Nandito kami ngayon sa harap ng commencement stage, flag-raising ceremony na kasi buti na lang at ang mga sophomore na ang required na magsalita sa harap kung hindi lagot!
Ayoko pa naman sa lahat ay ang magsalita sa harap ng stage at nakatutok ang mga mata ng tao sa akin.
Patay!
Andyan na si Sir Gorilla este Sir Griolla!
Pumunta sa harap tapos sabay tingin sa isang estudyante sabay sabing
“Hanapin mo ang buhay mo! Umayos nga kayo ng linya freshmen!”
Nagsimula namang umayos ng pila ang first year at nagsimula na ang flag raising.
Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil….
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo.
Naglalakad kami ngayon sa corridor papuntang room ng nahagip sya ng mata ko. Di ko na napigilan ang sarili ko at nakurot ko sa braso si Felice.
“Aray! Bakla, ano ba!” mukhang galit nitong sabi.
“Nakita ko kasi si DJ!!! Oh My Gosh! Buo na agad ang araw ko!!!” sigaw ko sa kanya. Malayo na rin kasi kami sa class room nila.
“TM teh?! Gusto mong lumipat ng network? Alam mo ang OA mo! Parati mo kayang nakikita si DJ like hello?! Ilang metro lang ang layo ng room nila sa room natin tapos madadaanan mo pa kapag bumababa ka ng hagdan.” Super long na lintanya ni Fel.
Nakarating na kami nang room nun at di na ako nakapagsalita pa kasi pumasok kaagad si Miss Sanchez.
Recess time na nang lumabas kami at kahit may malapit na canteen sa room ay hindi naman ako dun bumibili.
Bakit kamo kasi simple lang ang sagot di naman doon bumibili si DJ eh..doon kela Kuya Bart bumibili ang barkada nya.Kahit na malayo ang Cofftea keribels lang basta masilayan ko si crush!
”Kuya Bart pabili nga ng limang pirasong siomai, isang nova tsaka isang milktea, regular lang po.”sabi ko sabay sulyap kay Papa Dylan ko! >//////<
Nakikipag-usap sya sa mga kabarkada nya mukha ngang nagkakatuwaan sila but sad to say ay kailangan ko nang umalis kasi naman maagang pumasok si Sir De los Reyes kung bakit ba naman kasi na teroristang titser pa ang kasunod ng recess time namin at walanjo pa PreCalculus lang naman!
Dumudugo ilong at mga mata ko! >/////<
Umalis na rin ako doon kasi malapit nang dumating si Sir D ayoko namang mapagalitan.
Madali lang natapos ang morning classes namin di pa naman kasi masyadong seryoso ang mga teachers namin pwera na lang kay Sir D!
Naisipan pa ngang magpaquiz!
Puteks lang, zero na naman ako dun!
Aanhin ko ba naman kasi yang mga limits and functions na yan!
Kapag kumembot pa yang si derivatives to the negative infinity na talaga grades ko!
Wow! Ang daming alam ah!
Di naman, konti pa nga nyan…and besides binabasa ko kasi syllabus namin kaya nasabi ko yun!
(A/N: Pakisabihan si Ate Rave kung may mali sa sinabi nya ah…di ko na kasi maalala kung may negative infinity ba tsaka di na ako nagresearch pa.Katamad kasi!)

BINABASA MO ANG
Vas Ist Das fin~
Ficção AdolescenteVas Ist Das? What exactly does this word mean? Isa lamang syang simpleng salitang German na nangangahulugan ng "What is That" subalit kapag binigyan mo nang kulay maaring magkaroon ng ibang depenisyon. Vas Ist Das?! Isang tanong na pupukaw sa iyong...