Sa apat na sulok ng kwarto,
Umiiyak na binibini ang makikita mo
Labis na naghihinagpis at nagsusumamo
Nais tanggalin ang tanikalang nakakabit dito
Tanikala ng kaniyang nakaraan
Ang nakaraan na nais niyang takasan
Tanikala ng depresyon
Ang depresyon na nais niyang ibaon
Ngunit masyado itong malakas
Hindi niya magawang tumakas
Kahit anong pagpupumiglas
Hindi niya magawang kumalas
Hanggang sa dumating ang araw
Hindi na siya gumagalaw
Nang hawakan ang kaniyang pulsuhan,
"Wala na siya. Tayo'y kaniya nang iniwan"
Kitang kita ko
Kitang kita ng dalawang mata ko
Tinapat ang baril sa kaniyang ulo
Umalingawngaw ang pagkalabit sa gatilyo
Ang binibining masaya,
Dumaranas pala ng pagdurusa
Kahit sino'y walang nakakita
Sa kaniyang mga matang nagmamakaawa
Ngayon ko lamang napagtanto
Ang binibining iyon ay ako
Dinala nila ang aking katawan
Samantalang ako, papunta na sa kawalan
DEPRESYON
Isang salita, siyam na letra
Ang tumapos sa buhay ng isang dalagita.
BINABASA MO ANG
H I R A Y A [COMPLETED]
PoetryMapagpalang araw! Nais kong ibahagi sa inyo ang aking mga akda at nawa'y magustuhan niyo. Maraming salamat sa pagbabasa!🧡 SIMULA: Ika-24 ng Abril,2020 KATAPUSAN: Ika-8 ng Hunyo, 2020
![H I R A Y A [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222163891-64-k785704.jpg)