Chapter 7

21 10 0
                                    

I check the time in my phone, 6:30. Hindi ako maka paniwala na nakatulog ako ng matagal.

“ Nasaan kaba ? “

“ N-nandito parin ako sa beach. “ parang nanginginig parin ang kanyang boses.

“ Pupunta ako diyan pag naka hanap na ako nag mamasasakyan, “ natigilan ako saglit. I just realize na hindi ako marunong mag drive. “ Tatawagan nalang kita ulit ha pag nandiyan ako okay? “

“ Thank You “  binababa ko na ang telepono. Nag isip isip ako at kinuha ko ang cellphone ko. I scroll through my contacts. Menessage ko si Tyron kung pwede niya akong tulungan, then nag reply siya agad.

“ Sorry Sheene, my mom and I are going somewhere tonight  “

Habang nag iisip ako kung ano ang gagawin ay napatingin ako sa may bintana at sa bahay nina Vincent.

Should I ask Him? Irish really needs help, hindi ko alam kung bakit.

Tinawagan ko ang No. ni Vincent. Makalipas ang tatlong ring ay sinagot niya na ito.

“ Hello? “

“ Hey Vincent, si Sheene to. Ahmm, Irish kinda needs help, so pwede mo ba akong samahan pa punta sa beach please ? “

“ Yeah sure, antayin mo nalang ako sa labas. Bababa na ako. “ binaba niya na. Dali dali kung kinuha ang aking bag. Kinuha ko rin ang jacket ko just in case na kailanganin niya dahil malamig narin sa labas. Bumaba na ako nag paalam sa parents ko na lalabas. Tumakbo na agad ako sa may highway kung saan nasa loob na si Vincent. Pumasok na ako at pina andar niya na ang sasakyan.

Sa hindi malamang dahilan akoy kinakabahan. Irish is a strong person, hindi siya umiiyak. Kaya naman kinakabahan ako dahil kung ano man ang nangyari sa kanya ay hindi maganda.

Hindi na ako mapa kali sa loob ng sasakyan. Lingon ako ng lingon sa paligid  at nanginginig narin ang aking mga kamay hanggan sa ang kanang kamay ni Vincent ay hinawakan ang aking kaliwang kamay.

“ Shes going to be okay “

Nabawasan ang aking kaba nang hinawakan niya ang aking kamay. Hindi niya ako bibitawan hanggang maka rating kami sa beach.

7:15 na nang makarating kami sa beach. Napaka dilim na nang kapaligiran at wala nang tao sa beach. Tinawagan ko si  Irish pero hindi siya sumasagot. I kept calling her and finally she answer.

“ Irish nasaan kaba? Vincent and I are here. “

“ Sheene, Nasa Cr ako ngayon. Ive been waiting here for a while. Yung Cr na malapit sa may gift store. “

“ Okay diyan kalang wagg kang aalis. Pupuntahan kita diyan. “

“ O-okay “ sagot niya sa akin sa mahinang boses. Mukhang hindi na siya umiiyak. Maraming mga katanungan ngayun ang nasa isip. Bakit siya nasa CR? Nag tatago ba siya?

Lumingon ako kay Vincent na naka tingin na rin sa akin.

“ Wag kanang sumama. Antayin mo nalang kami dito ni Irish. I’ll probably be back here in less than 15 minutes. “ tumango siya.

Kinuha ko ang jacket ko sa may sasakyan at agad akong pumunta kung nasaan si Irish. Hindi naman malayo ka gaya ng iniisip ko ang CR. Naka sara ang pinto pero  naka bukas ang ilaw sa loob. Dahan dahan akong kumatok.

“ Irish? Si sheene to “ bumukas ng kaunti ang pinto kaya pumasok ako.

I gape at her in shock when I see her.

Naka sandal siya may pader, wala siyang ibang sout kundi ang kanyang bikini. At gulong gulo ang kanyang buhok.

“ Sheene “ sabi niya na nang hihina. Agad ko siyang niyakap. Nan lalamig ang kanyang boung katawan. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal dito. Binigay ko sa kanya ang dala kong jacket at sinuot niya. Then nagsimula na siyang umiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Someone Who Change My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon