THANKS FOR THE READ GUYS. PLEASE SPREAD THE LOVE WITH YOUR FRIENDS AND PLEASE DO NOT HESITATE TO COMMENT BELOW. WILL APPRECIATE YOUR THOUGHTS ABOUT THE STORY. HUWAG MAHIYANG MAG COMMENT MGA BESH PARA ALAM NI AUTHOR KUNG ANONG DAPAT PANG GAWIN.
LOVE, LOVE, LOVE!!! ~~ SEXY AUTHOR ✧ (≖ ‿ ≖)✧
*******************************************************************************
"Babe, uuwi na ako ngayong Sabado. May surprise ako sayo, I can't wait to see you". Ani ni Limuel ng nagskype kami isang araw. Ako naman super kilig, super excited, ikaw ba naman ang minsan lang makapiling ang love of your life mo, di ka kaya manigas sa excitement.
"Super excited na ako babe na makita ka. Alam mo marami akong ikikwento sayo. Ano bang surpresa mo?"
"Kaya nga surprise babe, eh. Ikaw talaga di ka makapaghintay, gusto mo lagi akong nabubuko. Hintayin mo na lang ako sa bahay niyo ha, please cancel all your schedules for that day"
"Sure babe, I love you".
"Me, too". May bigla akong nakita sa likod nya, I am not sure kung babae ba yun or katrabaho niya lang. Narinig ko pa yung tinawag ang pangalan niya. "Sino yun babe, katrabaho mo ba yun?". Bigla siyang nataranta.
"Ah, yun, wala yun. Oo katrabaho ko, nag sleep over kasi sila dito. Sige babe, next time na lang, inaantuk na rin ako eh." "Ganun ba, sige babe, goodnight."
Pero di pa rin maalis sa isip ko kung sino yung babae. Kung sleep over lang yun bakit parang sila lang ang nandun. Hindi naman maingay, parang walang ibang tao sa bahay nila. "Tama na nga yan Anya, wag kang mag-iisip ng masama sa boyfriend mo. Trust him as he does to you. Hindi ka lolokohin ni Limuel. Ilang taon na kayong nagsasama, wag ngayon. Lord naman wag po sanang magkatotoo ang mga hinala ko. Insecure at selosang girlfriend lang po talaga ako."
Thursday na pero feeling ko parang isang taon na akong naghihintay kay Limuel. Ganito nga siguro kung excited ang tao, halos di ka na makatulog, di makakain, hindi nakakapag-isip ng matino.Pati nga si mama hindi ko na masagot ng diretso kanina. Nagalit pa sa akin ang kuya ko kasi mali raw ang nabili kong Polo.
Buti na lang at niyaya ako ni Charity sa walang kamatayang shopping galore niya. Kahit nga magkasama kami parang lutang pa rin ang isip ko. Di na ko makapaghintay ng isa pang araw. Parang wala akong naririnig, alam mo yung feeling na nakatitig ka lang sa pictures niyong dalawa, tapos nakasmile ka pero wala ka namang kausap.
"Besh, sa tingin mo bagay ba to para sa night party", tanong sa kin ni Charity. Pero wala epek eh, tulala pa rin ako.
"Besh, besh!!!".Sinisigawan na pala ako ni Charity at kitang kita sa mukha niya na inis na inis na siya sakin. "Oh, bakit?" Biglang nadismaya si Charity sa tanong ko.Eh di ko marinig boses niya eh, ikaw ba naman mainlove, tingnan natin.
"Ano ba yan besh, para rin namang di kita kasama dito". Magkikita rin kayo ni Limuel, wag sobrang excited baka madismaya ka lang. Baka indianin ka naman nun tulad ng last month. Sabi niya uuwi siya pero hindi naman pala makakarating kasi may emergency sa office."
"Huwag nega besh, ha. Darating yun. Tsaka don't be bitter okay. Bagay sayo yang dress na yan. Kaya kung mamarapatin niyo po Princess Sarah, paki dalian na po kasi gutom na gutom na ako."
Hay, the long wait is over. Oh, yes,yes, yes. Sabado na nga ngayon!! And you know what's coming? My one and only Limuel Penaflor. My ever supportive, loving, caring, macho gwapito, the angel that fell from heaven to conquer my world.
Di na nga ako nakatulog nang maayos kagabi sa kakaisip sa kanya. Di ko alam kung ano ba ang susuutin ko, kung anong make-up do ang gagawin ko. Kung anong food ang ihahanda ko. I just do not know what to do. Pasalamat na lang ako kay mama, siya na kasi ang naghanda ng lahat.
BINABASA MO ANG
I remember the Boy
General FictionThis is a story of a woman who accepted the fact na hindi na siya babalikan ng one great love niya. A story full of hope, of moving on and looking at the past as an experience that should never be happening again.