CHAPTER 1

25 4 2
                                    

Greco's POV

"Greco, anak kakain na!" sigaw ni tita

"Sige po" sagot ko sabay hawak sa tungkod na gamit ko at naglakad papunta sa kusina


Malayo palang ay amoy na amoy ko na ang bango ng niluto ni tita

"Magdahan dahan ka ah, baka matumba ka nanaman" dagdag pa ni tita at narinig kong inaayos nya na ang mga plato


Simula ng mamatay sina mama at papa si tita na ang nagalaga sakin


Tinuring nya akong parang isang anak, binigyan ng tirahan at pinakain


Kung hindi dahil sakanya, malamang patay na ako ngayon


Tandang tanda ko pa nong tinangka kong patayin ang sarili ko


Bago paman ako mahimatay ay narinig ko pa syang sinisigaw ang pangalan ko


Tatlong araw daw akong walang malay non at ginawa nya ang lahat para buhayin ako


She has the ability to heal and to create potions (healing potions)


Nagawa nya akong buhayin pero hindi nya nagawang ayusin ang mata ko


I lost my vision

10 years narin akong bulag, mahirap pero sa tulong ni tita at ng tungkod nakakaya ko namang makalakad at makagalaw ng maayos


Sa tulong narin ng enhanced senses na ability ko mas madali akong nakakagalaw sa bahay


Isa lang naman ang dahilan kung bat pa ako lumalaban para mabuhay


*Flashback*

"Anak! Greco! Tumakbo kana!" sigaw ni mama habang hirap sa paglaban sa isang lalaking nakangisi lang sakanya

"Anak! Takbo!" dagdag pa ni papa


"Ayoko! Dikopo kayo iiwan! Hindi po pwede!"sigaw ko habang umiiyak


Tanging iyak lang ang nagawa ko habang pinagmamasdang atakihin ng mga kalaban ang mga magulang ko


Isang malakas na presensya ang nadama ko na nagpataas ng mga balahibo ko


Mula sa kawalan ay biglang sumulpot ang nakakakilabot na lalaki


His presence screams so much power


Tignan mo lang sya ay mangangatog na ang mga binti mo


"X-xeus" tila di mapakaniwalang usad ni papa


"A-anak tumakbo kana!!" natatakot na sigaw ni mama at nagcast ng spell para bigyan ako ng barrier na poprotekta saakin


"Handa na ba kayong mamatay?" nakakakilabot na saad ni Xeus


"Death" usal ni Xeus at biglang napasuka ng dugo sina mama at papa


Sylvania Academy Where stories live. Discover now