Chapter 8

1.7K 102 32
                                    

Dahil sa wala silang trabaho at hindi nila kailangan na magkita sa studio, at ang production ang abala sa pagkakataon na iyun. Pero si Venice ay napaka professional at talagang dedicated sa trabaho nito kaya, hands on pa rin ito, sa pag check ng mga detalye.
Naging abala rin siya sa hotel nang araw na iyun, dahil sa sunod-sunod ang pagdating ng deliveries ng supplies ng hotel, para sa kitchen, mga stationaries, at toiletries. It was past noon already, at hindi pa siya nakakapananghalian.
Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo, maya-maya ay darating na ang kausap niya, she decided na she’ll take a light late lunch, while talking to her friend na parating na anumang oras.
Bumalik siya sa front desk to see if everything was running smoothly. Nang, tawagin ang kanyang atensyon ng isa sa mga receptionist niya.
“Ma’am Alexis? May nagpa deliver po ng bulaklak para po sa inyo” ang malumanay na sabihin ng isa niyang magandang receptionist.
Lumapit siya rito, at nakita niya ang isang bouquet ng red roses, nakangiting iniabot ito sa kanya ng receptionist.
“Thank you” ang nakangiti rin na sagot niya, at inabot ng kanyang mga kamay ang bungkos ng mga bulaklak na nakabalot sa kulay pula rin na wrapping paper, mas mapusyaw lamang ang pagkapula ng pambalot kumpara sa pulang-pula na kulay ng mga naglalakihan na bulaklak na rosas.
Hinanap niya ang card na kadalasan ay kalakip ng bouquet, pero, wala siyang nakita. Kumunot ang kanyang noo, saka niya tinanong ang receptionist na nag-abot sa kanya ng bouquet.
“Uh, Joyce, wala bang kasama na card ang bulaklak?” ang tanong niya, pero may parte sa puso niya na umaasa na kay Trace galing ang bulaklak.
“Ma’am wala po, kadedeliver lang po ng mga bulaklak ma’am” ang sagot ng receptionist sa kanya.
She tried not to look disappointed, at isang matipid na ngiti ang isinagot niya sa kanyang receptionist.
Bitbit ang bouquet ng pulang mga rosas ay nagtungo siya sa kanyang office. Dahil sa hindi naman siya masyado nag stay sa opisina na iyun ay kahati na niya ang kanyang assistant manager.
“Wow ma’am ang ganda po niyan!” ang bati ng kanyang assistant manager na pang umaga.
“Thank you” ang nakangiting sagot niya, “naku wala pala akong malaking vase rito” ang sabi niya.
“Ma’am kukuha po ako para sa inyo, sa storage, may maganda pong crystal vase roon na di pa nagagamit” ang sabi ng kanyang assistant manager.
“Oh please thank you” ang nakangiting sagot niya rito.
Tumangu-tango ito at excited na lumabas ng kwarto.
Panay pa rin ang hanap niya sa bouquet ng card at baka naipit lang sa mga bulaklak. Nang tumunog ang kanyang phone sa loob ng kanyang bag.
Inilapag niya ang bungkos ng mga rosas sa ibabaw ng kanyang office table. Kinuha niya ang kanyang satchel at dinukot niya ang kanyang phone sa loob.
Nakita niya ang isang hindi pamilyar na numero sa kanyang phone screen, at agad na kumabog ang kanyang puso nang dahil sa kaba. Naalala na naman niya ang mga tawag na natatanggap niya noon.
Lumunok muna siya bago niya pinindot ang answer button at inilapit ang phone sa kanyang tenga, pero hindi siya sumagot.
“Alexis?” ang alalang tanong ni Trace sa kanya.
Halos ibuga niya ang kanyang pinigilan na hininga, nang marinig niya ang boses ni Trace sa kabilang linya.
“Alexis are you okey?” ang muling tanong nito at mababakas ang pag-aalala sa boses nito.
“You scared the hell out of me” ang sagot niya kay Trace at napahawak siya sa kanyang dibdib.
“I’m sorry babe, kumuha muna ako ng bagong phone, ayoko kasi gamitin ang phone ni Marcus” ang sagot niya.
Alam niya na wala ng pera si Trace, dahil sa ang savings nito ay ibinigay ng lahat sa kanila nang mamatay ito at idineposito naman niya sa account ng mga anak. Sigurado na humingi na naman ng pabor ito, kung hindi sa kanyang mga magulang ay kay Lyndon at kay Ace.
Nakaramdam tuloy ng awa si Alexis sa asawa. Nagsisimula kasi si Trace sa wala, kailangan niyang makausap ito mamaya.
“Natanggap mo ba ang pinadeliver ko? Yung mga bulaklak?” ang tanong nito at nabakas niya ang excitement sa boses nito.
At nawala ang kanina lang na takot sa kanyang dibdib, at napalitan ng kilig at tuwa. Tila may kuryente na dumaloy sa katawan niya, na nagdulot ng kilig. Napakagat labi muna siya bago siya sumagot.
“Uh, oo, thank you” ang sagot niya at pinilit niya na maging kaswal ang kanyang boses. At pinigilan niya na lumabas sa kanyang boses ang tunay na nadarama ng kanyang dibdib.
Ayaw niya munang bumigay agad sa mga pabulaklak ni Trace. Huh, may pabulaklak din siya kay Divine noon at may pa fruit basket pa, ang ngitngit niya sa sarili nang maalala ang nangyari noon.
“May may dadaanan lang ako, then, puntahan na kita diyan” ang sabi nito sa kanya.
“UH, huwag na, mag book na lang ako ng ride pabalik o baka ihatid ako ni Brix”-
“Susunduin kita” ang mariin na sabi nito sa kanya at hindi na siya nakasagot pa dahil sa mukhang determinado na si Trace sa desisyon nito.
“Okey, may kakausapin pa ako, I have to hang up now” ang sagot niya kay Trace.
“Okey, I love you” ang mahinang sabi nito sa kanya.
Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. At hindi niya maiwasan na maalala ang palitan ng I love you, nina Marcus at Divine noon, habang nasa harapan sila sa lamesa. At nakaramdam ng kirot ang puso niya, hindi niya pa rin makalimutan.
“Bye” ang matipid niyang sagot at pinatay na niya ang telepono.
Napabuntong-hininga siya, oo alam niya at tanggap na niya na nakabalik na si Trace, pero, may parte ng puso at isipan niya ang, nagmamatigas pa rin. Lalo pa at masakit pa rin sa kanya ang lahat.
“Ma’am?” ang pagtawag ng kanyang assistant manager sa kanya.
Pumihit ang kanyang katawan para harapin ang kanyang assistant manager na nakatayo sa may pintuan ng opisina, halata niya ang pagkabalisa sa mukha at boses nito.
“Yes?” ang kunot noo na tanong niya at humakbang siya papalapit dito.
“M-ma’am, you, b-better come see this ma’am” ang kinakabahan na sabi sa kanya ng gay niyang assistant manager.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba, lalo pa at nang makita niya na halos namutla ang kanyang assistant manager.
Tumango siya at sumunod siya rito, habang naglalakad sila palabas ng opisina at binagtas nila ang grand hallway hanggang sa lobby. Napansin niya ang labis na pag-aalala sa mga mukha ng kanyang mga empleyado.
At sumunod siya sa kanyang assistant manager hanggang sa labas ng main entrance, at bigla siyang napahinto sa kanyang matulin na paglalakad, nang tumambad sa kanyang mga mata ang korona ng patay.
Nauna ng lumapit doon ang assistant manager niya, kausap nito ang security ng kanyang hotel. Mabilis na lumapit ang isa sa mga ito sa kanya, dahil sa natulala at napako siya sa kanyang kinatatayuan sa entrance ng hotel. Para siyang isang estatwa na nanigas ang buo niyang kalamnan.
“Ma’am, may nagpadala po ma’am ng korona, hindi po namin tinatanggap, pero, nabasa po namin yung pangalan na nakasulat, akala po namin, late lang na naipadala” ang paliwanag ng head ng security ng hotel.
Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi ng security, pangalan? Ang tanong ng isipan niya.
Biglang nagkaroon ng buhay ang kanyang mga paa at mabilis siyang naglakad papalapit sa kulay puti na korona, kinakabahan man, ay lakas loob siyang naglakad papalapit hanggang sa naging malinaw na sa kanya ang pangalan na nakalagay sa kulay off white na malapad na ribbon na napapaligiran ng mga kulay puti na lilies.
“Condolence Marcus / Trace” ang nakasulat sa ribbon.
Nagulat siya sa labis na galit na kanyang nadama, para bang nasa impyerno siya at inapuyan ang buo niyang katawan sa labis na galit na naramdaman ng kanyang kalooban.
Her eyes glared with anger and her nose flared at tumikom ang kanyang mga labi. Hindi takot ang nadama niya, kundi sukdulang damdamin ng galit.
No, hindi ito isang late na pag-abot ng pakikiramay kay Trace nang mamatay ito, kundi, isa itong pagbabanta sa kanila ni Trace.
Naalala niyang papunta na si Trace sa hotel, kahit pa, hindi sila magkasundo ni Trace, ayaw niyang makita iyun ni Trace. Nag-alala rin siya, para sa asawa, at kung makagagawa siya ng paraan at gagawin niya, para lang matigil ang mga panibagong, pagbabanta sa katahimikan ng kanilang buhay.
“Itapon iyan, bilis! Dun sa dumpster sa likod, hurry!” ang mabilis at alisto niyang utos sa mga ito, at agad naman na sumunod ang mga ito, at mabilis na nagsipagkilos.
“Alexis!” ang malakas na tawag sa kanyang pangalan, at napahawak siya sa kanyang dibdib, dahil sa gulat. She swallowed and turned her body towards the woman who called her.
“Nikita!” ang pilit na pinasayang boses niya. At nilagyan niya ng liksi ang kanyang mga paghakbang papalapit sa kaibigan.

TRACE the way to HER heart - final chapter - romantic - suspense (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon