Hirap at pighati ay palagi kong nararanasanNa sa bawat araw..
bawat araw buhay ko'y nais ko nang wakasan
Hindi ko na nais pang harapin ang kinabukasan
Sapagkat paulit-ulit na lamang ang aking nararanasan
Unti-unti na akong nauubos
Gustong-gusto ko na itong matapos
Pighati sa puso't isipan ko'y tagos na tagos
Nakakabit sa katawan na para bang kadenang nakagapos
Paano nga ba ako makakalaya?
Sa sakit na hindi mawala-wala..
Paano ko nga ba makakayanan?
Kung ako lamang mag-isa ang lumalaban..
Hinihiling ko na ako'y patawarin
Patawarin sa kasalanan na aking gagawin
Buhay ko'y tuluyan ng sisirain
Wala nang bukas ang patuloy pang haharapin
Patawad sapagkat ako'y sumusuko na..
Hindi ko na nais pang ituloy ang laban na ako lamang mag-isa
Patawad sapagkat ang buhay na nais nilang dugtungan,
Para sakin, buhay ko'y nais ko ng wakasan.
BINABASA MO ANG
H I R A Y A [COMPLETED]
PoesiaMapagpalang araw! Nais kong ibahagi sa inyo ang aking mga akda at nawa'y magustuhan niyo. Maraming salamat sa pagbabasa!🧡 SIMULA: Ika-24 ng Abril,2020 KATAPUSAN: Ika-8 ng Hunyo, 2020