AUTHOR'S NOTE: Hello! Gusto ko lang po sabihin na ang story na ito ay may mga narrations, maraming dialogues, at paiba-iba po yung mga scenes and settings. Kumabaga, parang nanonood lang kayo ng mga Korean dramas :) So, iba po ito sa mga karaniwang nababasa niyo dito sa Wattpad na parang paragraph yung format. Sana po basahin niyo po itong story kasi po kakaiba po ang kwento nina Ali at Aaron. Matutuwa po kayo, (kasi maraming jokes) , at higit sa lahat, kikiligin kayo lalo na kapag nangyari na ang unexpected na pangyayari! Paano kaya magtatagpo ang kanilang magkaibang mundo? Please continue reading po.. Salamat :) Rate or Comment po kayo kapag nagustuhan niyo ah :) Pinaghirapan ko po ito. Bago lang po ako dito sa Wattpad at ito ang official very first story na napublish ko. Sana po mag-enjoy kayo ^-^ Salamat po! -from: Adayie
____________________________________________________________
Chapter 1
Ali: Ang buhay ay isang fairytale. Maraming kababalaghan, maraming paghihirap , pero sa huli, laging may happy ending..... Uy, pinsan, bakit natutulog ka na?
Kuring: Hay, Ali. Nakakaantok naman kasi yang sinusulat mong kwento eh. Tyaka alam ko naman na yan, memorize ko na. Lagi mo nalang sinasabing, "ang buhay ay isang fairytale, may happy ending". Pero bakit hanggang ngayon, wala ka pa ring trabaho?
Tapos, biglang may naalala si Ali
Ali: Hala, Kuring!
Kuring: Hala Ali! Bakit?
Ali: Hala, may job interview pala ako ngayon! Lagot!
Kuring: Sige na, dalian mo na. Ay hindi, take your time pala. Diba sabi mo, sa fairytale, ang mga bagay bagay hindi minamadali? hehe
Ali: Pinsan naman oh. Sige na, aalis na ako ah. Kailangan ko talagang makahabol doon. Bye!
Tapos, umalis na si Ali sa bahay. Pumunta na siya sa kanyang job interview sa isang malaking kumpanya.
(Sa loob ng kumpanya...) Binabasa ng isang boss ng isang malaking magazine company ang resume (application form) ni Ali.
Boss:So, kakagraduate mo lang pala last March
Ali: Opo
Boss: And that means, wala ka pang work experience
Ali: Wala pa po, pero.....
Boss: Aliyana Graciela Veronica Puripicasion..
Ali: Ay, ALI nalang po.
Boss: Okay, Ali. Tatapatin na kita ah. As you can see, this is a really big company, and we need here are trained writers and employees. I hope you understand.
Ali: Yes, I do understand po. Sige po, maraming salamat nalang po.
Sa next company...
Boss #2: Sorry iha, but we are not in need of new writers right now
Ali: Okay po, salamat nalang po.
Sa next company ulit...
Boss #3: Okay, I'm already done reading your resume. So, based on that, all I can say is, don't call us, we'll be the one to call you.
(Tuwang tuwa si Ali)
Ali went home so happy...
Ali: Yes, yes!
Kuring: O, pinsan, ano, tanggap ka na ba?
Ali: Oo, tatawagan daw nila ako.
Kuring: Eh, ano bang sabi?
Ali: Sabi , "don't call us, we'll call you"
Kuring: ahahahahaha!!
Ali: Anong nakakatawa dun?
Kuring: Isip, isip, at magising sa panaginip dahil baka makagat ka ng ipis
Kuring: Haha! Gagers.. ang ibig sabihin nun, hindi ka tangggap. Isipin mo ito, sabi niya "Don't call us" para hindi mo na sila guluhin. At, "We will call you", asa ka naming tatawagan ka nila noh. Pag pasok ka talaga, kukunin ka agad. Bakit ka pa nila papakawalan? tsk, tsk, tsk.
Ali: talaga?
Kuring: oo nga, sige, maghintay ka ng tawag nila... kung tatawagan ka pa..
Nag-ring ang telephone
Ali: O diba, tatawagan ako
Ali answered the phone
Ali:Hello
Caller: Hello, just a reminder from Electric World Incorporated, you have to pay your electric bills before December 11,2012. Thank You.
Binaba ni Ali ang phone
Kuring: Ano, tanggap ka daw?
Ali: Hindi, kailangan daw magbayad na ng kuryente.
Kuring: Sabi ko sayo eh, hindi ka na talaga tatawagan ng kumpanyang iyon. Siguro kasi, mag-apply ka muna sa medyo maliit na opisina, or maliit na kumpanya. Kasi kailangan mo muna ng experience eh. Sige pinsan, aalis na ako.
Ali: Sige, salamat sa pagdala ng Balot ah!
Kuring: Uy, may nakalimutan ka pa. May isa pa akong dinala noh.. hindi lang yung balot
Ali: Ay! haha. ngayon ko lang napansin, salamat din pala sa Taho ah! :)
Kuring: Sige aalis na ako. Bye!
Kuring has left.
(narration) Ali: Ako si Aliyana Graciela Veronica Puripicasion, Ali for short. Ako ay isang simpleng tao lamang. May apat na mata...hehe, may eyeglasses ang ibig sabihin nun. Hindi ako masyadong nakikihalubilo sa ibang tao. Mahiyan kasi ako eh. Kaya, itong lang pinsan kong si Kuring ang ka-close ko. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Nag-iisa lang akong anak. Ang nanay ko ay taga-luto sa mga kainan, karenderia, fiesta at iba pa. Ang tatay ko naman, pumanaw na nung ako'y maliit pa dahil sa malubhang sakit. Ako naman, ito naghahanap pa rin ng trabaho. Isa kasi akong writer. Nakapagtapos ako ng pag-aaral at grumaduate ako as Salutatorian. Hay, maghihintay nalang ako. Alam kong matatanggap din ako sa trabaho balang araw. Sabi nga ni Princess Aurora sa Sleeping Beauty, "They say if you dream a thing more than once, it's sure to come true."
BINABASA MO ANG
My Destiny's In A Fairytale Island?!
Teen FictionAng buhay daw ay isang fairytale- "laging may happy ending". At sa mga fairytales, napakahalaga ng salitang "Destiny". Ayon sa mga ito, ang pag-ibig ay hindi basta basta. Hindi ito sayo dadating ng mabilisan, pero kapag nahanap mo na ito, hindi na...