What I have done

100 0 0
                                    

Happy new year to you all lovely readers. Thanks for the reads and hopefully this year makakatanggap na ako ng comments niyo. Wether it will be bad or good I will accept it. Ika nga nila, thoughts of everyone will make you better.  Enjoy!!

********************************************************************************************

Limuel's POV:

Alam ko na malaki ang kasalanan ko kay Anya at sa lahat ng nagmamahal sa kanya. Hindi ko rin alam bat ko nagawa kay Anya na lokohin siya. OO gago ako, stupido, sinayang ko ang pagmamahal ni Anya sa kin. Alam ko walang kapatawaran ang ginawa ko kay Anya. Alam ko rin na hindi na niya ko tatanggapin kahit kailan. Umalis na rin si Daniella sa condo ko pagkatapos ng lahat.

Katrabaho ko si Daniella, isa siya sa mga HR ng kumpanya. Nang mga panahon na magkalayo kami ni Anya siya lang ang lagi kong nakakasama. Mabuti siyang kaibigan, siya lang din ang nakakaintindi sa akin. Halos pareho kami ng gusto kaya nga siguro nahumaling ako kay Daniella. Hindi rin naman siya mahirap mahalin, nakita ko sa kanya si Anya. Malambing, maaalalahanin at mapagmahal. Dahil na rin sa tuksuhan sa opisina kaya na-udyok ako sa kasalanan.

Wala akong maisip na iba kundi si Anya pagkatapos nang mga nangyari. Alam kong nasaktan ng sobra si Anya at sinisisi ko ang sarili ko. Nakatulala lang ako sa sofa ng condo, wala akong magawa. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Anya ang tumatawag. Nabuhayan ako ng loob, magmamakaawa ako kay Anya, sasabihin ko sa kanya ang lahat. Magtatapat ako sa kanya, ayaw ko siyang mawala sa kin. Mahal na mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat bumalik lang si Anya.

Nang sinagot ko ang telepono alam ko na nagmamaneho siya at mukhang lasing na lasing. Noon ko lang narinig si Anya na lasing, alam kong hindi siya umiinom. Kaya nag-alala ako. Umiiyak siya habang sumisigaw sa kabilang linya. Tinatanong ko siya kung nasaan siya para puntahan ko pero hindi niya ko sinasagot ng maayos. At may karapatan siya ron dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit nagkaganun siya. Narinig kong sumigaw si Anya at parang may nagbanggaan. Wala na akong marinig na kahit ano sa kabilang linya. Alam ko na hindi pa napuputol ang linya. Mabuti na lang at on ang GPS ng telepono ni Anya kaya dali-dali kong pinuntahan kung nasaan siya.

Malayo pa lang ako pero may rumaragasa nang ambulansya sa likod ko. Bigla akong kinutuban sa mga pangyayari. Malayo pa lang ako sa pinangyarihan ng aksidente pero natatanaw kona na parang kotse ni Anya ang nakataob sa kalsada. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko nang huminto ako sa pinangyarihan. Nakita ko si Anya sa kotse niya, walang malay.

Akma na sana akong lumapit sa kanya pero pinigilan ako ng pulis. “Fiancee ko ang nasa kotse, pabayaan niyo ko.” Pasigaw ko sa pulis. “Sir hindi po pwede, maghintay na lang po tayo na mai-alis ng medic ang biktima”.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Kasalanan ko ang lahat. Bakit siya pa, walang kasalanan si Anya. Ako na lang sana ang pinarusahan. Nakita kong gumalaw ang ulo ni Anya, alam kong buhay siya. “Anya!! Gumising ka, wag mo akong iiwan.”

Nakuha rin ng medic si Anya sa kotse niya at dinala na agad sa ospital. Sumabay na ako sa ambulansya,hindi ko makakayanang mawala si Anya sakin. Hawak-hawak ko ang kanyang kamay habang nasa ambulansya kami.

“Anya, wag mo kong iiwan, alam ko kasalanan ko ang lahat. Please hindi ko matatanggap kung mawawala ka. I am so sorry Anya, I am sorry."

Walang ibang salita ang lumalabas sa bibig ko kundi ang magmakaawa sa kanya. Wala pa rin siyang malay. Tinawagan ko na rin sina tita para malaman kung ano ang nangyari. Alam kong hindi matatanggap ng pamilya niya kung ano ang nangyari. Tatanggapin ko ang lahat, kasalanan ko kung ano ang nangyari kay Anya. Kahit ipagtabuyan pa nila ako, hindi ako aalis sa tabi niya.

Nang nakarating kami sa ospital dinala agad si Anya sa ER. Pagkatapos ng ilang sandali dumating na rin ang pamilya ni Anya at ang ang matatalik niyang kaibigan. Pagkakita ko kay tita bakas na sa kanya ang pag-alala at gulong gulo siya kung ano ang nangyari.

"Ano ba talaga ang nangyari Lim, ba't naaksidente si Anya. Bakit kayo magkasama, sa pagkakaalam ko next week ka pa dadalaw." pag-iimbistiga ng nanay ni Anya sa akin.

Hindi ako makasagot sa mga tanong niya. Pero hindi ko rin naman matatago kung ano ang tunay na nangyari. Akma ko na sanang ipagtapat ang lahat sa pamilya ni Anya kung ano ang nangyari pero nauna nang nagsalita si Charity. Umiiyak na rin siya at waring hindi alam makapaniwala sa nangyari.

"It was my fault tita, I forced Anya to go with me para pumunta sa condo ni Limuel. I didn't expect na mangyayari to. I am so sorry." hawak hawak ni Charity ang kamay ng nanay ni Anya.

Gulong gulo si tita kung ano ang pinagsasabi ni Charity. I know it was my time to speak about the truth.

"No Charity." Maiyak-iyak na rin ako dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Ako ang may kasalanan bakit naaksidente si Anya. Kung hindi ako gago hindi siya magiging ganito."

Galit na rin si Mj sa kin. "Ano ba talaga ang nangyari Limuel, may pinag-awayan ba kayo ni Anya?"

"Nakita niya ako na may ibang babae sa condo". Halos hindi ako makatingin sa kanilang lahat. Ang kaninang napupuno ng hagulgul na hallway ay napalitan ng katahimikan. Lahat sila ay hindi makapagsalita,hindi nila matanto kung ano ang mga nangyayari.

"I am so sorry tita, I never meant to that to your daughter. Alam ko pong naging gago ako, I am not fit for your daughter. Hindi ko po sinasadya, natukso po ako sa katrabaho ko kaya nagawa kong pagtaksilan si Anya. I am sorry"

Binitawan ni tita ang mga kamay ko. Nakita kong nanlisik ang mga mata ni tito sa akin, pero kalma pa rin siya sa nangyari. Inaalalayan niya lang ang asawa niya. Nagulat ako nang bigla akong suntokin ni Mj, napa-upo ako sa sahig ng hallway dulot ng impact ng suntok niya. I know I deserved it, inawat siya ni Ken para hindi na makapanakit pa sa kin.

"Walang hiya ka Limuel, pinagkatiwala namin si Anya sayo. Bakit mo to ginawa. Alam mo bang walang ibang bukang bibig si Anya kundi yang lintik niyong kasal. Alam mo ba kung gano siya kasaya kung pinaguusapan yang kasal niyo, tapos ikaw. Ano ha, ito ang isusukli mo sa kanya. Ikaw na sana ang nasagasaan para ikaw ang mamatay, lintik ka Limuel. Umalis ka na dito sa ospital na to ngayon din, kung hindi magkakamatayan tayo, dito mismo." Pabulayaw na sabi sa akin ni Mj, hindi ko siya masisisi sa nararamdaman niya. Pero ayaw kong iwan si Anya na ganito.

Lumuhod ako sa tapat ng magulang ni Anya para magmakaawa. "Please po tita, tito nagmamakaawa po ako sa inyo huwag niyo po akong iwalay kay Anya. Gusto ko po siyang bantayan, ayoko pong may mangyari sa kanya. Please po."

"Umalis ka na Limuel, bago pa mawala ang kakaunting respeto ko sayo." Siwalat ng ama ni Anya. "Makakabuting huwag ka ng magpakita pa sa anak ko. Tama na ang minsan mo siyang nasaktan. Umalis ka na baka ako pa ang bumugbog sayo."

Alam kong hindi na nila ako matatanggap pa. Kahit ayoko  pang iwan si Anya pero wala akong magawa. Umalis ako hindi dahil sa mga sinabi ng pamilya ni Anya kundi gusto kong tanggapin na wala na nga sigurong "KAMI". Tinapos ko ang kung ano ang meron kami ni Anya nang mahumaling ako sa iba.

I was so devastated that night, pagkarating ko sa sasakyan para akong bata na iniwan ng magulang sa kalsada. Naramdaman ko na akoy nag-iisa na lang dito sa mundo. Naalala ko ang mga masasayang alaala namin ni Anya. Kung pano siya maglambing sa kin, kung pano niya ako alagaan nang nagkasakit ako. Napagtanto ko na si Anya lang ang buhay ko pero binalewala ko lang siya.

I remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon