Chapter 2

45 16 2
                                    

     Nakarating na ako sa office at kumatok ako ng mahina. “ Come in “ sagot ng tao nasa loob. Huminga ako ng malalalim at dahan dahan kung binuksan ang pinto. Nang makapasok ako, ay nakita ko si Mr. Angelo na may katawanan na isang estyudante. Hindi ko kilala ang estyudante, but he is a male.

     Nakatalikod siya kaya hindi ko Makita ang kanyang mukha. Nakita ako ni Mr. Angelo at agad niya akong tinawag.

    “ Sheene! I would like to introduce you to a new student in our school. Wala siya masyadong alam sa school natin kaya napag desisyonan ko na mas mabuti kung meron tutulong sa kanya para maka pag simula sa school na ito. Since na mag ka klase kayo, I want you to show him around. I hope na mag kasundo kayong dalawa. Ohh muntik ko na palang maka limutan. Carl Vincent ito nga pala si Sheene. Sheene ito si Carl Vincent Van Doren. Siya yung makakasama mo habang naninibago kappa dito .”

     Teka lang, Carl Vincent? Oo nga siya yung lalaking ikinukwento ni Irish sa akin. Tiyak na matutuwa yung gago na yun pag sinabi ko ito sa kanya.

     Tumayo na si Carl Vincent sa kanyang kinakaupoan at humarap siya sa akin. Pero  may nararamdaman akong kakaiba ng Makita ko siya. Yung tipong biglang nag slowmo yung buong paligid ko.

     Parang nawala sa isip yung pangako kung lalayo ako sa mga lalake yung No Destruction

     Nag bago yung mindset ko na no boys in my life ng dahil sa kanya. Siguro nag bibiro lang ako nung sinabi ko na ayaw ko sa mga lalake. Pero no Distruction parin.

     Hindi lang siya cute at gwapo, napaka attractive din niyang lalake. Ngayon alam ko na kung bakit nababaliw yung mga babae sa kanya, dahil nakakabaliw nga itong lalaki na ito. Medyu matangkad siya nang kaunti sa akin.

     “ Hi “ first move niya sa akin. “ Im Vincent “ inabot niya ang kanyang kamay for hand shake.

     “ Ahmm… Im Sheene “ sagot ko sa kanya habang kinakamayan ko siya. Kung meron man akong pinag sisihan sa araw na yun. Yun ang pagbitaw ko agad sa kanyang mga kamay. Pero hindi ko parin ma alis ang aking mga mata sa kanya ng biglang nag salita si Mr. Angelo.

     “ Sheene, malapit na mag ring yung bell kaya samahan mo na si Vincent mag libot libot muna dito .”

     Lumabas na kami sa office ni Mr. Angelo. Sandali kaming walang kibuan kaya ako naman yung magsasalita.

     “ So… Saang school kaba  nanggaling? “ tanong ko sa kanya para naman maputol ang aming katahimikan.

     “ Galing ako sa SJA ( Saint Joseph Academy ). Mas malaki itong school niyo kung ikukumpara sa amin. Kaya lang naman ako lumipat dito kasi sabi ng magulang ko na mas makakatulong daw sa akin na maka buo ng self confidence at makipag socialies sa ibang tao kung sa malaking school ako mag aaral .”

     Yung school nila ay parating kalaban ng school namin pagdating sa mga competation gaya ng sports at iba pa.

     “ Tsss, tama na yung tungkol sa akin. Ikaw naman ang mag kwento tungkol sa sarili mo “ usal niya sa akin.

     “ Ahmm… well to be honest I hate almost all of the people in this school and I hate school. Pero ginagawa ko parin yung best ko para makapag tapos at makapag college na rin ako “ sagot ko sa kanya na medyu nauutal sa una.

     “ Hahaha, hater ka pala “ Natatawang sagot niya. The best part is when he smiles, he is very cute with his dimples.

     Pero hindi naman talaga ako hater. Hindi ko ngarin alam kung bakit ko yun nasabi. Sadyang ganito lang talaga ako pag kinakabahan.

Someone Who Change My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon