Chapter 8

6.2K 250 18
                                    

La Muerte.

Lilia

Kung ganoon ay nasa isang malawak na Hacienda kami sa bayan ng La Muerte? Napakalayo nito! Ano bang nasa isip ng utak kohol na lalaking iyon at dito ako dinala?

Napahilot nalamang ako ng sentido saka naupo sa isang isang bamboo chair habang naririto kami sa living room.

"Bakit ba ang layo nitong pinagdalhan mo saakin? May trabaho pa ako Wade!"

Nakasimangot kong sabi, Wade just shrugged.

"Hindi ka naman siguro maghihirap kapag ilang araw kang absent?"

Ngisi niya, I just glared at him.

"Anong ilang araw ka diyan?!"

Iritang saad ko, nakakainis lang dahil nagpauto ako sakaniya kagabi! Bakit nga ba ako nagpadala sa pag iinarte ng lalaking ito?!

"Ayaw mo ilang araw?sige ilang linggo nalang, alam ko namang mabibitin ka---"

I cut his sentence off.

"Ibalik mo ako sa maynila ngayon din Andrada!"

Inis na sabi ko, umiling ito saakin.

"Ayaw."

Tila ba ay nang aasar pang sabi niya, I didn't even bring my wallet, or my damn freakin phone!

"I already called your secretary, sinabi kong hindi ka makakapasok ng ilang araw dahil honeymoon natin."

Sambit niyang ikinamulagat ng mga mata ko.

"The heck Wade?!"

Napatayo pang bulyaw ko, malapad itong ngumiti saakin, parang gusto kong pumatay ng gwapong unggoy.

"Pwede rin namang totohanin natin."

Sa inis ko ay malakas ko siyang hinampas sa braso.

"Chill baby! Masyado kang mapanakit! Pasalamat ka mahal kita!"

Dagdag niya pa, blangko ko lamang siyang tinitigan.

"Yeii kinikilig na yan."

Muling saad ng gago, naningkit ang mata ko roon.

"Ibalik mo na ako sa Maynila Wade, o pahiramin mo ako ng cellphone at ako na mismo ang tatawag ng susundo saakin."

Inis kong sabi sakaniya, pakiramdam ko ay mauubusan ako ng dugo sa tuwing kausap ko ang lalaking ito.

"Kiss muna."

He uttered with a boyish smile plastered on the fool's face.

"I won't, niloloko mo lang uli ako."

Wika ko sabay taas ng isang kilay, natawa siya roon.

"Seryoso nga!"

Tawa padin niya sabay pikit at nguso, iniwanan ko nalamang siya roon habang nakanguso padin para maghanap ng pantawag. Nailing nalamang akong nagpatuloy sa paglalakad saka tumanaw sa labas mula bintana.

I admit, this place is so refreshing, may ilang burol din akong natatanaw mula rito. Sa malapit ay may malaking plantation din, kung saan naroroon ang mga trabahador.

Sa di kalayuan ay may napansin akong mga litratong nakasabit sa ding ding. Nagtungo ako roon, it's mostly a picture of a family. Namumukhaan ko ang mga ito dahil minsan ko ng nakasama sa mga conventions ang mga Juarez.

Unfortunately, namatay sa isang car accident ang mag asawa at naiwan ang lahat ng ari arian sa anak nilang si Azarel. Maybe he's the one Wade is referring to when he said that this Hacienda belongs to his friend.

La Muerte #1: Timeless Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon