Pangatlong Sulyap

179 12 6
                                    

Kumakain na kami nang barkada ko nang Makita ko sya kasama ang mga barkada nya.

Papasok na sila ng Cofftea at kumuha na nang pwesto na malapit doon sa counter kasi gusto nilang nakikipag-usap kay Kuya Bart.

Mukhang nahalata naman ako ni JC kung kaya nagsalita nang wala sa oras.

“Nakakatitig ka na naman, baka matunaw yan. Di yan masarap kapag natunaw.” Say nya.

Naweirduhan naman ako sa pinagsasabi nitong lalaking to kung kaya naman sabi ko na lang.

“Anong di masarap kapag natunaw ang pinagsasabi mo,ha?” mahinahon ko pang sabi.

“Kasi di naman yan ice cream kung makatingin ka naman kasi ang lagkit lang.” ngingiti ngiti pa nyang sabi.

Tamo!

Daig pa ako nang lalaking ‘to daming alam!

Matanong ko nga minsan kung kasing kulay nya si Rafa.

Imba kasi ang choice of words!

Anywho, gusto nyo bigyan ko kayo nang description about sa aking love of my life!

Sige na nga, sya lang naman si Dylan James Ramirez! Same year, section 3 sya kung kaya di kami classmates… kahit papano naman kasi na I’m in the brink of falling of the cliff sa section namin ay nadadala pa naman ng charms ko yan!

Kapal!

Moving on, so di nga kami classmate’s pero syempre matagal ko na syang kilala.

His already 16 years old, malapit na syang magbirthday this coming November 20.

He has been my long time crush eversince first year dahil sa pagsali nya sa Search nung Buwan ng Wika at swerte ko naman na ako lang naman ang partner nya nun!

Huwag kayo ha..pareho kaya naming nasungskit ang title!

Mr. and Miss Buwan ng Wika 2009!

In your face!

Crowning and reigning moment ko yun!

Nagkaholding hands kasi kami nun dahil nga parehong freshmen ang nakakuha nang title.

Kilig lang! >/////<

Ang gwapo nya talaga kahit na nga ba medyo agree ko dun sa sinabi ni Fel kasi  di ko super like ang pagpapakulay nya ng buhok nya ng kulay puti pero ok lang mukha naman syang  cool anime character!

Alam nyo bang binayaran ko pa ang barkada nya para lang makakuha ako nang picture kasama sya nung second year nung tour namin sa El Nido at pusang gala lang nung prom nung third year nagset-up lang naman ang barkada ko nang bonggang operation na makasayaw dapat ni Kat si Dylan buti na lang pumayag!

Ang saya ko nun!

Di ko namalayan na may dumating na masamang hangin sa Cofftea.

Nandito na kasi ang grupo nang mga Sirens.

Puteks naririndi na naman ako kapag nakikita ko yang Psyche at Rafa na yan!

“Oy Kat! Chill ka lang hayaan mo na sina Rafa baka may masabi ka naman dyan..mag-away na naman kayo!” say ni Sab.

Alam nyo kung bakit naniningkit na naman ang mga mata ko kasi naman yung Dabyanang babae na Psyche na yan makakapit kay DJ akala mo girlfriend!

Asar!!!

“DJ libre mo naman ako nang French toast oh.” Pacute na sabi ni Psyche.

Yuck!

“Sige na na DJ libre mo na kami ni Psyche.” Isa pang malandi ang nagsalita ang berdeng frog ng TSA na walang iba kundi si Rafa!

At ang loko pumayag naman!

Nakaupo na ang Sirens sa table na malapit sa kinauupuan nila DJ pero p@cking t@pe!

Yung dalawang malandi nakiupo dun sa table nila DJ!!!

“Kat! Bakit mo pinagpupunit yang resibo natin pati rin ang mga tissue sinira mo na.” say ni Harvey

“Hayaan nyo na lang yan may nakita na naman kasing tanawing di kaaya-aya.” As a matter-of-fact na sabi ni Fel.

“Ba’t ba kasi ang init nang ulo mo sa Sirens?” tanong ni Andy.

“Oo nga mabait naman sina Apollo tsaka Athena ah..exception na lang sina Rafa at Psyche.” Dugtong ni Sabrina.

“Huwag nyo naman kaligtaan si Daphne dun..ok naman sya may pagkabitchy nga lang minsan.”  Say ulit ni Andy.

Vas Ist Das fin~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon