Umuwi ako sa Davao dahil sa annual check up nina Lolo at Lola. Kailangan ko silang samahan. Nag-leave rin ako sa trabaho ng limang araw para makapagpahinga at makasama ang mga natitirang magulang ko.
Matagal na akong nag desisyon na mag imbestiga ulit tungkol sa dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Pakiramdam ko may hindi ako alam at gusto kong panatagin ang sarili ko kung ano ang iyon. Kaya kumuha ako ng imbestigador para imbestigahan ulit ang kaso at mahuli kung sino man ang pumaslang sa mga magulang ko.
Hindi ko muna ipina-alam kina Lolo, Lola at Jhon ang tungkol sa pagbubukas ng panibagong imbestigasyon. Tiyak akong mababahala sila sa kapakanan ko at possibleng tutulan lang nila ang balak ko.
Matapos kong samahan sila Lolo at Lola sa ospital, agad akong pumunta sa sementeryo.
Nakatayo ako sa harap ng puntod ng mga magulang ko. Naglagay ako bulaklak na paborito ni mama, nagsindi ng kandila at nag-alay ng dasal para sa kanilang dalawa.
Ikinuwento ko sa harap ng puntod nila ang lahat na mga pangyayari sa buhay ko mula noong huli akong dumalaw sa kanila.
Walang araw na hindi ko sila iniisip. Miss na miss ko na sila na minsan ko nang hiniling na sana'y mapanaginipan ko sila at sabihin man nila sa akin na nasa mabuti silang kalagayan at masaya sila kung nasaan man sila ngayon.
Umihip ang malamig na hangin. Alam kong masaya sila sa narating ko. Nakapagtapos na ako ng pag-aaral na pareho nilang pangarap para sa akin bilang mga magulang ko at nagkaroon agad ng magandang trabaho.
Umuwi ako sa bahay at ipinaghanda sina lolo at lola ng mga paborito nila. Pagkatapos namin kumain ng hapunan, hinugasan ko ang pinagkainan at hinatid ko sila lolo at lola sa kanilang silid.
Pagkapasok ko sa aking kuwarto agad kong binuhay ang aking laptop at tinignan ang aking e-mail. Meron akong natanggap na mensahe galing sa imbestigador at sa presinto kung nasaan ang huling dokumento tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko.
Una kong binuksan ang galing sa imbestigador. Agad akong napakapit ng mahigpit sa gilid ng mesa nang natapos ko mabasa ang ulat. Unti-unting nanikip ang dibdib ko. Hindi naglaon, narinig ko ang aking sarili na impit na umiyak.