Chapter 1

36 7 0
                                    

Zee's pov

"Etzi, nasaan ka na bang babaita ka? Nag -aalburuto na rito si fafa Rick mo.  Naku...ahy!"         inilayo ko na lang ang cp ko mula sa tainga ko sa lakas ng boses ni Pearl. May shoot kasi kami ng 10:00 am tapos 10:30 na hindi pa rin nakakausad itong jeep na sinasakyan ko. Nag cocomute lang kasi ako papuntang trabaho. At Oo wala akong ginagamit na kotse. Ayoko lang. Mas prefer ko mag jeep, tricycle,bus o tren . Minsan nga nakikisakay lang ako sa motor ng kapitbahay ko.

"Pedro kasi,eh. Alam mo namang traffic sa Edsa. Saka maya kana tumawag ang ingay dito sa jeep,eh . Maraming pasahero. Ba-bye na."   

Hindi ko na hinintay na makasagot siya at binaba ko na ang telepono kong Nokia na keypad. Mabuti pa to kasi kahit ilang beses ko nang nailaglag okay pa rin. Ang init-init din nitong cover up ko para di ako makilala ng mga tao. Kundi pag pipyestahan na naman ako. naka cap ako ,shades at mask tapos simpleng fitted jeans na pinaresan ko ng isang malaking jacket at naka flat converse shoes. Pinagtitinginan na nga ako ng iba dahil sa suot ko. Sino ba kasing magsusuot ng ganito eh tirik na tirik ang araw...well ako lang naman.

After 20 minutes na kalbaryo sa loob ng jeep ay nakarating na rin ako sa wakas sa MBM Interprise. Sa 10th floor ang deretso ko dahil nandoon ang set namin para sa shooting. May clothing line din kasi ang kompanya at iyong bagong product nilang mga damit ang imomodel ko. Nasa labas pa lang ako ng set eh dinig na dinig ko na ng sigawan nila sa loob. Malamang si Sir Gurang na naman yung nagwawala. Matapos kasi yung insidente sa bahay ay palagi na lang niya akong pinapahirapan. Ang daming nakatambak na trabaho para sa'kin. Lagi din niya akong sinisigawan eh kesyo di raw maayos ang pag momodel ko.  Pero balewala na lang yun sakin kesa naman mawalan ako ng trabaho. Ang dami kong pinapakain kaya di pwedeng tumigil ako. Worth it naman yung 10k kong sweldo kada araw. Sa gilid na ako dumaan at una kong nilapitan si Pearl na sobrang taranta.

"Pearl, sorry na late ako. Sobrang traffic kasi kanina,eh."
"Naku, babaita ka. Kami ang mawawalan ng trabaho dahil sayo,eh. Kanina pa nagwawala iyang amo natin.Bat di ka nalang kasi mag kotse para mas madali. "    Namomroblemang saad ni Pearl

"Sorry talaga. Ngayon lang naman,eh .Oa niya masyado maka react."       saad ko

"So nandito na pala ang dakilang late.! How unprofessional!"     sabat naman ni gurang na papalapit sa'min ni Pearl.

"Sorry for the inconvinience,Sir. Na traffic po kasi ako kanina kaya na late po ako. Nag jeep lang po kasi ako kaya..."
"What did you say?"    putol miya sa'kin  "You ride a what?"   matigas niyang sabi.

"Jeepney po,sir. Nag cocommute lang po kasi ako..."
"Stop. Magbihis ka na at magsisimula na tayo after 20 minutes.I'm sure naiinitan ka na dyan sa suot mo.  Pakilakasan ang aircon para di mainitan si Ms. Zee .And Ella.." tawag nito sa sekretarya niya.   "Tawagan mo ang isang driver natin sa kompanya at ipadala mo ang isang van na gagamitin ni Ms. Zee para hindi na siya mag commute. "         "Yes, Sir."   sagot  naman ni Ella at hinalukay ang kanyang cellphone.  Agad namang nagsibalik sa trabaho ang mga crew at dinala na rin ako ni Pearl sa dressing room.

"Anyare dun? Bilis magbago ng mood. Kanina lang halos kumain n siya ng tao ngayon biglang kakalma."
takang tanong ko kina Pearl at sa ibang kasama namin sa dressing room.

"Hayy, buti na lang talaga dumating ka na Ms.Zee . Kulang na lang talaga ipahanap ka ni sir sa mga police dahil baka ano na raw ang nangyari sayo. At si Pearl talaga ang napag-initan niya kasi siya raw ang manager mo at dapat na kasama mo siya lageh."      saad ni Janice, isa sa make up artist ko. Binalingan ko naman si Pearl na kanina pa walang imik at nagtatagis ang bagang. Hayy..

"Pearl, sorry na naman,oh. Nang dahil sakin napagalitan ka na naman. Promise sa susunod madaling araw pa lang pupunta na ako rito para di na ko abutan ng traffic. Sorry na please.."        ayoko talaga kapag hi di niya ako kinikibo. Parang  ang sama-sama ko kasi ako na naman ang dahilan kung bakit siya napapagalitan.
"Ikaw naman kasi eh...."    hala, naku umiyak na siya. Niyakap ko na lang siya kasi naiiyak na rin ako. nakokonsensya na talaga ako
"Sorry na, Pedro . Wag ka naman umiyak,oh."    pag aalo ko sa kaniya.

"Hindi naman ako galit sayo dahil napagalitan ako ni sir,eh. Nag-alala lang ako . Akala ko kung ano na nangyari sayong baklita ka. Kaloka ka talaga."   madra.ang sabi ni Pearl.

"Eh, di ba tinawagan naman kita."  
"Pano ba naman kasi ms.Zee, kung maka react ba naman si sir akala mo naaksidente ka na . Eh nagwawala pa nga at sinasabing kapag may nagyaring masama sayo kaming kahat mananagot lalo na tong si Pearl kesyo di ka raw binabantayan."           nakangising sabat naman ni Janice. Pala sabat talaga itong babaeng toh.

"Oa niya nga pagdating sayo. Naku, nabihag na ata yun sa kamandag mo ghurl. Nag-uumapaw yung pagka concern sayo."      maarteng sabat naman ni Chloe, isa sa mga baklang kasamahan ko.  Close ako sa kanila at arang pamilya na kaming samahan.

"Baka naman ganyan lang si Sir sa mga empleyado niya. Atsaka gurang na yun kaya siguro mainitin ang ulo at bipolar. "      sabi ko sa kanila sabay upo para masimulan na nila ang mke up ko.
"Sayo lang naman siya ganiyan,eh. Atsaka napansin ko rin, matapos nung na issue kayo ay palagi na siyang nanonood ng photo shoots mo. Present siya palagi. Tapos kahit late ka na binibigyan ka pa ng 20 minutes para makapagpahinga. Oh,diba. Ang sweet niya. Sigurado ka bang wala kayong relasyon?"     mahabang litanya ni Chloe na siyang ikinatawa namin ni Pearl.   

"hahaha..naku, iyang alaga ko at si fafa Rick?   May relasyon? haha...Ewan ko ba sa dalawang yan at daig pa si Tom and Jerry pag nagkaharap. Naku, mababasag talaga eardrums niyo kakasigaw ni sir."      natatawang sabi ni Pearl.

"Eh, sa pikon siya. Palibhasa gurang na. Kaya siguro hindi pa yan nag-aasawa dahil walang makatiis sa ugali niya."   nakabusangot kong sabi.

"Hayy, naku. Nakahanap na talaga ng katapat iyang amo natin. "  
nabigla naman kami ng biglang sumabat si Ella. Ang sekretarya ni Sir. Gurang...patayy

" Ha? Ah..ehh..hiji..."      napakagat labi na lang ako at nag peace sign kay Ella.
"Haha..don't worry. Hindi niyo ako kalaban. Masaya nga ako at may nakakalaban na dyan kay sir. Tiklop kasi kami sa kanya.  Pinapatawag ka na nga pala dahil magsisimula na.Halina kayo. "          masiglang sabi ni Ella..whew..kinabahan ako dun,ah.

"That Brat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon