"MADAM" tawag sa akin nang P.A ko.
"Hmm?" sagot ko habang inii-scroll ang aking cellphone.
"Ma'am, nagka-problema po tayo sa damit niyo na susuotin sa photoshoot" sabi niya automatic akong nag-angat nang tingin.
"Ano?!" sigaw ko.
"M-ma'am may gumupit-gupit po kasi nung damit niyo. Sabi nung stylist kanina nasa closet lang naman daw--"
"Alam niyo ang tanga-tanga niyo talaga!.." inis kong sigaw. "Hindi niyo man lang nakita kung sino ang sumira?!" irita kong tanong.
"Hindi po ma'am break po kasi nung mga stylist na nasa dressing room"
Napahawak ako sa noo ko. God! this is so annoying!
"Break? tapos? hindi ba sila marunong mag-lock nang pinto?"
"Ma'am--"
"Asan yung mga nag-break na yan?! ipatawag mo!!" sigaw ko.
Dali-dali naman syang lumabas saka maingat na sinara ang pinto. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinext ang manager ko. Bigla namang bumakas ang pinto, pumasok ang 3 stylist, yung dalawa bakla. Padabog kong binaba ang cellphone ko saka pinagkrus ang braso sa dibdib.
"Oh ano? anong gagawin natin sa damit na nasira? papalitan niyo ba?" iritado kong tanong. Nagbaba nang tingin ang dalawa, habang ang isa naman biglang nagsalita.
"Ma'am, di naman po namin kasalanan 'yon break po namin--"
"Ah, sino may kasalanan? yung pinto? kase di niya ni-lock sarili niya? eh kung iuntog kaya kita nang matauhan ka! bwiset!" napairap ako sa kawalan. bwiset na bakla.
"Ma'am, sorry po talaga di na po mauulit" sabi nung babae.
Napangisi ako. "Talaga! Bakit balak niyo pa bang umulit? o baka naman isa sa inyo ang sumira dahil malaki ang galit niyo sa akin!" pangbibintang ko.
Mabilis na umiling yung tatlo habang yung babae na iiyak na.
"Nako ma'am hindi po mahal po yung damit na 'yon--"
"Exactly.." i cut her off. "Kaya niyo nga sinira kasi alam niyong mahal! Para mapagalitan ako kasi galit kayo sa akin!"
"Ma'am hindi po talaga--"
"Tumigil ka na!.." inis kong sabi. "Ya'll so stupid! simpleng damit di mabantayan! mga walang kwentang slapsoil" dinuro-duro ko pa sila.
Halos umiyak na silang tatlo. Gusto ko pa silang sigaw-sigawan kaya lang biglang bumakas ang pinto at niluwal non si daddy.
"Chantele Tingzon, stop it" nagbabantang tinig ni dad.
"What?!" pasaring kong tanong.
"Okay na, lumabas na kayo at umuwi ako nang bahala dito.." aniya sa tatlo saka bumaling kay chacha na P.A ko. "Cha, iuwi mo na sila"
"Yes sir.." sagot ni chacha saka inalalayan ang tatlong makalabas. Pagkasarado nang pinto bumaling si dad sa akin at sa tingin niya palang alam kong ayaw niya na sa ginawa ko. Umirap ako sa kawalan, saka naglakad papuntang salamin at tiningnan ang mga make-up na nandoon.
"Chantele ano ka ba?" nakapamewang na si daddy ngayon.
"Ano ba 'yon dad?" pabuntong-hininga kong tanong.
"Huh! Sigaw ka nang sigaw kababae mong tao!"
ayan na pinapagalitan na ako -,-
"Bakit dad? lalaki lang ba ang pwedeng sumigaw?"
"Aba, bastos talaga ikaw ano?"
Bumuntong-hininga ako saka hinarap sya "Daddy naman! alam mo ba ang nangyari?! nasira ang damit na susuotin ko mamaya para sa photoshoot!"
"Oh? kailangan bang manigaw at mangbintang ka agad? sigurado ka ba na sila ang gumawa non?" hinihilot na ni daddy ang sentido nya.
"Hindi.." nakanguso kong sagot. "Pero may motibo sila! alam kong matagal na nila akong kinakainisan eh!"
"Can you please calm down? 'yang sigaw mo rinig na rinig sa labas! anong gusto mong isipin nang mga tao? bastos kitang pinalaki?"
"Tss. Isipin nila kung anong gusto nila isipin! wala akong pake! mamatay sila kakaisip!" sigaw ko na naman.
"Ikaw pag narinig ko na naman yang bastos mong bunganga, susungalngalin ko yan" inis na sabi ni daddy.
Napairap ako nang bumukas bigla ang pinto at niluwa non si chacha. Mukhang nagulat pang nagsisigawan kami.
"Oh cha? kamusta nakauwi na ba sila?" tanong agad ni dad.
"Uh, opo ser. Nandito lang po ako para tanungin kung may iuutos pa kayo"
Sumulyap sa akin si dad saka bumuntong-hininga, binalingan niya ulit si chacha.
"Ibili mo nang French fries yang amo mo" sabi ki daddy agad naman akong umangal.
"Daddy! ano ako bata?!" inis kong sigaw.
"Ah basta basta bilhan mo na" sabi niya kay cha.
Magrereklamo pa ulit sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. Si manager jing ang tumatawag, yung manager ko.
"Uh ser, ma'am excuse me po" sabi ni cha saka lumabas nang kuwarto.
"Sino yan?" usisa ni dad.
"Si manager jing" maikling sagot ko.
"Oh ayan, mabuti yan. Kayo nang manager mong baliw ang mag-usap. May alien language ata kayo. Sige na at magpapahangin lang ako" tumango lang ako saka sya lumabas.
Bumuntong-hininga ako saka sinagot ang tawag.
"Manager jing"
Si manager jing ang manager ko simula nang mag-modelling ako. Kung may offer ako sa kanya muna dadaan o kaya naman minsan sya na ang naga-apruba nang mga endorsement ko. Kaya minsan kami lang ang nagkakaintindihan. Bakla si manager jing kaya naman magka-vibes kami.
"Oh ano problema dyan?"
"Manager jing, nasira kasi yung damit na susuotin ko para sa photoshoot mamaya" kuwento ko.
"Ha? ano?! bakla ka! bakit nasira?"
"Di ko alam eh, basta nakita na lang nilang gutay gutay na saka puro gupit"
"Jusmiyo marimar! ano ba naman yan! mahal nang damit na iyon!"
"Alam ko. eh anong magagawa ko? may ganoon pa kayang damit? bibilhin ko"
"Relax ka lang dyan. Ako nang bahala sa damit, wag ka na magpa-istress nako papangit ka. Saka baka puwede ay iresched nalang yang photoshoot niyong mga models"
"Ayun thank you jing!" nakangiti kong sabi.
"Ah ganon? pag may kailangan may manager? pero kapag tapos na jing nalang?" inis na sabi niya.
"Hehe, pero sino kaya may gawa non sa damit ko?" tanong ko, tumikhim sya.
"Uh, may galit sa iyo?"
"Yan din ang iniisip ko jing eh! baka isa sa mga stylist na nasa dressing room. balita ko marami daw may galit sa akin doon" nakanguso kong sabi.
"Tsk, baka si Lara Heart? diba jealous iyon sa iyo! bitter pa rin ata sya hanggang ngayon" natawa sya.
"Oo nga 'no. may point ka!"
"Uy bakla ka biro lang eh" bawi niya agad.
"Hindi! maybe she's the one who ruin my dress because she's jealous of me!"
"Uy, dahan dahan ka sa pananalita mo!"
"Whatever, im gonna find that bitch! she'll pay for this!" sabi ko saka ibinaba ang tawag.
Dali-dali akong lumabas nang kuwarto ko saka dumiretso sa kuwarto ni Lara. Pagkabukas ko nang pinto, may mga stylist pang nagbubulung-bulungan. Nung nakita nila ako, bigla silang nagulat saka umayos nang upo. Iginala ko ang panangin ko saka humarap sa mga stylist tumaray ang tingin ko saka tumikhim.
"Asan si Lara?" masungit kong tanong.
"A-ah ma'am nagpunta pong cr eh" sabi nung isa.

YOU ARE READING
Moon In a Starry night
Fiksi RemajaChantele Tingzon is a famous model. A childish, spoiled brat lady. Then she met Theodore Ayden Hernandez, a successful business man. Theodore saved Chantele. Chantele is willing to give anything for Theodore because he save her life. But Theodore of...