Chapter 3

25 1 0
                                    

Chapter III

HABANG nasa sasakyan, tahimik lang sila sa isa’t- isa. Nag - uusap namn sila pero medyo ilang pa rin sa isa’t isa. Nagpakilala ito sa kanya. Nakalimutan kasi nilang mag pa kilala kanina sa waiting shed dahil nagmamadali na siyang umuwi.

Cloud Nicholas Vallejo. Anak ni Don Nicholas Vallejo na may -ari ng Vallejo Liquors. Isa sa mga kilalang kompanya sa buong Asya na gumagawa ng high class wines at champagnes. Alam niya iyon dahil dito nag tatrabaho ang kanyang ama bilang farmer ng mga ubas dito.

“AH, Dito mo na lang ako ibaba.” Sabi niya. Mabuti na lang at hindi na medyo umuulan.

“Sige.. Ayaw mo ba talagang ihatid kita sa loob, Catherine?” nag-alalang tanong ni Cloud.

“W-wag na! Masukal kasi sa loob at maraming loko- loko doon. Baka pagtripan pa yang sasakyan mo. Sayang naman.” tanggi niya.

“Alam mo nagtataka lang ako. I mean, I’ll be frank.” Huminga pa ito ng malalim. “ Bakit doon ka sa school namin nag- aaral? I mean, alam mo naman na school yon for..” Kinukumpas pa nito ang kamay at parang nag -aalangang sabihin. “..mayaman” Napag-alaman rin kasi niya na sa iisang paaralan lang pala sila nagaaral.

“Yun lang? Akala ko namn ano na.”Natatawa siya sa mukha nito. “E kasi po scholar ako nung nasa elementary kami ,Valedictorian kasi ako,at sinuwerte ako dahil may nag- offer sakin ng scholarship. Siyempre, sino ba namn ako para magtanggi?.” paliwanag niya.

“Hindi ka ba naiingit sa mga kaklase mong mayayaman?” tanong nito

“Hindi no? Mabuti na nga kung mahirap ka dahil marami kang natutunan sa buhay ,pareha na lang ng pagtitipid. Hindi katulad ng mga mayayaman, gasta dito, gasta doon. Nasaksihan ko yan sa mga kaklase ko. Akala nila parang kaya na nilang bilhin ang lahat ng gusto nila. Ang di nila alam, pinaghirapan din yun ng mga magulang nila. At saka , kung hindi dahil sa aming mahihirap, walang mayaman sa mundong ito ,no? At tandaan mo, yayaman din ako. Sa ngayon, tiis- tiis lang muna. Patience is a virtue.” Mahabang lintanya niya at saka tumingin kay Cloud.

Titig na titig ito sa kanya. Medyo naiilang na siya kaya pinagtrip-an niya ito. Kinuha niya ang glasses nito. Nagulat ito. Siya namn ay tawa ng tawa. Ngunit natigil din yun ng makita niya ang mga nito. Light- brown na mga mata. Oh my! Bagay sa kanya ang mga mata niya. Bigla na lang siyang natauhan.

“Ah, sige bababa na ako. Ingat sa uwi mo. Bye” dire- diretsong sambit niya at bumaba agad ng sasakyan nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. What the heck was that? Bakit ganon makatingin si Cloud sa kanya?

NAG- IISIP pa rin si Catherine sa mga nangyari habang naglalakad papuntang bahay nila nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya. “Ay Cloud!” sambit niya. What the? Tiningnan niya ang cellphone at nakareceive ng text kay Raven.

Nakauwi knb? Sorry tlga kung d kta snamahan kanina. Nabasa k pa ng ulan. Nakokonsensiya 2loy ako. Bsta wag mung klimutang mgligo at mg- eat ng dinner mo bago ma2log pra d ka malagnat. TC! mwah!

Napangiti siya at nag reply.

Opo sir. Sna mtpos na proj mo. C u nlg tomz, k? Love u! :*

k. Reply nito

Huh? walang bang I love you, too? Weird?

ALA- UNA na ng umaga ngunit hindi pa rin nakakatulog si Catherine.Hindi siya makapakali. Both Raven and Cloud are occupying her mind right now.First si Raven.Alam niyang may problemang iniinda ito, she can see it awhile ago while they’ re at the restaurant. She wants him to tell her what’s bothering him but she knows na hindi rin naman sasabihin ni Raven ang problema nito sa kanya. And Cloud. Those brown eyes of Cloud kept haunting her.ARGH! Ba’ t hindi ka maalis sa isip ko Cloud?

Mukha namang normal ang mga mata ni Cloud ngunit bakit mimulto ng mga mata nito ang isip niya? Actually, nakakita na nga siya ng blue at green na mga mata, dahil may mga kaklase siyang half pero hindi namn siya naakit. Naakit? What the heck? May boyfriend ka na? Tall, dark and handsome pa. Maghunusdili ka ,Catherine! saway sa kanya ng isip niya.

At ngayong alam na niya na nasa iisang paaralan lang sila nag- aaral, kailangan na niyang iwasan si Cloud ,ayaw na niya ng komplikasyon. Sorry Cloud...

My Ideal Man (On- going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon