Ano ako Ngayon

460 2 0
                                    

I am not a professional writer nor a blogger or anything to the like. I am just writing this story as a hobbit of mine. Please comment below of what your thoughts are para naman may madagdag ako at maimprove pa sa mga writings ko. Thanks in advance for reading and sharing my story.

Don't forget your comments. Like!! Like!!

*******************************************************************************************************

The Cast:

Anya Kristina Mendoza- ang babaeng walang pahinga, este ang babaeng naloko.
Limuel Penaflor- ang lalaking nanloko.
Daniella Lopez- ang kabit.
Karla, Charity, Ken- mga besh.

Lahat tayo ay may iba't ibang firsts. First crush, first love, first kiss, first embarassing moment, first kilig moments at lahat ng maiisip mong first. Lahat naman tayo siguro nangangarap ng happy moments, ng happy firsts.

I am just one of those na nangangarap, hopeful na balang araw makikilala ang knight with a shining armour with a very sexy low voice, in a perfect black sky night with full of stars and a full moon, near a fountain with dancing and singing people.

At heto na nga siya, nasa tapat ko na siya, nilalapit na niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Hahalikan niya na ako, so I am pouting my lips so hard, ayan naaaaaa..

OHHHMEEERRRGAAARRRRDDDDDDDDDD. 。◕‿◕。 。◕‿◕。

"Anya Kristina Mendoza!!!!!!", Biglang naputol ang aking Perfect Dream ng maranig ko si inay na sumisigaw.

"Ma naman eh, ba't niyo ba ko ginising, mi sunog ba?" 

"Mag aalas diyes lang naman ng umaga, late ka na naman sa trabaho mo. Sabi ko naman sayo wag ka nang magbababasa ng mga librong yan."

Siwalat sa kin ng butihin kong nanay habang nagdadali dali akong maligo at magbihis.

"Eh anong napapala mo diyan sa kababasa mo ng mga romance novel na yan, ayan mantika kung matulog, laging lutang ang isip".

"Ma, alam mo namang inspirasyon ko yang mga librong yan diba, alam mong sila ang pinagkukunan ko ng lakas ng loob. Ma, masaya ako sa ginagawa ko at sa hobbies ko, ayaw niyo bang makita akong masaya, ulit?"

Umupo ang nanay ko sa higaan habang tuloy lang ako sa pagbibihis at pag aayos. Alam kong nahihirapan ang nanay ko kapag naaalala nya ang mga nakaraan ko, batid ko iyon sa mga buntong hininga niya.

"Sino ba namang ina ang ayaw makitang maligaya ang kanyang anak, alam mo naman nak  na mahal na mahal kita, pati na rin ng papa at mga kapatid mo diba. Ayaw namin na nasasaktan ka, tama na yung minsan kang nawalay sa min."

Maiyak-iyak na ang nanay ko kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ma tama na, past is past and I have moved on. That was the biggest mistake I have ever done and will never be happening again. Promise ko sayo di na iiyak si Anya.

Smile na oh, ang aga aga nagdadrama si mama, di bagay ma. Tsaka hinay hinay na rin sa panonood ng mga telenovela ha". Hay salamat at napatawa ko rin ang senti kong nanay.

"Oh sige na, magmadali ka na jan at baka naghihintay na yung kliyente mo". Naiwan na nga akong mag-isa sa kwarto. Hay naku, nakakainis talaga ang mga flashbacks eh, ayan naalala ko naman ang biggest mistake ng buhay ko.

Oo, minsan na nga akong nangarap ng sarili kong pamilya. I had a fiancee two years ago, we've been in the relationship since college days namin. Masaya naman kami, away-bati, walang pinagkaiba sa tipikal na relasyon. Yun nga lang nang mapromote siya bilang business consultant and adviser ng kumpanya nila, palipat-lipat na siya ng distino. LDR for short. Magkikita after 3 or 5 months, skype, facebook, line lahat siguro ng App nagamit na namin para tuloy tuloy lang ang communication.

Pero ito na nga siguro ang disadvantage ng Long Distance Relationships, kahit may tinatawag kayong "TRUST", kung di naman kayo magkasama wala pa ring "US".

Minsan nga tinatanong ko sarili ko, maganda naman ako, mabait, mapagmahal, mapagbigay, di nga lang kasexihan. Bakit niya ko ginago, lahat ba talaga ng LDR dapat third party agad ang issue.

Bakit me mga babaeng makati at mga lalaking kating-kati. Diba ba pwedeng makunteto kung anong meron sila? Kaya nga isa lang ang puso at utak para ialay sa isang tao lang. Ano bang akala nila sa sarili nila superhero? medi-human? Super naman sila magmahal, lahat minamahal.


Nakakainis talaga ang mga flashbacks, eto na naman siya nagpapaalala sa mga masasakit na bahagi ng nakaraan ko.

***************************************************************************************

PLEASE DO NOT FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS. THANKS

I remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon