CHARITY POV
Hindi ko maalis sa isipan ko na may naambag din ako sa nangyari kay Anya. It was me who forced her to come to his fiance's condo. Kung hindi sa pamimilit ko sa kanya hindi sana mahahantong sa ganito. I was so devastated when Limuel called to tell me what happened.
Sinundan ko si Limuel sa sasakyan niya pagkatapos siyang pagtabuyan ng pamilya ni Anya. Galit man ang nangingibabaw sa akin ngayon dahil sa ginawa niya, hindi ko pa rin maiwasan na maawa sa kanya. Kitang kita ko kung paano niya saktan at sisihin ang sarili niya. Hindi ko magawang lapitan si Limuel para damayan siya, hindi pa siguro to ang tamang oras. Nakita ko na lang na rumagasa ang sasakyan niya palayo ng ospital. Pagbalik ko sa ER hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Awang-awa na ko sa mga magulang ni Anya,.Hindi matatago ang pagkamuhi ng kanyang ama kay Limuel.
Nilapitan ko si Tita Mercedes para damayan na lang siya. Hindi man siya magsalita kita naman sa mga mata niya na nagpapasalamat siya sa amin dahil may mga kaibigang tapat si Anya. "Magiging okay rin po ang lahat tita, hwag po kayong mag-alala. Malakas po si Anya at tsaka mahal na mahal po kayo noon kaya hindi niya magagawang mang-iwan."
"Salamat Ija, hindi ko kayang mawalan nang anak. Dapat ako na lang ang na aksidente eh," humagulgul naman si tita Mercedes kaya pinakalma na naman siya ni tito Diego. "Tama na yan ma, ikaw ang magkakasakit niyan eh. Panu kung magising na si Anya at makikita kang ganyan. Tama na."
Tama namang lumabas ang doktor sa ER, halos sabay sabay kaming tumayo para malaman ang kondisyon ni Anya. "Kumpadre"ani ng doktor kay tito,at lumapit naman sina tito at tita sa doktor. "Kamusta ang anak ko", sabi ni tito pablo. "For now Anya is safe, she is in a state of coma but it will not take long as expected, may fracture siya on her two lower left ribs, right leg at right arm niya. Pero we are expecting for the worse kung magigising na si Anya. We found out that there is an accumulation of blood on her brain, epekto ito dahil hindi agad siya narescue, it might cause her a traumatic brain injury, post traumatic stress disorder or baka magka short memory loss ang pasyente. So pinapaki-usap ko sa inyo to pray for her always. Itatransfer na siya sa private room niya after 2 hours from now, since we will still be conducting an MRI scan para masigurado na wala nang bleeding sa ulo niya. Maiwan ko na kayo."
"Salamat kumpadre, salamat sa pagsasagip sa anak ko." Maluha-luhang sabi ni tito sa doktor.
Halos hindi muna kami nakapagsalita or makapagkibo man lang, lahat kami na napako sa kinatatayuan namin, pinoprocess ang lahat ng sinabi ng doktor. Still a worse scenario will be coming after that operation? Kahit successful ang operasyon hindi pa rin pala ligtas si Anya.
"Mabuti pang umuwi ka muna Mj at icheck mo si Crixus, baka hindi pa yon natutulog. Kumuha ka na rin ng mga gamit ni Anya tsaka mga damit ko para ako na ang magbantay dito." Sambit ni tito kay Mj. "Ma umuwi ka na rin, alam kong hinahanap ka na ni Crixus." "No pa, magbabantay ako kay Anya until na magising siya. Gusto kong makita ang anak ko na magisin, gusto kong ako ang una niyang makita."pakikiusap ni tita.
"Ma, kailangan mo ring magpahinga, tsaka anak din natin si Crixus kaiilangan ka rin niya ngayon. Kailangan ni Crixus na may magpaliwanag sa kanya kung ano ang nangyari. Kukunin na lang kita bukas sa bahay, please ma." Pakiusap rin ni tito. Alam kong ayaw din ni tito na makita si tita ngayon dito, dahil nararamdaman ko na hindi niya kayang makita ang dalawa niyang pinakamamahal na babae na nagdurusa.
Mabuti na lang at napapayag si Tita para umuwi, sumabay na rin kami nila Ken at Karla sa pag-uwi. Until now na nasa sasakyan na kami nila Ken at Karla, wala pa ring nagsasalita sa aming tatlo. We still can't believe of what happened.
"Ano ba talaga ang nangyari Cha, bakit malapit sa condo ni Limuel nangyari ang aksidente?" pagtatanong sa kin ni Karla.
Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko kaya napahagulgul na rin ako sa kotse, mabuti na lang at si Ken ang namamaneho ng sasakyan ko. "I am so mad about myself now, I am the cause kung bakit naglasing si Anya eh." Tinatapik tapik rin ni Ken ang shoulders ko para patahanin ako. "Besh, wala ka namang kasalan eh, you just did the right thing. Si Limuel ang dapat sisihin sa lahat. Kung hindi siya nagtaksil hindi sana to mangyayari. Puta talaga yang mga lalaki eh, hindi makuntento sa isang putahe lang."
"Kung hindi ko hinayaang mag-isa si Anya, hindi sana to mangyayari. Hindi ko na sana siya sinama sa pagcoconfront kay Limuel."
"Besh, tama na. I am sorry, hindi ko naman alam ang lahat eh. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. What we need to do is to pray for her. I know Anya is so brave kaya gagaling siya, okay". Niyakap naman ako ni Karla sa likod. "Thanks, Karla, Ken."
Pagdating ko sa bahay, napahiga agad ako sa sofa. Minamasdan ko lang ang ceiling, naaalala ko pa kung ano ang mga nakita namin ni Anya sa condo ni Limuel. Kung pano madurog si Anya sa harapan ni Limuel. Kung paano siya mamaalam kanina bago kami naghiwalay. Ang tanga tanga ko, bakit ko siya hinayaang mag-isa. Bigla namang tumunog ang cellphone ko habang nakatingala pa rin ako. Nakita kong si Limuel ang tumatawag.
"Bat ka pa tumatawag Limuel, iniwan ka na rin ba ng kahayupak mo kaya wala kang maka-usap?", panggagaliit kong sagot. Naririnig ko pang humihikbi si Limuel dulot ng paghihinagpis.
"Hindi ko sinasadya Cha, natukso lang ako. Hindi ko kayang mawala si Anya."
"Huwag kang pa-inosente Limuel. Alam ko na Alam mo na masasaktan si Anya, eh kahit sinong babae masasaktan talaga sa ginawa mo. Ayoko nang makipag-usap sayo Limuel. Our friendship ended when you started cheating Anya. Parang kapatid ko na rin si Anya, hindi ko makakayanang nakikita siyang nasasaktan."
Hindi na nakapagsalita si Limuel tanging paghikbi lang niya ang aming naririnig. To be honest hindi ko rin naman makakayanang tiisin si Limuel eh, fiance siya ni Anya at higit pa dun magpinsan kami. Hindi ko rin pwedeng pabayaan si Limuel dahil kami lang ang kapamilya niya rito sa Pinas. Bigla naman siyang napatahimik at nagsalita.
"Pwede ba tayong magkita bukas Cha, kahit saglit lang may ibibigay lang ako sayo." Natagalan akong magsalita, dulot siguro ng galit ko sa kanya kaya nagdadalawang isip ako na makipagkita sa kanya. Pero sa huli pumayag din ako para naman makapag explain si Limuel.
******************************************
Sabaw ba ang chapter na to? OO sabaw nga, sorry na. Promise sa next chapter puro laman na.
BINABASA MO ANG
I remember the Boy
General FictionThis is a story of a woman who accepted the fact na hindi na siya babalikan ng one great love niya. A story full of hope, of moving on and looking at the past as an experience that should never be happening again.