Janessa's POV
nandito kami sa isang department store kung saan mamimili daw ng regalo at susuotin sa birthday ng kakilala nila."ikaw din nessa, magpili kana" sabi ni mama saakin at sinunod iyon.
may nakita akong off shoulder na kulay red dress at kinuha.
"yes ma'am?" tanong saakin ng isang sales lady.
"uhm.. bagay ba saken?" tanong ko sakanya habang nagtitingin pa.
"opo ma'am" puri saakin ng sales lady at nginitian ko.
"sige ito nalang" sinabi ko at kinuha na nila para ilagay sa plastic, at bumalik na kela mama.
"oh, ano pinili mo?" tanong saakin ni papa habang naghahanap ng maisusuot.
"red off shoulder dress" sabi ko nalang habang tinetext sila eliana.
"siguradong cute ka dyan, sana may mahanap ka ng jowa" biglang sabi ni mama at muntikan ko nang malaglag yung phone ko.
"ma!" sigaw ko kay mama at tumawa naman.
"saan ba tayo pupunta? bat kasama pa ako?" takang tanong ko sakanila.
"sa boss ko, anak nun may birthday" paliwanag ni papa.
"kasing edad mo lang anak" sabi ni mama saakin.
sml? ma?
nagbuntong hininga nalang ako at nagtingin tingin pako ng mga accesories, sabi ni mama sa sabado daw yung birthday ng anak ng boss nila.
nakauwe na kami at bumili nalang kami sa labas ng pagkain para hindi na magluto.