Ikaw at Ako

102 33 2
                                        

Masaya ako nang ika'y makilala
Buhay ko'y nag-iba mula nang dumating ka
Ikaw ang nagbigay ng kulay at sigla
sa buhay ko na akala ko, wala nang pag-asa

Binago mo ang ikot ng mundo
kasabay ng pagnakaw mo sa puso ko
na noo'y hindi ko akalain na ako'y mahuhulog sayo

Dinadaan sa asaran ang tunay na nararamdaman
Unti-unti nang lumalim ang pag-ibig ng hindi namamalayan
Kakaibang saya na dulot ng pag-ibig mo
ang tanging hinahanap-hanap nitong puso ko

Hindi ko akalain na ganitong pag-ibig ay mararanasan sapagkat ikaw lang ang nag iisang tanging nagparamdam
Nagpapasalamat ako sa walang sawang pagmamahal na iyong pinaramdam
Hangad ko na ito'y hanggang sa dulo na ng walang hanggan

Ika'y makakaasa na pagmamahal sayo'y pang habang buhay, na kahit ako ay hindi ko gugustuhing wakasan.


***********************************************************************************************

Maraming salamat kay Deib sapagkat siya ang naka-isip na kami'y magdugtungan ng tula.

H I R A Y A [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon