As Always: Four

15 3 5
                                    

I came to school.

I have to finish everything here before I go back.

Nang palabas na ako sa university, napasin ko ang isang pamilyar na SUV at nakita kong nakatayo si Jhon sa gilid nito.

Isa ito sa mga araw na ayaw ko talaga makita ang pagmumukha niya! Ubos na ang pasensya ko para sa araw na ito!

Agad siyang lumapit sa akin na may mapang-asar na ngiti sa labi niya. This is so annoying.

"Anong ginagawa mo naman dito?" tanong ko nang nakalapit na siya sa akin. 

"Sinusundo ka." 

"Jhon, puwede ba. Kaya ko ang sarili ko. Hindi na ako bata at hindi mo na ako kailangan guluhin," inis na sabi ko at nag hanap ng tricycle na masasakyan.

"Hindi lahat sinusundo bata." Mas lalo lang akong nainis sa pilosopong pag sagot niya. 

Nang may huminto na tricy, Mabilis akong kumapit at sumakay. Hindi na ako napigilan ni Jhon dahil sa pagmamadali ako. 

Hindi ba obvious na ayaw ko siyang makasama? Bahala siya sa buhay niya.

I know what he's up to. My grandparents were worried about my state that they asked him to accompany me.

And it's been months!

Sure, I am not okay. I am still grieving but I'm holding on.

"Pwede ba tigilan mo na ako!" Singhal ko ng sinagot ko ang pang sampung phone call niya sa araw na ito!

Isang pangungulit pa tatadyakin ko na talaga ang betlog niya!

"I'm just being nice."

"Oh, please!"

"What?" he simply asked na parang hindi niya alam na ang laki niyang abala sa buhay ko.

Hindi ko alam kung ano ang pinakain niya kina Lolo at Lola at nagustuhan at pinagkatiwalaan siya ng mga ito. Umabot na sa puntong sa bahay na siya pinatuloy ni Lolo tuwing bumibisita siya rito sa Davao. Kako delikado raw. 

Kapag merong okasyon sa bahay lagi siyang imbitado. At kapag nagawan niya ng paraan na bumisita paminsa-minsan, asikasong-asikaso nito ni Lola na parang Apo na nila si Jhon. Masaya naman ako na makitang masaya sila Lolo at Lola pag nandiyan si Jhon. 

Pag hindi ko ito pinansin, lalo na pag kinukulit ako, mag susumbong ito nina Lolo at Lola na parang bata. At dahil paborito nila ito, pinagsasabihan ako na sana'y maging mabait ako kay Jhon kako mabuti naman ang intensyon ng tao.

As AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon