Chapter 9

27 2 0
                                    

----MAVERICK---

Katulad ng sinabi ni Zee na may darating na malaking investment sa kompanya, nagkatotoo ito. I can't believe that Schy has finally decided to invest on my company.

"Ano bang nakain mo't nakapagdesisyon ka na rin sa wakas na mag invest sakin?"    manghang tanong ko. Kahit magkaibigan kami, wala kaming pakialamanan sa business ng isa't isa maliban na lang kung kinakailangan lalo na itong si Schy.

"Just accepting orders. I not the one who decided to invest on your company."       walang kabuhay-buhay niyang sabi.

"Sabihin mo, di mo lang ako matiis kaya ka nag-invest. Damn, i love you too , Buddy!"   bungisngis kong sabi sa kanya na may halong pang-aasar.

" Tsk, talandi. Di tayo talo brad. Pasalamat ka may kapit ka sa taas."  
makahulugang sabi niya. "Nga pala, may ginaganap na selebrasyon ang kompanya kada taon tuwing sasapit ang ika-dalawampu't anim ng Hunyo. You , as the CEO of MBM corp. must be there. The brain of IOWA Corp. will also be there. You wouldn't want to miss the chance  on meeting the mastermind of our company's success."   dagdag niya.

"Heck yeah. I'll absolutely be there. " 
"How are you and that model by the way?"      singit pa niya.

"Wala na yun, katulad parin ng dati. No strings attached."    kaswal kong sabi.

"I see."   he said at bahagyang nagtagis ang bagang niya. Galit ba siya? Hindi ko na lang pinansin iyon.
"And by the way. Memorize our head's rules then our deal will be safe. "  may pinalidad sa boses niya.

Halos mapuknat na ang labi ko kakangisi. Hindi parin nagpo-proseso sa utak ko ang ginawang pagkipag negotiate ng IOWA Corp. sa akin. Everyone dreams to negotiate with the no.1 company in the business world. Ayon sa narinig ko, mula nang mag-merge ang Fernandez at Montealegre clan at nagtake-over ang nag-iisang tagapagmana nila ay mas lumago ang IOWA hindi lang sa Espanya at Pilipinas kundi all over the globe. No one knows kung sino ng tagapagmana nito dahil kahit kailan ay hindi ito nagpakita sa publiko. Tanging pamilya lang nito ang may nakakaalam sa tunay na katauhan nito.

Sabi pa nga ni Schy, ang mga CEO ng ibang kompanyang kasosyo nila ang tanging nakakakita sa misteryosong tagapagmana. And i cant wait to see that man. Kahit si Schy na siyang namamahala ng IOWA Corp. sa branch nila dito sa Manila ay tago rin ang impormasyon sa pinanggalingan niya.  I don't know but the head of IOWA Corp. seems to liked being mysterious. 

June 26, thats two days from now. And its been a week already since Zee decided to end her service on my company. Wala rin akong nabalitaang lumabas siya sa publiko o nag-endorse ng mga bagong products.  Alam kong maynangyari nung gabing iyon. Hindi man niya aminin saakin but the evidences that i've seen are enough para paniwalaan ang mga hinala ko.  Kaya nga rin siguro siya umalis. I shouldn't be thinking about her but it's frustrating me dahil kung bakit ba wala akong maalala pagkatapos kong lapitan siya sa cr ng club.

-------ZEE-----

Konti na lang talaga sasabog na akosa inis.

"Mama , i told you it's still not sure. "   frustrated kong sabi.

"Then why wont we figure it out! Go get dressed.  Geneva is expecting us by 10:00 am."  nakabungisngis niyang sabi sabay alis palabas ng kwarto ko.   "And don't wear jeans, darling. It's bad for the baby." 
dagdag niya at tuluyan na ngang lumabas.

Nakakainis, paano kung hindi naman ako buntis. I mean, i'm not feeling wierd naman and no strange cravings o pagsusuka. Medyo nadagdagan nga lang ang weight ko ng kaunti kasi kain-tulog lng ako rito. Baka sermon lang ang matanggap ko kapag kunti lng mg kinakain ko. Ayokong mag-expect dahil baka hindi naman pala totoo. But there's something inside me na naniniwalang may nabubuhay na sa sinapupunan ko.

Pumunta na kami ni Mama sa clinic ni Tita Geneva, isang kilalang gynecologist na bff ni Mama. At syempre sa kagustuhan niya, nagsuot lang ako ng isang red floral sundress na pinaresan ko lang ng flat sandals.

"Good morning, Cara. "    nakipag beso naman si mama  "And good morning to you too, Bella."  bati ni tita Geneve sakin.

"Hello tita!  Its been a year ng huli tayong magkita."     she's actually half filipino at marunong siyang managalog dahil sa Pilipinas siya ipinanganak. Siya nga rin ang nagpakilala sa Pilipinas sa akin. While Mama Cara, nakakaintindi siya ng tagalog pero hindi gaanong marunong managalog. Hindi ko na lang siya pinagsasalita kasi promise. Maiirita ka sa ka conyohan niya.

"Halina kayo't masimulan na natin ang test."     aya ni Tita kaya gumayak n rin kami sa laboratory.

Binigyan niya muna ako ng Pt kasi iyon ang gusto ni mama.

"Do i have to use this pt? I mean, may ibang paraan naman para malaman kung buntis ako o hindi diba?"  

"Oo. Pero iba pa rin kapag ikaw mismo ang unang makakaalam na magiging mommy ka na. "  nakangiting sabi ni tita.
"Promise, the feeling is epic! You really wont be able to express the hapoiness by words."    hslos tumili naman si mama.  Hayy. Ano pa bang magagawa ko eh dalawang nanay na ang nagsabi sakin.

Pumasok na ako sa banyo at pinatakan ng kaunting ihi ang test kit. Sabi nila pag two lines daw positive kaya naghintay ako na mapunan ng isa pang linya ang aparato. Nag timer pa talaga ako para accurate ang time ko. Pagkatingin ko sa resulta, sari-saring emosyon ang naramdaman ko.

NEGATIVE

Dissapointment, lungkot, dismayado. Alam kong dapat hindi ako umasa na buntis nga ako pero ba't ganun?
Lumabas ako mula sa banyo at sinikap kong makangiti kahit kaunti.
Isang excited na mukha ang bumungad sakin.

"So, how is it?"     tanong ni mama

"N-negative. I told you i'm not sure. I-im sorry ."    hindi ko napigilan ang pagpiyok ko. Niyakap na lang ako ni mama at tita. 

"It's okay,mija. I'm sorry if na pressure kita. I shouldn't have reacted that much. It's okay. Maybe motherhood is not yet for you."  pag-aalo ni mama while brushing my hair with her fingers.

"May pagkakataon talagang ganito,Bella. Are you sure na ayaw mong magsagawa ako ng test para makasigurado?"
"Huwag na tita. I've expected this will happen."

"Sige. Pero pag may naramdaman kang kakaiba sa katawan mo tawagan mo lang ako,okay."   saad naman ni tita.

"I will tita. Sorry sa abala."   
"Don't mind it. Kailan may hindi kayo magiging abala sa akin."

"Bueno, we'll take our keave now,mi amiga. I have to make bawi to mi hija."     sabi ni mama. Trying hard magsalita ng tagalog kahit bilang lang naman ang mga salitang alam niya.

"Eww. Pwede ka namang mag english na lang,Mama. Conyo mo."   natatawang sabi ko. Pinaningkitan naman niya ako.

"There's nothing wrong in trying, anakt. Nakakaingit kayo while speaking tagalog. "     hayy...walang future ang mama ko sa tagalog pati anak,  anakt ang pagkakabigkas.

"Wag na , Mama. Nakakairita ka pakinggan. And its nakakainggit not nakakaingit!" 
"Fine, its you na magaleng."   she said with a grumpy face. Haha. conyo kasi siya at slang magsalita. Nakakatawa pakinggan at the same time nakakainis kasi mali-mali naman.

Gusto kong burahin sa isip ko ang nangyari kaninang umaga kaya nag shopping na lang kami ni Mama.

"Ma, i want to change my wardrobe na. Sumisikip na kasi ang mga pants ko."  
"Well then, we'll buy you a lot of dresses . I will be the one to pili your dresses ,ha. Even if you're a model you still don't have any sense of fashion.I'm sure Pearl is having a hard time handling you."     saad niya.

Grabe naman to. Mas komportable kasi ako sa pants at long sleeves di tulad ni Mama Cara na fashionista. Mula nung bata pa ako, i was never fond of fancy things. Gusto ko simple lang. Nakakapagod kaya maglibot ng mall. Napakamahal pa ng mga paninda, eh sa divisorya marami na akong mabibiling damit sa isang libo ko. Kasama na doon ang pagkain ko sa isang linggo.

Binilhan na rin ako ni Mama ng masusuot na dress sa gaganaping party ng kompanya. Just a black off shoulder fitted dress. Okay na sakin to kasi long sleeve siya. Simple pero elegante. Two days from now, makikita ko ulit siya. Hopefully,things would turn just the way it should be. Kagaya lang dati.

"That Brat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon