Lacey's POV
buong araw akong nakatambay dito sa bahay dahil bawal ako gumala ng sabado o linggo."chaka" sigaw ko sa aso kong cute ewan ko ba kay mama kung bat iyon pinangalan.
pinakain ko nalang si chaka dahil wala naman akong gagawin.
"lacey" kumakatok na sabi ng kasingedad ko na kasambahay namin.
"pasok" sabi ko at pumasok sya.
"pwede mo ba akong samahan mamili ng mga kakainin mamaya?" tanong ni mae saakin.
"sige, antayin mo nalang ako sa labas" sabi ko at lumabas na sya.
nagpalit nako ng damit, naka white plain sando at short lang ako ngayon dahil mamimili lang.
"saan tayo mamimili?" tanong ko habang naglalakad kami.
"dyan lang, malapit lang" sabi nya at tumango ako.
ang daming tao ngayon sa palengke at nahirapan kaming mamili kasi siksikan na lahat.
"aray!" sigaw ko dahil nabangga ako ng isang lalake.
"sorry" sabi nya lang at umalis na.
ganon lang yon?
"ok ka lang ba?" tanong saakin ng kasama ko at um-oo naman kaagad.
"nabangga ka nung crush ng bayan ah" pangaasar saakin ni mae habang naglalakad pauwe.
crush ng bayan? ang panget kaya!
nakauwe na kami kaagad dahil malapit lang saamin yung palengke.
"magpapahinga muna ako, pakitawag nalang ako mamaya" sabi ko sakanya at pumunta na sa kwarto.
may sugat ako kaunti dahil ang lakas ng pagkabagsak ko kanina.
****