Chapter 6

17 3 0
                                    

ZEE

Sinamahan na ako ni Pearl pauwi dahil siya raw ang pipili ng susuotin ko. Baka kasi raw pantulog ang isuot ko. Grabe siya diba. Pantalon at long sleeves lang naman ang sinusuot ko,ah. Hindi naman sa conservative ako, naging model nga ako diba, pero hindi ko lang type maging show off sa skin ko. Even my Mama Cara wants me to wear dresses but then, dahil matigas ang ulo ko, hindi ako nagpapigil sa kakapantalon at long sleeves.

"Ayan, desente ka na tingnan."    nakangiting sabi ni Pearl.
"Bakit, mas desente naman ang mga damit ko,ah. Eh,kulang na lang talaga maghubad na lang ako sa suot kong ito. Ang higpit pa."      reklamo ko.
"Ewan ko sayo. Pa'no ka ba naging model eh wala kang ka sense-sense sa fashion.  Marunong ka lang sa pagrampa ng mga damit di mo naman kayang panindigan."      malditang asik niya.

"Hindi naman pangit ang mga damit ko,ah. Tsaka komportable kasi isuot. Malaya akong makakagalaw nang hindi nabubusohan."    

"Gaga, feeling mo naman. Wala talagang mambuboso sayo dahil para kang manang sa suot mo. Dagdag mo pa ang buhok mong ilang taong hindi nasusuklay. Naayos lang yata iyan kapag may shoot."       nakapout lang ako dahil sa mga pinagsasasabi  niya. Eh, hindi ako komportable,eh. Pag ako nakita nina kuya na ganito ang suot naku talaga. Baka balutin ako ng kumot nun,wag lang maladlad itong hita ko. Pagsuutin ba naman ako ng isang black tube fitted dress na abot hanggang mid-thigh ko. Paresan pa ng killer heels na kulay black rin na 5 inches ang taas. Baka magka varicose veins pa ako nito ,boots at flat shoes or flat sandals naman talaga kasi ang nakasanayan ko. Matangkad naman ako kaya why bother wearing pumps.

Si Pearl na ang nagdrive at pinasabay niya talaga ako dahil baka mag commute na naman daw ako. Pero wala naman akong balak sirain itong get-up ko noh. Hindi naman nakakahiya kasi may maipagmamalaki din naman ako. Tsaka it's not my first time naman kasi of course, model ako. Natural lang na mag-suot ng ganito minsan.

LuxM III.  Iyan ang pangalan ng club.   Pagkapasok namin, agad na bumungad samin ang malakas na tugtugin at hiyawan ng karamihan na nasa loob. May iba pa na nagme make out at lantaran talaga ang landian. Naku, mga tao talaga. Masyado nang nagiging liberated. Hindi naman na bago sakin ito dahil minsan din nagpupunta kaming apat dito. Sa panahon nga ngayon malimit kanang makakita ng dalagang pilipina.

Umakyat na kami sa hagdan patungo sa second floor na pinareserve namin. Syempre  may kapit kaya nakuha namin ang buong floor. Makikita parin naman ang mga tao sa baba dahil nahaharangan naman ito ng isang transparent na glass at mahina na lang din ang mga maririnig na tugtug mula sa baba. Sinadya talaga ng may-ari para just in case kung may mahalagang pag-uusapan ay maririnig pa rin.

"Oh, andito na pala ang face of the company natin. Congratulations Ms. Zee."     maligayang bungas sakin ni Jhenna. Nagsibatian naman sakin ang iba kong katrabho.
"Ano ba kayo. Di na sana kayo nag-abala. Napagastos pa tuloy kayo. Hindi pa naman ako nakapag decide kung tatanggapin ko iyon,eh."  

"Okay lang. Saka bonding na din natin itong magkatrabaho. Diba guys."   nakangising sabi ni Chloe na agad namang sinang-ayunan ng iba. Mga around 20+ kami lahat sa modeling department. Magkakasundo kasi kaming lahat pati ang iba kong co-models maliban na lng sa tatlong clown na sina Lexi, Diane at Bea.   Speaking of the devil, taas noong naglakad ang tatlo patungo sa kinaroroonan namin. And guess what, kasama nila si gurang at ang clown #1 na si Lexi ay parang linta kung makakapit sa bisig ni Gurang. Napakalaki pa ng ngisi niya na parang timang lang.

"Hi guys. Sorry na late kami. Pwede bang maki join sa inyo? Kasama nga pala namin si Sir Maverick."       maarteng sabi niya.
"Halata nga. Para ka  ngang linta makakapit,eh."    mahinang sabat ni Chloe sabay irap. Pinaningkitan lang siya ng mata ni Lexi at mukhang may namumuong tensyon na kaya binasag ko na ang katahimikan.

"Sure. Don't worry treat ko na kayong lahat. Kaya order lang kayo guys,ah. Pa thank you ko na yan sa inyo."      sabi ko na may ngiti sa aking mga labi.

"No need. Ako na magbabayad sa bill. Since this is a celebration for your promotion."  Sabat naman ni Gurang . Seryoso parin ang mukha niya. Bat kaya ganun. Pag kami lang napaka moody. Iba't ibang expressions ang makikita mo sa mukha niya pero pag marami ang kasama namin palaging seryoso.

"Naku, wag na Po sir. Ako na po ang bahala sa bill. May pera naman po ako."     sabi ko ulit. Nakakahiya naman kasi party ko nga ito diba.

"No, i insist."  sabi na naman niya in a cold tone. Pikon.

" Ah- okay. Bahala kayo. Sige guys. Treat naman ni sir,eh. Order na tayo. Waiter.  "     

Nag-order ako ng marami. Libre naman eh. Medyo nakarami na nang inom ang iba at nagsibaba na para mag sayaw. Mga sampu na lang kaming narito sa kwarto kabilang na si Lexi na nagpapacute kay Gurang na hindi naman pinapansin ang babae sa kanyang tabi. Nandito pa rin sina Pearl, chloe at Janice pati na ang magkasintahang si Jhenna at Hubert. Kakapasok lang din ng dalawa pang clown sabay abot ng cookies kay Lexi na isinubo naman ng babae kay Gurang. Shit, mukhang may balak pa talagang magpalaspag ang bruha.

"Hoy, Zee. Dami mo namang inorder. Baka wala nang panggasolina iyang si Sir dahil sa laki ng bayarin niya dito."       nag-aalangan sabi ni Janice.

"Minsan lang naman kaya susulitin ko na. He insist daw,eh. Bahala siya."     nakangising sabi ko.  Hindi naman kasi ako kuripot lalo na't libre kaya go na.   

"Ewan ko sayong babaita ka. Parang pinaparusahan mo iyong tao."      paiiling-iling na sabi ni Pearl.

"Tsk. Sabihin mo kuripot ka talaga. Bakit? Selos ka dahil si Lexi ang kasama niya at hindi ikaw kaya pinahihirapan mo?"       pinaningkitan naman nila ako ng mata.

"Oyy,di naman noh. Libre na iyan aayawan ko pa? Minsan lang naman. Susulitin ko na lang.hihi"   nag peace sign na lang ako sa kanila.
Buti na lang tumahimik na sila.

----MAVERICK----

I've been keeping my eyes on her mula nang makita ko siya kanina. Damn, bakit ba ganyan ang suot niya.  Minsan napapatingin siya sa gawi namin at kapag nagkakasalubongan kami  ng tingin ay ngingiti lang siya at babaling na man sa mga kausap niya. Iniiwasan ba niya ako? Dang it. Kanina pa ako nangigigil sa suot niya. Kulang na lang maghubad siya. Ba't ba kasi gifted sa katawan ang babaeng ito. Every guy's gawking at her precious body. Nakakainis pa itong babaeng kanina pa nakakapit sakin. Daig pa ang tuko , ginawa pang drawing book ang mukha.

"Sir, inom ka muna oh. I ordered it for you."    alok ng babaeng katabi ko. Sa pagkakaalala ko Lexi ba pangalan niya..ugh letse!
"Sorry, but i'm not in the mood to drink."       i said in a cold tone.

"Sige na naman oh. Isa lang naman. Hindi ka naman malalasing dito."     pangungulit niya. Dang it, hindi ba siya nakakahalata na kanina pa ako naaalinsanganan sa pagmumukha niya.

"Salamat but no. Ayoko pa rin.Magda-drive pa ako pauwi. Mauna na ako."  akmang tatayo na ako nang higitin niya ang braso ko at pinaupo ulit. Dinidikit pa talaga niya ang dibdib niya sa braso ko. Parang ako lang ang kinikilabutan sa ginagawa ng babaeng ito.

"Sige na sir. Ako na lang maghahatid sayo. Kung gusto mo, pwede ring ako na mag-alaga sayo mamaya."      mapang-akit niyang sabi while tracing her fingers on my thighs.

Napansin kong tumayo si Zee at nagpaalam na pupuntang banyo kaya tinabig ko ang kamay ni Lexi. Inisang lagok ko lang ang tequila na binigay niya para tumigil na siya saka ako umalis. Niluwagan ko na ang tie ko at hinubad ang aking coat dahil nanginginit ang buong katawan ko. Malakas ang alcohol tolerance ko kaya nagtataka ako kung bakit parang nahihilo ako. Isang shot lang naman iyon,ah.    .

Pagkakita ko kay Zee ay agad ko na siyang nilapitan and then next is history.

"That Brat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon