Pssstt, oo ikaw. Comment naman jan kahit isa lang. Ano okay pa ba ang binabasa mo o gusto mong may idadagdag sa scenes. NO Problemo, just tell me through comments. I'll be waiting.
*****************************************************************************************
Charity's POV:
Gusto kong kumprontahin si Limuel kung siya ba talaga ang nakita nina Ken at Karla kahapon. Pero di ko naman makitaan nang oras si Limuel, ng tinawagan ko siya kahapon pagkatapos ng meeting namin. Sinabi niya lang na meron pa siyang appointment sa isa pang kliyente.
I care about Anya, she is like a sister to me and I don't want her to be hurt. Ayoko na pinamumukha siyang tanga, lalo pa ngayon na masaya siya kasi ikakasal na sila in 5 months. Isang taon na rin ang nakalipas nang ngpropose si Limuel kay Anya. I know it is not his responsibility to take charge of what should be done in the wedding kasi pinaki-usap na rin ni Anya na siya lang ang magaasikaso nang lahat. Pero ano ba naman yung konting tulong lang ang iaabot niya. Kahit man lang tumulong siya sa invitation o kaya naman tumulong siya kung ano ang makakaya niya, pero wala eh. Lagi siyang nasa trabaho. Kung hindi busy sa trabaho nasa out of town naman kasama ang kanyang barkada.
I don't want to tell Anya of what Ken and Karla saw that day pero hindi rin kaya ng konsensya ko. So I told her about it pero hindi siya naniwala kasi naman ang galing magpa-ikot ni Limuel. Inlove talaga si Anya sa kanya kaya pati ako hindi na niya pinaniniwalaan.
Tinawagan pa ni Anya si Limuel the same day pero sabi raw ni Limuel may meeting siya with a client. Siyempre nagalit si Anya sakin. She said na nagseselos daw ako sa kanya kasi ikakasal na ako.
"I thought you are my friend, Cha naman wag ngayon. I know that you cared for me, pero kilala ko si Limuel. Hindi niya magagawang magtaksil sa akin."
Nasaktan ako sa sinabi ni Anya, feeling ko wala na siyang trust sa akin. Kaya naisipan kong dumalaw na lang sa branch location kung saan siya naassign sinama ko na rin si Anya. Sabi ko lang sa kanya, pinapupunta kami ni Limuel kasi may sasabihin siya tungkol sa wedding. Gusto pa nga niyang tawagan si Limuel para iconfirm kung totoo nga, pero napigilan ko rin siya. Sa una ayaw niyang sumama kasi nga ayaw niyang maisturbo si Limuel sa trabaho. Pero pumayag na rin siya kasi gusto rin niyang surpresahin si Limuel, ilang buwan na rin kasi silang hindi nagkikita. It was Sunday kaya sigurado ako na wala siyang pasok. Dumiretso na kami sa condo niya.
Nang binuksan niya ang pinto, nakita namin na nakatapis lang siya. Pawisan pa ang kanyang katawan. Baka galing sa gym o di kaya home excercise kasi Sunday naman diba, walang malisya.
Nang nakita ni Limuel kung sino ang nasa pinto mukha siyang nagulat. Para siyang natameme, hindi nakagalaw, litong lito siya. Samantalang si Anya naman ang ngiti abot tenga. Niyakap ni Anya si Limuel ng mahigpit pero si Limuel ganun pa rin gulat na gulat.
"Did I surprise you, babe?". Ani ni Anya. "Sabi kasi ni Cha may sasabihin ka raw tungkol sa wedding natin."
Sinundan ako ng titig ni Limuel, waring sinasabi niya na "wala naman akong sinabing ganun ah." Bago pa si Limuel nakapagsalita may narinig kaming babae sa likuran niya.
"Hon, who's that?"
Biglang lumaki ang mga mata ni Anya, ang tagal niyang naproseso ang mga pangyayari. Napabaklas siya sa pagkakayakap niya kay Limuel. Hindi niya maitanggal ang mga titig niya sa babaeng nakatapis lang din.
Anya's POV:
Namataan ko na may babae sa likuran namin.
"Hon, who's that?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
I remember the Boy
General FictionThis is a story of a woman who accepted the fact na hindi na siya babalikan ng one great love niya. A story full of hope, of moving on and looking at the past as an experience that should never be happening again.