As Always: One

28 6 7
                                    

I was expecting Ele to fetch me here in the airport but I saw this familiar man holding a banner that says 'Welcome Home!' with different emojis pasted on it. 

This one really knows how to annoy me. 

Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt na medyo sakto lang ang fit sa kanya. Isang faded jeans at black cap. Simpleng pormahan lang pero may mga babae pa rin ang halos lumabas na ang mga eye balls sa gandang lalaki na natanaw nila. 

Plus, he has this nice and sexy aura that woman at any ages cannot resist him. Kahit lola ko nakasundo niya!

Sa puntong nagtama ang aming mga mata, parang naglaho ang mga tao sa airport at parang may matamis na himig na biglang pinapatugtog mula sa kung saan. Hindi naman nagpahuli ang puso ko sa pagkabog na parang lalabas na sa ribcage ko.

Ano ba naman yan Sonny!

Nilampasan ko lang ang gago. Hindi niya ako madadala sa mga pakulo at lalo-lalong na sa kagwapuhan niya!

I should stay away from him. Sa lahat ng tao dito, siya ang pinaka-ayaw kong makasama. Dahil sigurado akong mabulilyaso lang lahat ang plano ko kung bakit ako bumalik. I need to finish the most important reason why I came back here. 

"Hintayin mo naman ako!" Agad sunod ni Jhon. "Can't you say a short thanks for the effort?" Ang kapal naman ng apdo ng isang 'to! Ayaw tumigil sa mga panggagago niya. 

Back when I was at Davao, ang kulit talaga nito. Hindi na nga tumigil sa kaka-chat, text at tawag. May pa visit pa na apat na beses sa isang taon para lang mag unwind na akala mo naman kay stress ng trabaho niya rito. 

This man just managed the business he built since college. Pero alam kong hindi iyon madali tho he came from a wealthy family. He is the older brother of my best friend Ele. The two were every opposite. Madaldal ang lalaki na ito at aloof naman si Ele. Hindi ko alam kung ano na naman ang sinabi ng isang to sa kanyang kapatid para siya ang sumunod sa akin dito. 

"Hey, madame. Sa bandang dito naka-park ang sasakyan ko," agad niyang sabi sa akin nang lumiko ako sa kabilang parte ng parking lot.

Hinarap ko siya. Ayan na naman ang kanyang bwisit na ngiti. "Stop calling me madame!" I hissed at him. He just smiled mockingly teasing me. 

Damn this guy! 

As AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon