VI

21 1 1
                                    

"S-sorry," agad akong umalis sa harap niya dahil sa kahihiyan. Sila Moria nauna na sa cr kaya hindi nila nakita yung nangyari.


"Anyari sa'yo?" tanong sa akin ni Anna pagkapasok ko ng cr. Nakita niya agad ako dahil sa salamin na malaki. Nag-aayos siya habang sila Moria at Yvy sabay na lumabas ng banyo at dumiretso sa faucet para maghugas ng kamay.

"Ahhh wala. May nakabunggo lang."

"Tara na. Pila na tayo sa canteen at baka maubusan pa tayo ng pagkain,"

After nila mag-ayos gawin ang ritual nila sa cr, pumunta na kami ng canteen at pumila. Nakasabay ko pang pumila yung iba kong crush sa ibang strand.

Wow! Marupok ako, noh?

"Ano bibilhin niyo?" tanong sa amin ni Moria . Pumipili na siya ngayon dahil nasa harap na kami.

"Pagkain," pagbibiro ko. She just looked at me with a poker face kaya natawa ako ng kaunti.


Nauna akong nakabili kesa sa kanila kasi si ate tindera mas inuna suklian yung ibang bumili kahit hindi naman yun yung naunang nagbayad. Tsk.


"Magbabaon na talaga ako next time!" reklamo ni Yvy sabay lapag ng binili niyang mga pagkain. Puro junk foods nanaman kinakain nito. Napaka healthy living naman ni ate gurl.

"Si Anna?" tanong ni Moira pagkaupo niya sa tabi ko. Tinuro naman ni Yvy kung nasaan si Anna. Kinuha pala nito yung ketchup sa ibang table.

"Sana all may confidence," sabi ko sa kaniya pagkaupo sa tabi ni Yvy.

"Ahahaha. Mababait naman sila, eh," sabi niya at inabot na sa amin ang ketchup. Ako at si Moria ay nagkanin with hotdog. Samantalang si Anna at Yvy, buhay junk foods.


"Anong club pipiliin niyo mamaya?" tanong ko sa kanila. May ganap kasing ECA mamaya.


"Hmmm... mag English at Science ako, eh. Kayo?"


"Multimedia at math club ako, gurl. Sayang naman," sabi ni Yvy habang kumakain ng patata.


"Science at English club na lang din kami," sbai ni Moria at Anna.


"Ay! You're leaving me behind?!" natawa naman kami sa sinabi ni Yvy.


"Sows. Kaya mo na yan. Laki mo na, eh!" sabi ni Anna kaya sinamaan siya ng tingin nito.


I almost choked on my food when someone placed its hand on my back. Its other hand is holding the ketchup. Bakit ayaw pa nito alisin ang kamay?

"Bakit niyo agad kinuha 'to, eh, ginagamit ko pa," tuluyan na akong nabulunan at napaubo nung malapit ang mukha ni Laigen sa akin nung nagsalita siya. He already left when I just realized that I needed water!


"T-tubig!" agad akong inabutan ni Moira at pinakpak pa niya likod ko. Saka lang ako inabutan nung sinabi ko, aba!


"Oh my goooosssh! Kilig ako sa nangyari, ah?!" kinikilig na sabi ni Anna. Jusme! May ganito palang side akala ko wala!


"Imbes na galit o inis na tono, malambing na tono pa. Kakatunaw niya, ah? Pero ngayon lang naman," sabi ni Yvy na ngayon sinusundan ng tingen si Laigen kasama yung iba naming kaklase.


"Yung ikaw kumuha pero sa iba lumapit. Dapat ako ginanyan niya, eh!" reklamo ni Anna na ngayon parang bata.



Nang mahimasmasan ako, pinalo ko pa dibdib ko. "Alam niyo, thankful ako sa inyo dahil muntik na akong mamatay." I sarcastically said to them. Wengya ayaw ko pa nga mamatay, eh.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Merit Of Sunshine[On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon