As Always: Three

19 4 6
                                    

Ala-sais na ng gabi nang binuksan ko ang puting gate papasok ng bahay na sabay pinundar nina lolo at lola, mga magulang ni mommy. May nakaparadang itim na SUV sa tapat na siyang laking pinagtaka ko. Hindi naman nagsabi sila mommy na uuwi sila ni daddy ngayon dito sa Davao.

Agad akong napatampal sa noo nang nakita kung sino ang lalaki na nakaupo ngayon sa salas.

"Kung mangugulo ba kailangan personal na, Jhon?" 

Hindi talaga ako lulubayan ng lalaking ito. 

Simula noong nag kolehiyo na ako. Palagi na niya akong kinulit ma pa-text, chat at tawag na nakakairita na paminsan-minsan. Don't get me wrong. John is a good person. Highlevel lang talaga ang energy niya.

Napatingin si Jhon sa akin nang napansin niya ako. On his unsual self. Tulala lang siyang nakatitig sa akin.

Kung ibang araw ito... Huwag na lang.

"Nasaan sina Lolo at Lola?" Tanong ko agad bago pa ako matunaw sa tingin niya. Alam kong hindi nagpapasok sina lolo kapag hindi nila kilala ang tao at harmless naman ito si Jhon kahit hindi obvious.

"Nasa taas." Maikling sagot niya bago tumayong balisa sa harap ko.

"Bakit ka ba nandito?" Taas kilay tanong ko. 

Imposible namang pumunta siya rito na hindi mahalaga ang pakay. Nag-aksaya lang siya ng oras sa biyahe.

"Sonny, wala na ang mga magulang mo." 

Agad akong natigilan sa sinabi niya.

"Huwag kang magbibiro ng ganyan sasapakin talaga kita—"

He embraced me. I was so shocked that I never noticed the tears falling. 

As AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon