una

29 1 0
                                    


Rey's POV

"Tell me, anong conversation to!" nakakagalit, bakit parang nawawasak ang puso ko sa nabasa ko. Taksil

"That was a good night, hmm siguro sa ibang motel naman tayo?"

"I like your kiss and I also like you"

SINO BANG MATUTUWA KAPAG GANYAN ANG MAKIKITA MO SA CELLPHONE NG GIRLFRIEND MO?!

"It's just a misunderstanding Rey, we're just friends" at sabay ang yakap ni Shanne saakin at nagmamakaawa. Friends?may friends bang nagtitikiman sa isa't isa?

Pasalamat sya at natatandaan kong babae sya at girlfriend ko parin sya sa mga oras naiyon.

"Shanne, alam mong 1 week lang akong wala, at never akong nagkaintensyon sa  sex life nating dalawa dahil para sa kasal natin iyon" nirerespeto ko sya pati narin ang pamilya nya pero bakit?

"Ayun na nga e, we're not having anything na mas intimate kaya naghanap ako ng iba" boom. Edi lumabas rin na lalaki nya ang kausap nya through viber, uutakan nya pa ako eh mas mautak ako

Sakit, mapapalaya ata ang 3 years na nilaan ko para sakanya. Handa na ako sa paapat na taon namin para pakasalan sya pero bakit?

"Sorry Rey" kahinaan ko ang pag iyak nya at alam nyang mababalik ko sya sa mga ginagawa nya.

Pero mali na ang lahat

Tama na siguro ang paulit ulit na pagpapatawad dahil hindi naman sya nagbago

Buo na ang desisyon ko, hindi dahil nasasaktan at galit ako kundi dahil sa wakas natauhan na ako.

"Makikipaghiwalay na ako Shanne, malaya kana" sabay ang pagsira sa bracelet kong nakaukit ang pangalan niya, mahal kita Shanne pero tama na.

Agad kong nilisan ang chain kung san kami nagkita ni Shanne, nanlalabo ang mata ko dahil sa sunod sunod na patak ng luha mula sa mga mata ko. Maging matatag ka Rey, tandaan mong hindi ikaw ang nawalan. Pero pakiramdam kong iniwan na ako ng lahat.

Pagkarating ko sa parking lot ay tinungo ko agad ang kotse ko at doon umiyak ng sobrang lakas. Mahina talaga ako.

Gusto ko syang ichat para sabihin na mali ang desisyon kong iwan sya pero hindi maaari. Dahil hindi porket libre magpakatanga ay gagawin ko na halos araw-araw.

Naalarma naman ako sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko, tumatawag si Louise.

"Rey?nasaan kana?30 mins nalang bago magstart ang gig natin. Pakidalian"

"Okay. Papunta na" hirap magsalita kapag umiiyak ka, nakakaawa ako.

Buti nalang at 10 mins lang ay makakarating ako sa place ng gig, pero wala ako sa kondisyon, mali ata na sasabak ako ngayon.

Mali dahil ako ang kumakanta sa kantang binigay samin ng Tropafriends, ang "Paano na"

Sana ay maihiling kong hindi muna isama sa set ang kanta.

Pagkarating ko sa place ay nagpapalit na sila, agad naman akong dumeretso sa likod ng pinto para paltan ang damit kong basang basa ng luha at sipon dahil sa pag iyak ko.

"Anong nangyare sa mata mo?" Buti nalang nandito si Louise, alam kong maiintindihan nya ako.

"Sabihin ko mamaya pero pwede bang irequest mong pass muna sa PN ngayon?di ata kaya e" banggit ko at kitang kita sa mukha nya ang pagtataka.

"Sorry Rey pero iyon ang request ng lahat lalo na at nagviral ang kanta nayon, kaya mo yan ikaw paba" sabay tapik sa balikat ko at umalis na.

Hays. Wrong timing Maestro.

Di ko alam, napatitig ako sa kawalan, wala na talaga yun nalang ang masasabi ko, tiyak na mapapaiyak akong sigurado sa mga kakantahin namin.

Di ko namamalayan nakatitig rin pala sina Rajih sakin

"Umiyak ka?bakit?" Minsan di ko alam kung matutuwa ba ako na kinocomfort nila ako o hindi, mukhang mapang asar e.

"Sino ba?si Number 1 or number 2?" Isa kapa David, tatadyakan kita.

"Baka si number 2 HAHAHAHA" Sean, ibubuking kita sa girlfriend mo tingnan mo.

Walang kwenta puro pang aasar amp.

"Kailan ba ako nagka number 2 ha?di ko alam kung makakatulong kayo e. Bahala kayo" wala talagang nakakaintindi sakin. Bakit naman ngayon pa?

Makatapos ang ilang minuto ay sumabak na kami sa stage. (This story is 7 years of Magnus Haven, yung kay David ay pang 9 years)

"Lets all welcome Magnus Haven, ang Himig Handog winner of 2027" banggit ng emcee at nagtipa na si Sean ng drum hudyat ng pagsisimula

Di ko maisip
Hindi ko matanggap
Ano ba ang nangyari
O ano ang naganap

Hindi ko maintindihan
Hindi ko malaman
Ang nadarama na
Para bang ewan

Nasasaktan
Nasusugatan
Lumuluha na walang dahilan

Bakit ba ganito
Wala na bang bago?

Paano na ako?
Paano na tayo?
Iniwan mo akong naiisa(2x)

Maghintay ka lamang
Ika'y malilimutan
Ako ay magiging masaya
At kahit hindi ka kasama

(Chorus)

Ps. The song above "Paano na" is actually the song that we did (with my friends) binalak namin ipasa sa Himig Handog kaso nawala na yung friendship namin, andyan parin kaso hindi na kasintatag nung una.

Di ko mapigilan ang luha sa mata ko, bukod sa masakit ang bawat ng linya ng kanta ay sumasabay rin iyon sa sakit na nararamdaman ko sa mga oras naiyon.

Wala na akong pake kung garalgal man ang boses ko at lumuluha ako habang kumakanta, wala akong kailangang intindihin kundi ang sarili ko.

Natapos ang set namin mga bandang alas otso ng gabi, di kami nagkikibuan nila Rajih dahil sa nangyaring sagutan kanina. Bahala sila.

"Sir, una na ako" balak kong tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman ko, sa Chile and Bar.

"Teka lang Rey, samahan ka namin. Pasensya na sa kanila kanina" buti pa to si Louise, umoo nalang ako bilang sagot.

Ilang minuto rin ay nakarating na ako sa CAB, kasunod rin ang mga kotse nila, wag nila akong susubukan dahil malilintikan sila sakin.

Hindi ko na sila nilingon pa at dumeretso na sa loob

Tutal kasama ko sila sana sila ang sumagot sa beer, kahit dun lang.

Humanap ako ng pwesto sa 2nd floor, bukod sa makilala kami ng ibang nandito ay mas tahimik sa lugar na iyon.

Sumunod sila sakin at nagulat ako dahil nagbitbit sila, isang case. Peace offering yun panigurado.

Naunang tumabi sakin si David at bumulong

"Sorry na pre, handa naman kaming makinig sayo"

Sige na nga, tutal kayo rin naman ang pamilya ko.

Landas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon