Chapter 13

17 1 0
                                    

Pumunta di Zee sa mansiyon ng may-ari ng isla na si Don George. Nais niya itong kausapin para sana ay mapigilan ang pagbenta nitong isla ngunit ibang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya.

"Well, well,well. Nandito pala ang dakilang gold digger?"    malditang saad ni Lexi.

"Hello,Lexi!"    malumanay niyang bati at nginitian ito."Anong ginagawa mo rito?"  

"Hmm...just doing business. Since AKO na ang new face ng company , syempre, kailangan kong ipangalandakan ang mukha ng kompanya."   maarteng saad niya at may malking ngiti sa labi na animoy nagmamayabang.

"Ohs? I thought pagmo-model lang ang trabaho mo. Pati na rin pala maging buntot ng CEO. Nice! Keep it up,Lex. Baka iincrease ni Avie ang sweldo mo."    sarkastikong saad ni Zee.  Akmang sasagot na sana si Lexi nang lagpasan niya ito at tinawag ang matandang may-ari ng isla.

"Mang George!"  tawag ng dalaga

"Oh, Bella. Ano't naparito ka? Hindi ka ba sumama sa Nanay at Tatay mo sa bayan?"    tanong ng matanda at sinalubong siya ng yakap.

Sobrang close nila ni Don George lalo pa't wala itong anak na babae.

"Nandun po sila sa bayan kasama ang Mama ko po. Ikaw po kasi talaga ang sinadya ko rito ,Mang George."    nahihiyang tugon ng dalaga.

"Tungkol sa pagbebenta ng isla ang sadya mo,ano? "   nakangising tanong ng matanda

"Ah, eh..opo sana Mang George. May i ask kung bakit kailangang ibenta itong isla?" 

Napailing na lang ang matanda at pilit na ngumiti.

"Kukunin na ako ng anak ko,Bella. Doon na ako mananatili sa Amerika at doon ko na lang hihintayin ang kamatayan ko. Alam mo namang  hindi na ako magtatagal diba."

Medyo may katandaan na si Don George at mag-isa lang itong naninirahan sa isla. Nasa Amerika kasi ang mga anak nito at dito sa isla niya nakilala ang yumaong asawa.

"Aware naman kayo sa gagawin niya dito sa isla diba? Sa plano niyang pagpapaalis ng mga tao rito?"   seryosong tanong ng dalaga.
Mukhang nagulat naman ang matanda sa narinig at napayuko ito .

"He doesn't need to know what i'm going to do with this island."    isang baritonong boses ang nagpalingon sa kanila.
"I already paid half the price of the island at naihulog ko na iyon sa bank account ni Don George. Now all he need is sign the contract at tuluyan ko nang makukuha ang islang ito."  diretsong sabi ni Maverick.

"I have nothing against you buying
isla del Buada. Ang akin lang naman ay ang kapakanan ng mga taong naninirahan dito,Mr. Monteverde." 

"It's not my problem kung kinailangan nilang umalis sa islang ito. Napakalaki ng Pilipinas ,hindi sila mauubusan ng lugar na mapaglilipatan."   wika ni Maverick na ikinainis ni Zee. Pinakaayaw niya ay yung walang pakialam sa mga taong maari nilang maapakan.

"May i remind you na hindi katulad mo na mayaman ang mga tao rito. Habang pinaparami mo ang pera mo, tinatanggalan mo naman ng karapatan ang mga tao rito na manirahan sa lupang kanilang sinilangan. Habang pinapalago mo ang mga negosyo mo, sinisira mo naman ang natural na bigay ng kalikasan. Hindi mo nga problema ang paghahanap nila ng malilipatan, ikaw naman ang dahilan ng pagkawala ng kanilang tahanan. Did you ever consider that ,Mr. Maverick, before setting your plans for this island?"     mahabang litanya ng dalaga at walang kaemo-emosyon ang mukha.

"Hindi ko kasalanan kung hindi KAYO makaangat sa buhay, Ms. Zee. Kung hindi Kayo magsisikap hindi ninyo mararating ang kinaroroonan ko ngayon. Kung aalis sila sa islang ito, makapagbibigay ako ng trabaho sa maraming tao kapag naipatayo ko na ang resort ko rito."   kunot noong tugon ni Maverick.

"That Brat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon