami rin akong gustong sabihin ay wala akong nasabi ni isang salita. My throat is dry. Naririnig kong sinasabi nilang sila ang bahala sa akin at maayos na ang lahat ko pero kahit ng mawala sila ay hindi ko iyon lubos mapaniwalaan.

Nang mawala sila ay doon lang ako nalapitan ng kapatid ko.

"Ate Tasia!" anang nakababata kong kapatid na agad akong niyakap. Sunod kong nakita ang mga magulang ko.

"Tasia..." emosyonal nilang bulong habang palapit sa akin.

Nang tuluyan akong mayakap ay naiyak na si Mama.

"Tasia, akala ko mawawala ka na. Akala namin ng Papa at mga kapatid mo ay iiwan mo na kami."

"Ma." sa wakas ay nabanggit ko.

Sinubukan kong umayos ng upo pero pinigilan nila ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang ibalik ang katawan sa kama. My senses weren't able to sync in properly pero nang hawakan ni Mama ang buhok ko't paulit-ulit na haplusin ay para akong binalikan ng lahat.

Naging mabilis ang pagdating ng mga alaala sa lahat ng dahilan kung bakit ako narito ako.  Ang party, ang damit, ang invitation, si Wade at ang aksidente.

"S-si Wade?" nanginig kaagad ang boses ko at agad naramdaman ang kirot sa puso ko nang magkatinginan silang lahat. I felt the hollow on my stomach when she shake her head slowly.

Maagap na hinawakan ng mahigpit ni Papa ang kamay ko at pinisil, binibigyan ako ng lakas na maging matatag.

"Wala na si Wade, anak." si mama.

"Anong... hindi..."

Natigil ako ng makita ang pagsiko ni Papa kay Mama.

"Tasia, makakasama sa 'yo ang pag-iisip. Saka na natin pag-usapan ang lahat kapag maayos ka na, okay?"

"Pa–"

"Huwag nang makulit, sige na. Kakausapin na muna namin ang doctor."

I knew something was wrong. My gut was telling me to ask them again, but I could instantly feel my heart backing out. Scared to know the answers. I'm scared for the truth because I know, deep in my heart Wade was gone. I knew he died the moment we were hit. Kahit na kailangan ko pa rin ng kumpirmasyon, natatakot ako.

Hindi ko na napigilang maiyak nang mawala sila. My sister Amira held my hand while I was weeping. Nakatulugan ko na lang iyon.

Sa muling pag gising ko ay doon ko lang nalaman na halos tatlong araw na pala akong walang malay. My family doesn't have the guts to tell me what was going on. Kung hindi pa nga ako binisita ng mga kaibigan ko ay hindi ko pa iyon malalaman kung ano na ang totoong nangyayari.

"He's gone, Tasia." hawak ang kamay kong sabi ni Summit, matinding lungkot ang nakapaloob sa kanyang mga mata.

"Pagkatapos namin rito pupunta kami ni Summit sa burol niya. Gusto ka sana naming isama kaso hindi ka pa raw pwedeng maglakad." si Glacer naman habang pasulyap-sulyap kay Summit.

My legs were badly hurt. May bali pero hindi naman grabe. Ang sabi nga ng doctor ay hindi nila alam kung paano ako nakaligtas sa trahedyang iyon. It was a miracle. Maging ang taong nakabangga sa amin at mga kasama nito ay namatay mismo ng araw na iyon. Isa lang ang sigurado, Wade did everything he could to save me. He sacrificed his own life so I can still continue living... because I was his everything, too.

Bukod rin sa sugat sa ulo ay wala na akong natamong malalang sugat. There were bruises on my body, but I can't feel any pain now. Hindi ko alam kung dahil sa gamot o dahil mas masakit ngayon ang sugat na ginawa ng trahedya sa puso ko.

Pinilit kong maging matatag para sagutin sila.

"I'll be fine. Pipilitin kong maging maayos para madalaw ko siya bago pa ang libing."

Muli silang nagkatinginan.

"Okay lang 'yon! Huwag mo na munang piliting pumunta, Tash. Ang mahalaga ay unahin mo ang sarili mo. Magpagaling ka dahil iyon lang rin naman ang gusto ni Wade ngayon."

"For sure." segunda ni Glacer kaya wala na akong nagawa.

Nagkwento pa sila sa ilang minutong pananatili, pero dahil lutang pa rin ako at hindi makasabay ay nagpaalam na rin sila sa akin. Sa pagtahimik ng kwarto at pagkawala nila ay doon na ako muling napahagulgol.

Wala na ngang talaga si Wade. Masakit para sa akin iyon. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Gusto kong sumigaw ng sumigaw baka sakaling marinig niya o di kaya naman ng tadhana para bigyan ako ng pagkakataong baguhin ang mga nangyari pero alam kong imposible... Na kahit magsisisigaw ako, wala na akong magagawa. Hindi na siya maibabalik pang buhay.

My boyfriend is dead and there's nothing I can do about it. There's nothing I can do to ring him back.

Natutop ko ang aking bibig ng maalala ang mga huling sandali naming magkasama. Sabi ng mga kaibigan ko ay nasa tamang lane kami. There was no traffic that day at ang tanging may kasalanan ay ang driver ng SUV na bumangga sa amin dahil ang nagmamaneho raw ay lasing.

Just like that, ilang segundo lang pero maraming buhay ang nawala.

If I did not agree to go to the party, will he still be with me today? If I did not kissed him while he was driving, will he still be alive? Was it my fault?

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)

~~

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Desirable Maids 1: Anastasia Roza Zavŭrshil [Valados Alcatraz Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon