Natigilan si Trace nang marinig niya ang sinabi ni Niko, alam n ang anak niya na nanliligaw si Brix kay Alexis? Ang tanong ni Trace sa kanyang sarili.
“What are you talking about?” ang inis na tanong ni Casey.
“I also want tito Brix to be my dad” ang mariin na sagot ni Niko sa kuya nito, naghalukipkip pa ito ng mga braso habang nakaupo sa kama nito.
“We can’t have two dads!” ang giit ni Flyn na bumangon na rin mula sa pagkakahiga nito.
“Then mommy has to choose!” ang sigaw ni Niko. Halata ang galit at deterninasyon sa mukha nito.
“Mommy will choose dad!” ang sigaw ni Casey at galit na rin ito sa kapatid.
“But I also want tito Brix!” ang galit at naluluha ng sigaw ni Niko.
“Boys! Boys! That’s enough” ang mariin na pagsaway niya sa kanyang mga anak na lalaki. Parang madudurog ang puso niya, lalo pa at may isa siyang anak na mukhang may sama ng loob sa kanya.
Iniangat ni Trace ang laptop na nakapatong sa kanyang mga hita. At ipinatong nito ang laptop sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kama ng anak na lalaki. Ibinaba niya ang kanyang mga paa sa kahoy na sahig saka siya tumayo at humakbang papalapit sa kama ng pangalawang anak na lalaki.
Naupo siya sa gilid ng kama nito, at nakita niya na yumuko ito umiwas ng tingin sa kanya. Ngayon niya nadama, ang paglayo ng loob ng kanyang anak na si Niko.
Inilapat niya ang kanyang kanan na palad sa kutson ng kama, para itukod ang braso nito. Ngumiti siya ng malapad sa anak at yumuko rin siya para tingnan sa mukha si Niko, na iniiwas nito sa kanyang mga mata.
“Niko, anak? Look at me boy” ang malumanay na sabi niya sa kanyang anak na nananatili pa ring nakayuko ang ulo nito.
“Niko, please? Will you look at me? Can we talk, like, man to man?” ang tanong at pakiusap niya sa kanyang anak.
Mukhang nakuha niya ang interest nito, nang sabihin niya na mag-uusap silang dalawa, tulad ng pag-uusap ng dalawang malaki nang mga lalaki.
Unti-unti na umangat ang ulo nito at tumingin sa kanyang mga mata.
“Man to man?” ang kunot noo na tanong ni Niko sa kanya.
“Uh-huh” ang sagot niya kasabay ng pagtango niya.
“You mean like, two grown ups?” ang interisado na tanong muli ni Niko sa kanya.
“Yes, like two grown up men” ang nakangiting sagot niya kay Niko, na mabagal na tumangu-tango, pero, nakuha na niya ang atensyon nito.
“Niko, anak, galit ka ba kay daddy?” ang tanong niya sa anak.
Muli itong tumungo at tumikom ang bibig nito. Matagal na nanahimik ito at siya naman ay matiyaga na naghintay ng sagot nito.
“Kinda” ang matipid na sagot nito, pagkatapos na manahimik nito ng ilang minuto.
“Hmm, is it because, I left? For a long time?” ang malumanay na tanong niya kay Niko. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at tumingala muli ito para tingan siya sa kanyang mga mata.
“Its because, you made mommy sad, I saw her, cry everyday and every night, inside her room, my heart breaks, every time I saw her cry, and I got mad at you, for making her cry” ang pag-amin ng kanyang pangalawang anak. Na nangilid na ang luha sa mga mata nito at nanginig na ang boses nito dahil sa pinipigilan nito ang lumuha.
Gumuhit ang kirot sa kanyang puso, nang marinig ang mga salitang, puno ng hinanakit sa mga labi ng kanyang pangalawang anak na lalaki. Hindi niya inakala na ang kanyang pagkawala ay nagdulot ng labis na pighati para kay Alexis, na nasaksihan ng kanyang mga anak, at parang binhi na naitanim sa puso at isipan ng kanyang anak, at umusbong ang galit sa murang puso nito.
“Galit din ako sa sarili ko anak, I’m mad at myself for being away to your mom, and to you boys and to your sisters” ang emosyonal na sagot niya, puno nang hinanakit ang kanyang boses at nangilid din ang luha sa kanyang mga mata.
“But I’m here to make ammends, I’m here, to set things right, and I’m here to stay, to be your dad and husband to your mom” ang naluluhang saad niya sa anak na taimtim siyang tinitingnan.
“I hope you’ll forgive me son, I hope you’ll accept me again as your dad” ang pakiusap niya sa kanyang anak.
Nakita niya na lumalim ang paghinga ng kanyang anak, tila ba pinipigilan nito na pumatak ang luha na kanina pa nangilid sa mga mata nito.
“Patawarin mo ako anak ko, gagawin ko ang lahat para, matanggap mo akong muli”-
Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa inihagis ni Niko ang sarili nito sa kanyang dibdib at ang maliliit na mga braso nito ay pumulupot sa kanyang leeg at niyakap siya nito ng mahigpit.
And instantly, his arms wrapped at his son’s body, he held her tight and close to his body, and he nuzzled his son’s neck and kissed his head.
“I’m sorry dad” ang bulong nito habang patuloy na lumuluha. At ang mga mata niya ay tuluyan na ring pinakawalan ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan, nang marinig niya ang mga salita ng pagpapatawad sa kanyang anak.
“I’m the one who’s sorry Niko, will you forgive me?” ang pakiusap niya sa kanyang anak, habang mahigpit pa rin silang magkayakap.
Niko pulled himself away from him and he looked straight into his gray eyes. Ang mga mata na, hindi pamilyar sa kanyang mga anak, ngunit, unti-unti nang natatanggap ng mga ito ang kanyang kaibhan.
“I forgive you dad” ang mariin na sabi nito at nagtama ang pareho nilang lumuluha na mga mata.
At maya-maya pa ay tatlong pares na ng mga braso ang nakayakap sa kanyang balikat at leeg. At kanyang binalot ang mga anak na lalaki sa loob ng kanyang mga bisig. Walang sing sarap sa pakiramdam ang nadarama niya ng mga sandaling iyun.
“I love you” ang sabi niya sa mga ito at isa-isa niyang hinagkan ang mga noo nito.
“We will help you dad, we’ll help you win mom’s heart again” ang pangako ng mga anak niya sa kanya.
Tumangu-tango siya at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Pinahid ng kanyang mga palad ang luha sa mga mata at pisngi ni Niko.
“We’re going to make a plan, and it is going to be our mission” ang sabi niya sa tatlong anak niya na nakaupo sa ibabaw ng kama at nakatuon ang mga interisado at namimilog na mga mata sa kanya.
“You mean like a police mission dad?” ang umaasa na tanong ni Flyn sa kanya, na lubos na iniidolo ang pagiging police niya.
“Uh-huh” ang nakangiting sagot niya at kinindatan niya ang kanyang mga anak.
Nanlaki pang lalo ang mga mata ng mga ito at nagpalitan ng mga tingin. At halata ang excitement sa mga anak niyang lalaki.
“Tell us what to do dad” ang sabi ni Flyn.
“I’m going to make a plan son, I’m going to make a plan” ang sagot niya sa anak.
***
“Trace?” ang bati ni Alexis kay Trace na nasa labas ng pintuan ng kwarto.
Her eyes, feasted on his upper body, nakaugalian na nito na matulog na nakapajama lang at walang pang-itaas na damit, kaya kita niya ang matitigas nitong mga dibdib.
Mabilis niyang iniiwas ang kanyang paningin, at naalala niya na nakateddy lang siya, at umaapaw ang kanyang dibdib sa bralette ng kulay dilaw niyang teddy.
She cleared her throat nang mapansin at madama niya ang mainit na tingin na iginagawad sa kanya ni Trace ng mga sandali na iyun.
Mainit ngunit hindi nakapapaso, ang init nito ay masarap sa pakiramdam, parang alak na dumadaloy sa buo niyang kalamnan at binubuhay ang bawat hibla ng ugat sa kanyang katawan.
“Uh, may kailangan ka?” ang tanong niya kay Trace, and she tried to make her voice sound passive.
“Uh, your phone, ayos na, secured na” ang sagot ni Trace sa kanya at humakbang pa ito palapit para iabot ang phone niya.
She looked at his extended hand, and she raised her right hand, para abutin ang kanyang telepono sa kamay nito.
“Thank you” ang mahinang sagot niya kay Trace.
“May, lakad ka ba bukas?” ang tanong ni Trace sa kanya. His voice was low and husky, and like a sweet and thick melted chocolate, it was rich and decadent, and it was sinful.
Bumilis ang kanyang paghinga, kaya mas lalong nag-umapaw ang kanyang dibdib sa kanyang bralette. At pinagmasdan niya ang mga mata ni Trace, na mabagal na naglandas, mula sa kanyang mukha, pababa sa kanyang mga labi na bahagyang nakabuka, at sa nagtataas-baba niyang mga dibdib.
“Uh, p-punta ako sa hotel bukas” ang sagot niya.
Tumangu-tango si Trace at hindi pa muna ito sumagot.
“Okey, ihahatid kita bukas” ang sagot ni Trace sa kanya.
“You don’t have to do that Trace” ang tutol niya.
“May pupuntahan din ako bukas, idadaan na lang kita sa hotel mo at susunduin kita” ang mariin na sagot ni Alexis.
She sighed, “wala ka bang trabaho?” ang inis na tanong niya. At saka niya napagtanto na mali ang mga lumabas na salita sa kanyang bibig. That moment, she realised that she sounded like, Divine, habang pinapagalitan nito si Trace as Marcus, and she regretted it.
Napapikit siya at napabuntong-hininga.
“I’m sorry I shouldn’t have said that” ang mabilis na paghingi niya ng sinserong paumanhin.
Nakita niya ang sakit sa mukha ni Trace at parang nadurog ang puso niya.
“Kaya nga ako aalis bukas, pagkahatid natin sa mga bata sa school, para sana, magtanong sa Crame kung may trabaho pang naghihintay sa akin doon” ang malumanay ngunit may bahid ng sakit sa boses ni Trace.
Tumangu-tango siya, “okey, sasabay na lang ako bukas” ang sagot niya.
Tumangu-tango si Trace sa kanya at isang matipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
“Good night” ang pamamaalam ni Trace sa kanya.
Hindi siya sumagot at tumangu-tango na lamang. At saka niya isinara ang pinto. At inilapat niya ang kanyang likod sa nakapinid na pinto.
She inhaled deeply and slowly expelled it. Agad niyang isinara ang pinto, dahil alam niya, alam niya na kapag nakita na naman niya ang pag-asam sa mga kulay abo na mga mata nito. Ang pader na unti-unting nagkakalamat ay tuluyan ng mababasag.
****
“Pare! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang malaman ko na buhay ka” ang naluluha na sabi ni Dan kay Trace nang sumadya siya sa dati niyang opisina.
Ngayon pa lang niya personal na napasalamatan si Dan, na tumulong kay Alexis, na kumalap ng impormasyon tungkol kay Marcus. Sa telepono pa lang niya ito nakausap, dahil sa isang linggo niyang sinamahan ang kanyang mga anak.
Malapad na ngiti at yakap ang ibinati niya kay Dan, bago siya nagsalita.
“Salamat Dan, kung di dahil sa iyo, mananatili na nangangapa si Alexis sa tunay kong katauhan” ang sagot niya kay Dan.
“Malaki ang utang na loob namin sa iyo” ang dugtong pa niya.
Umiling si Dan, “wala iyun, nangako si Alexis na kapag bumalik ka na raw, ay maitutuloy na rin niya ang pagsusulat ng nobela, miss na miss na ni Grace ang mga sulat ni Alexis” ang nakangiting sabi nito sa kanya.
“Ikamusta mo nga pala ako sa kanya” ang bilin ni Trace sa kaibigan.
“Oo naman, kukunin pa namin kayo ni Alexis sa ninong at ninang sa magiging panganay namin” ang masayang balita ni Dan sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Trace at masaya siya sa kanyang kaibigan, na matagal na rin na naghahangad na magka-anak, at sa loob ng halos anim na taon mula ng maikasal ito ay ngayon pa lamang nagbuntis si Grace, ang naging daan para una niyang masilayan ang ganda ni Alexis noong book signing nito.
“Anong sabi? Makakabalik ka ba?” ang umaasang tanong ni Dan sa kanya.
Napangiwi si Trace at napataas ang dalawang kilay.
“Titingnan pa daw muna nila kung saan ako pwedeng mailagay” ang sagot niya, bago siya napabuntong-hininga.
Nakita niya na bumagsak ang mga balikat ni Dan.
“Noong, nawala ka kasi, ang dami nilang kinuha na kapalit mo, puro, bata ng bagong PNP chief” ang mahinang sabi ni Dan sa kanya.
Tumangu-tango siya, “maghahanap na lang muna ako ng pwede kong maging trabaho, siguro, maging, consultant na lang muna” ang sagot niya.
Tumangu-tango si Dan, “goodluck pre, masaya talaga ako at nakabalik ka na, bilang Trace Velasco” ang sagot ni Dan saka nito tinapik ang kanang balikat niya.
“Salamat Dan” ang sinserong sagot niya.
****
“Sulat na lang po kayo sa log sir” ang sabi ng isang BJMP officer.
Tumangu-tango si Trace at kinuha dinampot niya ang ballpen na nasa ibabaw ng lamesa. He held the black cheap pen to write his name sa log book. Pagkatapos niyang pirmahan ay nagpakita siya ng dati niyang ID.
“Nakakapanibago ang hitsura mo sir” ang nangingiting sabi sa kanya ng kakilala niyang BJMP officer.
“Oo nga eh, kailangan kasi nabulag ako, gray eyes ang donor” ang maikling paliwanag niya rito.
“Bagay naman sa inyo sir, mas lalo kayong gumwapo” ang sagot nito sa kanya.
“Salamat” ang natatawang sagot niya.
“Ano nga po pala ang sadya ninyo rito? Trabaho po ba? Hindi na po sana kayo sumulat sa logbook” ang sabi nito sa kanya.
“Ah, may gusto lang sana ako na makausap” ang mahinang sagot niya.
Tumangu-tango ito, “yung kinasuhan po ba ninyo?” ang tanong nito sa kanya.
Tumangu-tango siya, “magagawan mo ba ng paraan?” ang umaasa na tanong niya.
“Opo sir, diretso na po kayo sa loob” ang mabilis na sabi nito sa kanya.
Tumangu-tango siya, pero muli siyang nagtanong, “ah, sino ba ang madalas na dumalaw kay Raul?” ang tanong ni Trace.
Kumunot ang noo ng BJMP officer, “ang alam ko dalawa lang ang madalas na dumalaw kay Raul Bennett, yung abugado nito at isang lalaki, hindi ko na matandaan ang pangalan” ang sagot nito sa kanya.
Lalaki? Sino pa kaya ang pwedeng maging henchman nito? Iisa lang ang pumapasok sa kanyang isipan.
“Maari mo ba na, maibigay sa akin ang pangalan ng lalaki na sinasabi mo?” ang pakiusap niya sa BJMP officer.
“Subukan ko po sir, hahanapin ko pa po, at medyo matatagalan dahil na rin sa dami ng mga nakakulong dito” ang sagot nito sa kanya.
“Salamat” ang sagot niya rito. Alam niya na baka suntok sa buwan ang hinihiling niya, dahil alam niya ang kalakaran sa loob. Minsan, hindi isinusulat sa log ang mga dalaw basta mayroong monthly na bayad ang nakakulong rito.
Dali-dali siyang naglakad papasok sa loob, ng City Jail. May mga pamilyar na mukha siyang nakakasalubong, na mga nakasalamuha na niya noon, bilang intelligence agent ng PNP.
Alam na rin niya ang pasikot-sikot sa loob. Nang marating niya ang malapad na kwarto, ay naghanap siya ng lamesa na mapupwestuhan. Nang makakita siya mabilis ang kanyang bawat hakbang papalapit sa mesa at naupo siya sa plastic na upuan, at saka siya naghintay.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto, at pumasok sa loob ang nakakunot na noo ni Raul, at nang magtama ang kanilang mga mata ay unti-unti na gumuhit ang ngisi sa mga labi nito, habang naglalakad ito papalapit sa kanya at ang mga braso nito ay nakaposas sa likuran nito.
“Well, well, what a pleasant surprise, hindi ko inaasahan ang pagdalaw mo Trace, tao ka ba? O multo? Hindi ba dapat patay ka na?” ang nakangising bati nito sa kanya bago ito naupo sa upuan sa kabilang side ng mesa.
Tumikom ang mga labi ni Trace at pinigilan niya ang sarili na hindi sakalin ang lalaki na nasa kanyang harapan, na sa palagay niya ay alter ego ni Satanas.
BINABASA MO ANG
TRACE the way to HER heart - final chapter - romantic - suspense (completed)
RomanceHe's going to do everything to win her back. And an evil from the past looms over to bring fear to his family. Gagawin ni Trace ang lahat para muling maitama ang mga pagkakamali na kanyang nagawa. Muli niyang liligawan at susuyuin ang babaeng minama...