Dumating na ang araw, ang araw kung kailan palalayain na ang sarili mula sa sakit ng pusong nagdadalamhati. Hindi na kaya pang manatili sa relasyon na puro na lamang pangako, pangako na syang itinadhana na yata para mapako. Dumating ako sa puntong itinataas ko na ang puting badera. Hindi ko na nais pang lumaban sa giyera.. sa giyera ng pagmamahalan nating dalawa. Pinilit kong lumaban. Lumaban ng lumaban ng lumaban. Kamusta na nga pala ko? Sumagi sa aking isipan na "oo nga pala tao lang pala ako". Nakalimutan ko na ang sarili ko. Ni hindi ko nga natanong kung "okay lang ba ako?" dahil wala akong inisip kundi ikaw. Ikaw! Oo ikaw nga! Ikaw na syang minahal ko ng totoo pero wala e ginago mo ako. Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa ginawa mo. Hanggang sa dumating ang araw na gusto ko na lamang sukuan ang lahat. Sukuan ang tao na sya namang ugat kung bakit pa ako lumalaban. Dahil sa nakikita ko, isa lamang akong laruan. Laruan na kapag pinag-sawaan ay itatapon o iiwan na lamang. Oras na para lisanin ang mundong ginagalawan nating dalawa. Ang mundo na binuo ng bawat isa. Hindi na ito yung binuo nating mundo na sa simula e masaya dahil habang tumatagal pakiramdam ko ako'y nakakulong na sa hawla. Para akong ibon na limitado ang paglipad. Ibon na walang kalayaan. Ibon na hindi makaramdam ng kaginhawaan dahil sa pesteng kulungan. Ayoko na ng ganito. Sawang-sawa na ako sa ingay na nagmumula sa isip ko. Sinasabing "Lubayan mo na ako! Ayoko na tapos na tayo".
*****************************************
Ang inspirasyon ko sa paglikha ng tulang ito ay ang aking buhay pag-ibig. Sa nakalipas na ilang araw, ilang linggo.. napagtanto ko na hindi na dapat pang pairalin ang galit at may mga bagay na gustuhin mo mang mangyari ay hindi na pahihintulutan pa ng tadhana.
𝓜𝓾𝓷𝓽𝓲𝓷𝓰 𝓹𝓪𝓪𝓵𝓪𝓵𝓪:
𝒮𝒶 𝓅𝒶𝑔𝓀𝒶𝓀𝒶𝓉𝒶𝑜𝓃 𝓃𝒶 𝒾𝓀𝒶𝓌 𝒶𝓎 𝓃𝒶𝑔 𝓂𝒶𝒽𝒶𝓁 𝓃𝒶, 𝒶𝓉 𝒹𝓊𝓂𝒶𝓉𝒾𝓃𝑔 𝓈𝒶 𝓅𝓊𝓃𝓉𝑜𝓃𝑔 𝓂𝒶𝓈 𝓂𝒶𝓉𝒾𝓂𝒷𝒶𝓃𝑔 𝓃𝒶 𝒶𝓃𝑔 𝓈𝒶𝓀𝒾𝓉 𝓀𝒶𝓎𝓈𝒶 𝓈𝒶 𝓅𝒶𝑔𝓂𝒶𝓂𝒶𝒽𝒶𝓁, 𝒽𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓂𝒶𝓈𝒶𝓂𝒶𝓃𝑔 𝓁𝓊𝓂𝒶𝓎𝑜. 𝐻𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓂𝒶𝓈𝒶𝓂𝒶𝓃𝑔 𝓊𝓃𝒶𝒽𝒾𝓃 𝒶𝓃𝑔 𝓈𝒶𝓇𝒾𝓁𝒾. 𝐻𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓂𝒶𝓈𝒶𝓂𝒶𝓃𝑔 𝒷𝓊𝑜𝒽𝒾𝓃 𝓂𝑜𝓃𝑔 𝓂𝓊𝓁𝒾 𝒶𝓃𝑔 𝓅𝒶𝓇𝓉𝑒 𝓃𝑔 𝓈𝒶𝓇𝒾𝓁𝒾 𝓂𝑜 𝓃𝒶 𝓊𝓃𝓉𝒾-𝓊𝓃𝓉𝒾𝓃𝑔 𝓃𝒶𝓈𝒾𝓇𝒶. 𝐻𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓅𝒶𝑔𝒾𝑔𝒾𝓃𝑔 𝓂𝒶𝓀𝒶𝓈𝒶𝓇𝒾𝓁𝒾 𝒶𝓃𝑔 𝓅𝒾𝓁𝒾𝒾𝓃 𝓃𝒶 𝓂𝒶𝑔𝒾𝓃𝑔 𝓂𝒶𝒶𝓎𝑜𝓈 𝒶𝓉 𝓀𝒶𝓂𝒶𝒽𝒶𝓁-𝓂𝒶𝒽𝒶𝓁 𝓀𝒶𝓃𝑔 𝓂𝓊𝓁𝒾.
𝒩𝒶𝓃𝒾𝓃𝒾𝓌𝒶𝓁𝒶 𝒶𝓀𝑜 𝓈𝒶 𝓀𝒶𝓉𝒶𝑔𝒶𝓃𝑔 "𝓀𝓊𝓃𝑔 𝓀𝒶𝓎𝑜, 𝓀𝒶𝓎𝑜 𝓉𝒶𝓁𝒶𝑔𝒶". 𝑀𝒶𝓎 𝓅𝒶𝑔-𝒾𝒷𝒾𝑔 𝓃𝒶 𝓀𝒶𝒽𝒾𝓉 𝓃𝒶 𝒶𝓃𝑜𝓃𝑔 𝓅𝒾𝓁𝒾𝓉 𝓃𝒶𝓉𝒾𝓃, 𝓀𝓊𝓃𝑔 𝒽𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓅𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶 𝒶𝓉𝒾𝓃 𝒶𝓎 𝒽𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓉𝒶𝓁𝒶𝑔𝒶 𝓅𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶 𝒶𝓉𝒾𝓃.
𝐵𝒶𝑔𝑜 𝓀𝒶 𝓂𝒶𝑔𝓂𝒶𝒽𝒶𝓁, 𝓈𝒾𝑔𝓊𝓇𝒶𝒹𝓊𝒽𝒾𝓃 𝓂𝑜 𝓃𝒶 𝒾𝓀𝒶𝓌 𝒶𝓎 𝒷𝓊𝑜 𝓃𝒶. 𝐼𝓀𝒶𝓌 𝒶𝓎 𝓀𝒶𝓂𝒶𝒽𝒶𝓁-𝓂𝒶𝒽𝒶𝓁 𝓃𝒶. 𝒜𝓎𝓊𝓈𝒾𝓃 𝓂𝑜 𝒶𝓃𝑔 𝓈𝒶𝓇𝒾𝓁𝒾 𝓂𝑜 𝓅𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶 𝓈𝒶𝓇𝒾𝓁𝒾 𝓂𝑜 𝒹𝒶𝒽𝒾𝓁 𝓀𝓊𝓈𝒶𝓃𝑔 𝒹𝒶𝓇𝒶𝓉𝒾𝓃𝑔 𝒶𝓃𝑔 𝓉𝒶𝓂𝒶𝓃𝑔 𝓉𝒶𝑜 𝓅𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶𝓎𝑜. 𝒜𝓉 𝓀𝒶𝓅𝒶𝑔 𝒹𝓊𝓂𝒶𝓉𝒾𝓃𝑔 𝓃𝒶 𝒶𝓃𝑔 𝓉𝒶𝓂𝒶𝓃𝑔 𝓅𝒶𝓃𝒶𝒽𝑜𝓃, 𝒾𝓀𝒶𝓌 𝓃𝒶 𝓎𝓊𝓃𝑔 𝓉𝒾𝓅𝑜 𝓃𝑔 𝓉𝒶𝑜 𝓃𝒶 𝓂𝒶𝓈𝒶𝓈𝒶𝒷𝒾 𝓂𝑜𝓃𝑔 "𝓉𝒽𝑒 𝒷𝑒𝓈𝓉" 𝓅𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶 𝓀𝒶𝓃𝒾𝓎𝒶. 𝒫𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶 𝓉𝒶𝑜𝓃𝑔 𝒾𝓃𝒾𝓁𝒶𝒶𝓃 𝓃𝑔 𝒟𝒾𝓎𝑜𝓈 𝓅𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶𝓎𝑜.
𝒮𝒶 𝓅𝒶𝑔𝓀𝒶𝓀𝒶𝓉𝒶𝑜𝓃 𝓃𝒶 𝒾𝓀𝒶'𝓎 𝓂𝓊𝓁𝒾𝓃𝑔 𝓂𝒶𝒹𝒶𝒹𝒶𝓅𝒶, 𝒽𝓊𝓌𝒶𝑔 𝓂𝑜𝓃𝑔 𝓀𝒶𝓁𝒾𝓂𝓊𝓉𝒶𝓃 𝒶𝓃𝑔 𝓉𝓊𝓂𝒾𝓃𝑔𝒶𝓁𝒶. 𝒯𝒶𝓃𝑔𝒾𝓃𝑔 𝓈𝒾𝓎𝒶 𝓁𝒶𝓂𝒶𝓃𝑔 𝒶𝓃𝑔 𝓂𝒶𝑔𝓈𝒶𝓈𝒶𝓁𝒷𝒶 𝓈𝒶𝓎𝑜 𝓂𝓊𝓁𝒶 𝓈𝒶 𝓈𝒶𝓀𝒾𝓉 𝒶𝓉 𝓁𝓊𝓃𝑔𝓀𝑜𝓉 𝒹𝓊𝓁𝑜𝓉 𝓃𝑔 𝓅𝒶𝓃𝓈𝒶𝓇𝒾𝓁𝒾𝓃𝑔 𝒹𝑒𝓈𝒾𝓈𝓎𝑜𝓃. 𝐻𝒶𝓎𝒶𝒶𝓃 𝓂𝑜 𝓃𝒶 𝒶𝓃𝑔 𝒟𝒾𝓎𝑜𝓈 𝒶𝓃𝑔 𝓂𝒶𝓂𝓊𝓃𝑜 𝓈𝒶 𝒾𝓎𝑜𝓃𝑔 𝓅𝒶𝑔𝓁𝒶𝓁𝒶𝓀𝒷𝒶𝓎. 𝐻𝒶𝓎𝒶𝒶𝓃 𝓂𝑜 𝓃𝒶 𝓈𝒾𝓎𝒶 𝒶𝓃𝑔 𝓂𝒶𝑔𝒹𝑒𝓈𝒾𝓈𝓎𝑜𝓃 𝓅𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶𝓎𝑜 𝒹𝒶𝒽𝒾𝓁 𝒽𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓀𝒶 𝓃𝒾𝓎𝒶 𝒹𝒶𝒹𝒶𝓁𝒽𝒾𝓃 𝓈𝒶 𝓂𝒶𝓁𝒾𝓃𝑔 𝓁𝒶𝓃𝒹𝒶𝓈 𝒷𝒶𝑔𝓀𝓊𝓈 𝒶𝓎 𝓀𝒶𝓈𝒶𝓂𝒶 𝓂𝑜 𝓈𝒾𝓎𝒶 𝓈𝒶 𝒹𝒶𝒶𝓃 𝓀𝓊𝓃𝑔 𝓈𝒶𝒶𝓃 𝓀𝒶 𝓂𝒶𝓅𝒶𝓅𝒶𝒷𝓊𝓉𝒾.
𝙈𝘼𝙍𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙏 𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙂𝘽𝘼𝘽𝘼𝙎𝘼!🧡

BINABASA MO ANG
H I R A Y A [COMPLETED]
PoesíaMapagpalang araw! Nais kong ibahagi sa inyo ang aking mga akda at nawa'y magustuhan niyo. Maraming salamat sa pagbabasa!🧡 SIMULA: Ika-24 ng Abril,2020 KATAPUSAN: Ika-8 ng Hunyo, 2020