V

20 1 1
                                    

"Sa susunod nga, magdala ka ng payong parati kahit hindi maulan,"

Nagawa pa niya talaga akong sermonan, ah? Ano siya tatay ko?

"Opo, ama. Pasensiya na," I teased him. Minura niya ako pero hindi na lang ako bumawi. Baka paalisin pa ako sa tabi niya at mawalan pa ako ng payong. Magkasabay nanaman kami ngayon sa gitna ng ulan kagaya ng dati.

"Tsk. You're lucky that I just saved you a while ago in the court with that ex bastard of yours," kumunot ang noo ko para pigilan ang tawa. Heck! Naniwala siya dun?


"For your information, he's not my ex," mariin kong sabi.

"So what? Your fling?"

"Wow. Ganun ba tingin mo sa akin?"

"Maybe,"

He just shrugged pero nakangiti kaya halatang nang-aasar. Inirapan ko na lang siya at akmang mauuna ulit sa kaniya ng ipatong niya sa balikat ko ang braso niya. The heck!

"Uhhh... can you please remove your arm? Ang bigat kasi,"

"Nah. Baka mauna ka nanaman at magpaulan,"

Wala na akong nagawa dahil dun. Ayaw ko naman din dapuan ng sakit. Mahirap na at baka makaya mapatungan pa ako ng daan daang homeworks. Tsk.

Nang makarating na kami sa terminal ng tricycle, nagpaalam na siya at tumalikod na.

"Thank you!" sigaw ko. Hindi siya humarap pero nag thumbs up siya.

"Wait... get a grip, Eil! Nababaliw ka na," I scolded myself because I didn't even realized I was smiling after he did that.

"Ganda, sasakay ka ba?" tanong ni manong na halatang na-wi-wirduhan sa akin kasi kausap ko sarili ko. Sumakay na ako at sinabi ang address.

~××~

Nang maiabot ko na ang bayad kay manong, hindi na ako tumakbo para sumilong dahil mababasa lang din naman. Pagkasara ko ng gate, nadaanan ko pa ang mga bulaklak na tinanim namin nung summer lang.

"Kadiri ang wengya," basang basa na din ang footsock ko at ang paborito kong sapatos. Huhu! Itatapat ko ito mamaya sa likod ng ref namin para matuyo overnight.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto, bumungad sa akin ang malakas na tawanan ng mga kaibigan ni mama.

Sabay sabay silang napatingin ng mga tropa ni mama kaya agad akong nailang pero ngumiti ako na parang natatae. Mukha akong basang sisiw!

"Eilidh! Anong nangyari sa'yo? Ni-reject ka ba ng crush mo kaya ka nagpaulan?" pang-aasar ni mama sa akin kaya sinimangutan ko siya.

"Ma!" inis kong sabi pero agad niyang binawi yung sinabi niya.


"Ayan na ba anak mong panganay, Sol? Ganda, ah! Isali mo sa mga pageant mars!" abala ako sa pag pag tanggal ng sapatos ko at ang basang footsock. Huhu!

"Oo nga. Sayang ganda ng anak mo,"


Sus! Eh ayaw ko mag pageant, eh. Pakialamera pala itong mga kaibigan ng mama ko. Anim silang magkakaibigan pero hindi makita yung isang maingay sa kanila.


"Yun nga, eh. Kaso ayaw ni Eil. Hayaan mo na," iniba na ni mama yung usapan nila kaya makakaakyat na ako ng hindi naiilang. Bakit nga ba ako maiilang kung kami pala nakatira dito? Pfft.

Pero bago ako umakyat, dumiretso ako ng kusina at sinabit sa likod ng ref yung sapatos ko.


"Magpatuyo ka, ah? Baka magkasakit ka at hindi pa kita magamit. Huhu!" kinausap ko yung sapatos ko kahit na hindi naman nagsasalita. Minsan din may saltik ako at dahil kinakausap ko yung mga gamit ko.


The Merit Of Sunshine[On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon