IV

16 2 2
                                    

"How's your sleep? You look like a panda, alam mo ba iyon?" natatawang sabi sa akin ni Yvy habang nakatingin sa akin. Her hands placed on her cheek while her elbows on the table. Nandito kami ngayon sa part ng elementary building ng school kung saan nakaupo kami sa mga wooden chairs. Si Moira naman nasa canteen bumibili ng pagkain para samin.

"I didn't get enough sleep," I yawned. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi mula nung sineen lang ako nung Laigen na iyon. Baka dahil ayaw kong ako yung sini-seen kaya hindi ako makatulog dahil sa ego ko? I don't know.

"Bakit naman? Iniisip mo pa din siguro si Jeremiah, noh? Yiieeee! Girl! Move on na!" tinignan ko siya ng masama.

"As if. Si Laigen kasi,"

"What about him?"

Nang i-kwento ko sa kaniya ang dahilan, tawang tawa naman ang kaibigan ko. Saktong dumating si Moria at tinanong kung bakit tawang tawa ang kaibigan namin. Sinabi naman ni Yvy ang dahilan habang pigil na pigil ang sarili sa pagtawa. Natawa naman si Moria pero kinikilig din. The heck is wrong with my friends?

"Alam mo... hindi na ako magtataka kung mahuhulog ka agad sa kaniya. Marupok ka kaya, girl. Tignan mo itong si Eilidh, nagka-crush na agad kay Jeremiah nung nakita lang itong naglalakad sa hallway at sinabi ba naman sa atin, 'Uyyy gosh! Mukhang koreano yung guy!' HAHAHAHA! Hidni ko pa din makalimutan ang araw na yun na hinanap pa agad ang account sa twitter, insta at facebook. Like, girl, atat? HAHAHA!"


Nakitawa na din si Moria kay Yvy. Parehas ko silang dalawang tinignan ng masama pero sige pa din sila ng tawa.

"Mabulunan sana kayo," hindi ko na sila pinansin kumain na lang ako.

Pang kwentuhan lang ang dalawa habang nakatambay pa din kami sa part ng elem building. Napapangiti ako sa mga bata dahil nagagawa pa nilang magsi-takbuhan. How I miss my childhood days. Gusto ko ulit maging bata para walang problema. Being in the stage of puberty is very hard.

Gusto kong matulog.

"Ay, muntik ko ng makalimutan. Alam niyo ba? Yung Anna? Yung bago mong seatmate Eil, pansin niyo? Halos lahat ng boys tingin ng tingin sa kaniya," pagchi-chika ni Yvy sa amin. Itong babaeng ito, pagdating sa tsismis buhay na buhay.

"Weh? Sabagay. Maputi kasi at ang kapal ng make up. May pwet din kasi at dibdib,"

"Grabe ka Moria. Napaka-judgmental mo pala. Akala ko hindi," sarkastikong pagkakasabi ni Yvy. Moira just smirked at us like a kid. May pagka-childish at clingy itong si Moria pero may pagka-judgmental... minsan lang naman.

"Mabait ba, Eil?" tanong sa akin ni Moira.

"Mmm... hindi ko alam. Hindi kami nag-uusap, eh,"

Nag-uusap pa kami nila Yvy at Moria ng bigla akong nag-isip tungkol kay Anna dahil mukhang loner. Mamaya nga makausap yun.

~××~

"Hi," bati ko kay Anna na halatang hindi nag break time. Kumain kaya siya?


"Hello," malambing niyang pagbati. Napangiti din ako ng bigla niya akong ngitian.

"Ikaw diba yung nag tanong sa akin last time kung STEM 103 ako, diba?"

"Ahh oo. Ako nga. Hehe," nahihiyang sabi ko. Why do I sound like an awkward person right now?

When she asked me name, dun na nagtuloy tuloy ang kwentuhan namin. She's actually a nice person and parehas kaming Christian pero iba ng community. I was amazed ng malaman kong nag-aral siya ng two years sa Ilocos kaya marunong siya mag ilokano. Tinuruan niya ako pero hindi ko magets. HAHA!

The Merit Of Sunshine[On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon