CHAPTER THREE

0 0 0
                                    

Dumating ang inorder namin. Habang kumakain kinukuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. Simula una hanggang sa sagutan namin ni Lara. May side comments sya kaya naiirita ako minsan.

"Baka 'yang manager ni Lara ay nagpaawa din sa daddy mo" aniya sa habang nagkukuwento ako.

"Manahimik ka nga! nagkukuwento ako eh" singhal ko.

"Chill" aniya saka tumawa.

"Tapos ayun nga sabi daw nung manager may sakit daw kuno yung hipokritang iyon. Hay nako, sinabihan ba naman akong 'fix your attitude' tse" sabi ko, ginaya pa ang boses nung manager kanina.

"Hay nako, agree naman ako sa kanya" ani niya habang nilalantakan ang isang sea food.

"Manager jing naman!" reklamo ko.

"What? totoo naman" ani niya wala pa ring pakialam dahil kumakain.

"Ewan ko sa inyo, kaya di umuunlad pilipinas eh. Lahat kayo hypocrite" inis kong sabi.

"Luh girl? hypocrite? saan?" kontra niya agad.

"Just be yourself..." ani ko inaaction pa ang kamay sa ere. "..Tapos kapag nagpakatotoo kami, bastos, walang galang, walang modo" padabog kong ibinaba ang baso.

"Girl, ilugar mo naman kasi iyang pagpapakatotoo mo, jusko ka. sa sobrang pagpapakatotoo mo eh may nasasaktan ka na. I-consider mo din yung feelings nang iba, minsan yang actions mo nagiging selfish na. Dapat maging plastik ka din minsan" sabi niya tumatango-tango pa.

"Ewan..." nagkibit-balikat "...wala namang makakapagpabago sa akin"

Nagkuwentuhan pa kami nang kung ano-ano saka nagpasyang umuwi. Hinintay ko muna syang mauna bago ako sumakay sa kotse saka nag-drive pauwi.

Nang pasakay ako nang elevator dun ko naramdaman ang sakit nang ulo ko. Hinilot hilot ko ang sintido ko habang pataas ang elevator. Parang gusto kong masuka dahil nahihilo ako sa pagtaas nito.

Nang bumukas ang elevator ay dahan dahan akong naglakad patungong unit ko. Ini-slide ko ang card, pagkabukas nang pinto dumiresto akong kusina para uminom nang tubig. Sobrang sakit nang ulo ko na parang binibiyak, unti unti na rin akong nahihirapang huminga pero kaya ko pa namang maglakad.

"Shit, maliligo muna ako.." sabi ko saka pumuntang kuwarto ko at dumiresto sa cr. Hinubad ko lahat nang suot ko saka humiga sa bath tub at binuksan ang tubig.

Habang pataas ang tubig nararamdaman ko pa rin ang sakit nang ulo ko. Nilublob ko pa lalo ang sarili sa pag-asang baka maibsan ang sakit nang ulo ko. Pinikit ko ang mata ko saka kinalma ang sarili.

Unti-unting umayos ang paghinga ko pero ang sakit nang ulo ko ay di pa rin nawawala. Parang gusto kong mawalan nalang nang malay sa sobrang sakit.

Hinilot hilot ko ulit ang sentido ko saka minasahe ang ulo. Paulit-ulit ko iyong ginawa. Nang medyo nabawasan na ang sakit naglinis na ako nang katawan saka nagbanlaw. Pagkatapos magbanlaw ay nagsuot ako nang robe saka lumabas at pumunta ulit nang kusina para uminom nang gamot.

Pagkatapos uminom nang gamot ay pumunta ulit akong kuwarto para magbihis. Bago ko pa mabuksan ang closet ko ay tumunog na ang cellphone ko. Sinagot ko iyon.

"Oh?.." sagot ko saka pabagsak na humiga sa kama, sa sobrang sakit nang ulo.

"Hey tele! Nasaan ka?.." tanong ni louisa, isa sa mga kaibigan ko.

"Nasa condo ko bakit?.." walang buhay kong sabi, gusto ko na ngang umiyak.

"Ah, papunta kaming bar eh, baka kasi gusto mo sumama?" tanong niya.

Tumingin ako sa orasan, 7:30. "I can't lou.." sagot ko pumipikit pikit na.

"Huh? hey! are you okay?" tanong niya.

"Im not feeling well today, maybe next time? I'm sure kasama mo naman si jews dyan?" tanong ko tinutukoy ang kaibigan kong isa, si jewel.

"Yep we're okay!.." sagot ni jewel sa kabilang linya, mukhang naka loud speaker ang tawag.

"Uh-huh and kasama ko si belle!" sagot ulit ni lou.

"Belle?.." takang tanong ko.

"Uh-huh, the famous artist! you dont know her?" takang tanong niya, hinilot ko ulit ang sintido dahil marami na namang impormasyon ang pumapasok sa utak ko.

"Ah, Belle Sanchez, i see" tanging sagot ko.

"Oh basta pagaling ka ah! i love you" ani ni lou.

"I love you!!" sigaw ni jewel.

"Take care!.." sigaw nung isa na di pamilyar sa akin.

"That's belle.." bumungisngis si lou.

"Okay, take care din.." sabi ko saka binaba agad ang tawag dahil feeling ko lalong sumakit ang ulo ko sa paggamit nang cellphone.

Gusto kong magbihis pero dahil nakahiga na ako hinihila na ako nang antok. Hinila ko na lang ang kumot saka inilapag ang cellphone ko sa kung saan, saka inabot ang remote nang aircon at binuksan.

Halos pumikit na ang mata ko sa antok, maaga pa naman pero siguro napagod lang talaga ako kaya maagang tinamaan nang antok. Binalot ko ang sarili ko sa kumot saka hinayaan ang sariling hilain nang antok.

Nagising ulit ako nilalamig ang katawan ko pero sobrang init nang pakiramdam ko. Unting galaw lang nang ulo ko ay masakit na. Idinilat ko ang mata ko at nalaman kong madilim pa rin, ang tanging naririnig ko lang ay ingay nang aircon.

"Daddy..." pabulong kong sabi, sa pag-asang baka kasama ko si daddy.

Halos manginig ang katawan ko sa lamig. Inabot ko ang remote nang aircon saka pinatay iyon. Tiningnan ko ang cellphone ko, 3:00 am pa lang. Kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi naman ako nag-dinner, maaga kaming kumain ni manager jing.

Dahan dahan akong umupo dahilan para parang bumaliktad ang paningin ko. Dahan dahan ko ding inalis ang kumot, saka ko naalalang naka-roba pa nga lang pala ako. Ibinaba ko ang paa ko sa kama saka dahan dahang tumayo. Nahilo na naman ako, para akong lasing pagkatayo ko.

"Shit.." mahinang bulong ko saka umayos nang tayo.

Lumabas ako nang kuwarto nang halos nakapikit ang mata. Iniingatan ko nalang na hindi ako mabagga dahil unting galaw ko lang nakakahilo.

Gusto kong buksan ang ilaw kaya lang masisilaw lang ako, mas gusto ko pa ang nakapatay, kaya lang wala naman akong makita. Dahan dahan akong pumunta sa kusina at binuksan ang medicine kit, saka humanap nang gamot sa lagnat.

Nagulat ako nang wala nang gamot! Hinalungkat ko pa iyon nang mabuti hanggang sa may nakita akong isang tablet nang gamot.

"Uhh, buti nalang.." mahinang bulong ko saka nilunok ang gamot saka kumuha nang tubig at ininom.

Medyo guminhawa ang pakiramdam ko pero ang init nandoon pa rin sa pakiramdam. Sinalat ko ang noo ko halos mapaso ako sa sobrang init, mataas nga ang lagnat ko!

Niluwagan ko nang kaunti ang bath robe na suot ko saka umakyat ulit sa kuwarto para matulog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moon In a Starry nightWhere stories live. Discover now