사랑해 언니😍
Sofia's POV
"Sofia? Sofia?" Narinig kong bulong sakin ni Mommy habang nakapikit pa rin ang aking mga mata dahil antok antok pako. Kaaga naman kasi akong gisingin ni Mommy ngayon e.
"Hmmn?Po ? Bakit po?" tanong ko sa kanya habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.
" Nanjan si Angelica sa baba, nasaan kana daw ba? Maaga daw kayo aalis ngayon ." Sabi namn ni Mommy.
Maaga aalis? Ngayon?
Saan naman kami pupunta ngayon, at bakit ang aga aga naman ata??
"Hmmmn? Anong araw po ba ngayon Mi?"tanong ko naman kay Mommy dahil ngayong linggo uuwi si Miel yung isa pa naming kaibigan. Pero hindi ko alam ang araw ngayon e.
"March 17 2020.Hmn saan kayo pupunta ngayon ?" sagot naman ni mommy sa tanong ko.
At biglang nanlaki ang mga mata ko.
"oh shit ! Ngayon nga uuwi si Miel patay ako nito magagalit nanaman si Anghet sakin nito!"pasigaw ko namang sabi habang nag mamadaling tumayo.
"Huy yang bibig mo ah! Sigi nat bilisan mo ! Babaain ko muna si Anghet " Sabi naman ni Mommy at sinuway ang pag mumura ko.
"Sige po Mommy ! Pakisabi nalang kay Anghet na maliligo lang ako saglit!" pasigaw ko ng sabi dahil nasa bathroom na ako at naliligo na.
Narinig ko na ang pag sarado ng pintuan ko kaya nag tuloy tuloy nako sa paliligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng simpling sando white croptop at high waisted pants then white sneakers.
Tapos nagmadali na akong bumaba. Naglagay nalang din ako ng powder at liptint.
Habang pababa naman ako ay sinusuklay kona yung mahaba kong buhok at nag madaling hanapin si Anghet.
" Hay nako Sofia ! Nakalimutan mo no?" tanong na salubong naman sa akin ni Anghet habang kumakain ng pancake at umiinom ng gatas. At ganung din ang ginawa ko na sobrang nag mamadali. Baka kasi nasa airport na si Miel e .
"hehe oo e, sorry. Bilisan mo na at tara na !" sabi ko naman sa kanya kaya nagmabilis na din sya.
Nagmamadali kaming maglakad at nasalubong namin si mommy na galing sa labas . Nag paalam na din kami sa kanya at nagmadaling bumyahe na.
Pagdating na pagdating namin sa airport. Tumuloy na agad kami sa terminal 3 kung saan duon ang labas ni Miel.
Makalipas ang ilang minuto lang ay lumabas na si Miel at agad namang humiyaw si Anghet para makita kami nito.
"Miel !Here!" sigaw ni Anghet at sabay kaming kumaway.
"OMG! Namiss ko kayong dalawa!!!" masayang masayang sigaw naman ni Miel habang mabilis na mabilis na sumasalubong sa amin.
"namiss ka din namin!"masayang masaya naman naming tugon din ni Anghet.
" Omg sobang saya nanaman ng summer ko ngayon! Nung nakaraan kasi ay hindi naka uwi si Miel e kaya sa palawan ako napunta"sabi naman ni Anghet na ikinatawa ko.
Ayaw na ayaw niya kasi na sumasama sa palawan kasama ang pamilya niya e. At ako naman noon e nagbakasyon kila ate.
"Pero ngayon sama sama nanamn tayo Anghelita kaya wag kanang mag inarte jan!"sabi naman ni Miel na tatawa tawa pa.
"how many time do i have to tell you that Don't call me Anghelita nga. Ang pangit pangit kaya pakinggan!"naiinis namang sabi ni Anghet kay Miel.
YOU ARE READING
A Soul Raised By Love :Soul Series #01 (On Going )
General FictionThis story is about a woman named Sofia who accidentally sinned against a woman who had died. When due to an accident Sofia's soul was separated from her own body. It was for the sake of the woman he had sinned against. There was a necklace of life...