Prolouge

103 9 1
                                    

Zee's Pov

"Kailan ka ba tatandang babaita ka? Kalerkey ka ghurl..naee-stress ako sa'yo, ha. Naku, tatanda ako ng maaga sa'yong bakla ka!" maarteng bulyaw sa'kin ni Pearl, ang manager ko mula ng magsimula ako sa karera ko bilang modelo.

"Tumigil ka nga, Pedro. Eh, ano naman ngayon kung may issue na naman sila sa'kin? alam naman nating puro kasinungalingan ang lahat ng mga sinusulat ng mga pakialamerong mga reporters na iyan. Saka, dagdag sweldo na nila yan. Hayaan mo na."
kalmadong sagot ko sa kaniya

"Anong hayaan! Baklitang toh. Kalat na kalat na buong media na kasama mo ang isa sa pinakakilalang bussiness tycoon sa bansa. And take note, ha..sinasabi rin nilang nagsasama na kayo dahil ilang beses na kayong nakitang magkasama sa isang hotel."
mahabang litanya niya. Kulang na lang pumutok ang ugat niya sa leeg dahil sa kakasigaw.Buti na lang talaga at narito ako ngayon sa apartment ko. Di parin kasi ako makalabas dahil baka pagpyestahan na naman ako ng mga reporters. Ikaw ba naman ma issue sa isang bilyonaryong bussiness man.

"Eh, ano bang gagawin ko. Grabe naman kasi sila kung maka react, eh nagkataon lang naman na siya pala yung may-ari ng bagong kompanyang pinagtatrabahohan ko. Atsaka malay ko bang palagi kaming nag ko-cross ng landas.Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya ,eh."
naiinis na rin ako dahil kanina pa ako kinukulit nitong si Pearl. L
Kahit maldita itong baklitang toh, alam ko namang mahal ako nito. Kaya lang ang OA niya minsan. Pero pasalamat parin ako dahil nagkaroon ako ng instant bestfriend, mother, sister and protector.

"Mag-iingat ka kasi. Alam mo namang kunting kembot mo lang front page ka na. Tatanda na talaga ako sa'yo Etzi."
"Eh, sa matanda ka naman na talaga ,Pedro. Huwag mo na isisi sa'kin yan." pabiro kong sabi sa kanya

"Aba talaga...pasalamat ka't malaki ang kinikita ko dahil sa'yo. Kung hindi kanina ko pa kinalmot yang mukha mong baklita ka!" inis niyang sabi. But i know he wont do that.

"Hihi...alam ko namang mahal na mahal mo ako,eh. Pero kahit matanda ka na maganda ka pa rin naman,eh. Sayo yata ako nagmana."

Nakangising sabi ko sabay kalabit sa braso niya.

"Ayan, dyan ka magaling. Ang mambola. Kulang na lang talaga pwede mo na akong i dribble kakabola mo sakin."

Natawa na lang kaming dalawa sa sarili namin. Ganyan kami ng manager ko. We don't take nonsense issues seriously. Para saan pa eh wala naman kaming mapapala and after a few weeks or worst months ay lalamig na din yung mga issues at malilimutan na yun ng mga tao. Natigil lang ang pagtatawanan namin ni Pearl nang may kumatok. Though I'm not expecting any visitor today.

"Ako na magbubukas dahil baka mamaya kung sino pang paparatzi itong nasa labas. Dumugin ka pa nun." presenta ni Pearl. No one really knows na dito ako sa isang luma at hindi kilalang apartment nakatira. Ang alam nila ay sa isang 5 star hotel ako namamalagi kung saan nag krus ang landas namin ng lalaking boss ko pala na ngayo'y nalilink sa akin.

Pagbalik ni Pearl sa sala ay halos mapuknat ang kanyang mga labi sa laki ng kanyang ngisi at tagaktak pa ang pawis na parang galing sa isang marathon.

"Oh, bat kung makangiti ka para kang piranha. Sino ba yung kumatok?"
"M-magbihis ka dali. Magpaganda ka. Sige na bilis...!"
Medyo may pagkatarantang sabi ni Pearl

"Bakit ba? Anong meron? Sino ba kasi yung nasa labas?"
"Basta dali na. Magbihis ka na!" sabay tulak sakin papuntang kwarto. Ako naman si matigas ang ulo ay hindi nagpadala.

"Bakit nga kasi? Naiirita na ako sayong baklita ka,ha. Sabihin mo muna kung si..." di ko na natapos ang sasabihin ko nang may isang baritonong boses ang tumawag sa'kin.

"Ms. Zee Fernandez!"
"Yes, do i know you?" magalang kong sagot sa kanya. Naka gray tuxedo kasi siya, halatang isa itong businessman at sobrang elegante niyang tingnan. May dalawa namang lalaking nakabuntot sa kanya, i think nasa mga around 40s na yata.

"That Brat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon